NABALITAAN nang mga kaanak ni Sofia na namatay na ang kanyang Ina. Kaya dali daling umuwi ang mga ito sa Pinas para makita manlang ang kanilang kapatid sa huling sandali ngunit huli na ang lahat. Dahil nailibing na ito at sa sementeryo na nila naabutan ang katawan ng kanilang kapatid.
Bukod pa roon ay May sadya talaga sila sa dalawang magkapatid na sina Sofia at Jaya dahil balak nila itong ipakilala sa mga kumpare ng kanilang asawa ng sa ganun baka daw matipuhan ng mga iyon ang magkapatid.
Pagkatapos nilang pumunta sa sementeryo ay pumunta din ang tatlong tita ni Sofia sa lumang bahay nila pero maayos na ngayon dahil inayos na iyon ni Justine para naman muling gumanda. Dahil iyon nalang daw ang natatanging alaala nila sa kanilang mga magulang
Nagtaka pa ang tatlong tita ni Sofia ng makita ang naturang babay, halos apat na taon na kasi Nong huli silang bumisita dito bago bumalik sa ibang bansa. Dahil doon na nila piniling tumira kasama ang asawa't anak.
Iniisip kasi nila na sirang sira na ang bahay at luma na pero mali ang naisip nila, dahil ang lumang bahay ng kanilang kapatid ay parang bago na ulit.
Nagtaka man ang mga ito nagpatuloy parin sila sa pagpasok sa bakuran ng magkapatid.
Saktong naroon ang tatlo sina Justine, Sofia at Jaya kumakain ang mga ito ng tanghalian dahil kakatapos lang nilang ilibing ang Ina.
"Sofia kaya lumabas kayo," Tawag ng kanilang tita mula sa labas.
SOFIA POV
Nagulat kami ng May marinig kaming boses sa May bakuran habang kumakain kami dito sa loob. Ang boses na iyon ay familiar din sa akin. Lalo na kay Jaya
Dali-dali akong sumilip sa May bintana at doon ko nakita ang tatlo kong tita.
si Tita China, Tita Marivic at tita Iren. Nagtaka ako kong ano ang ginagawa nila sa bahay at pumunta pa talaga dito. May lakas ng loob pa talaga silang pumunta matapos kong ibalita sa kanila na 50/50 na ang nanay sa ospital. Binabaan ako ng tawag at sinabihang wala raw sila pera, dahil inakala ng mga ito ay hihingi ako ng pera para sa gamot ng ina ko. mga matapobre.
Lumabas ako at pinuntahan sila, naiwan naman sa loob ng bahay ang asawa kong si Justine at si Jaya.
"Ano pong ginagawa nyo dito?" magalang kong tanong sa kanila
"Hindi mo ba muna kami papasukin sa loob at dito kapa talaga nagtanong?" sabat ni tita chin sakin
halata din ang inis sa boses nito.
"Bakit po importante po ba ang pag usapan natin?" tanong kong muli sa kanila
"Hindi kaba nakakaintindi Sofia or saydang bobo ka lang!? sabi nga diba ni ate chin sayo papasukin mo kami sa loob at doon tayo mag usap? palibhasa bobo ka mana ka sa Ina mo"! sabat bigla ni tiya Marivic
Uminit ang pisngi ko sa sinabi nito.
"P4tay na ang Ina ko! Wag na wag nyo siyang idamay dito! ang bastos po ng bunganga nyo sa totoo lang, nagtatanong lang po ako ng maayos". kalmadong sagot ko sa kanila
"Tumahimik na kayo pwede ba. Tama naman si Sofia bakit di nalang natin dito sabihin sa kanya para malaman niya kaagad". singit ni tita Iren.
medyo mabait pa ito kesa sa dalawa niyang kapatid na halang ang kaluluwa. Mula Nong yumaman akala mo hindi na kayang abutin sa sobrang yabang.
"Ikaw na Iren ang magsabi diyan at umiinit ang ulo ko sa batang iyan". inis na turan ni tita chin kay tita Iren.
"Oo nga Iren, sabihin mo na dyan at ng makaalis na tayo". pasaring naman ni tita Marivic
Tumingin ako kay tita Iren at tinanong ito.
"Tita ano po ba iyong sadya nyo dito? mukhang mas mahalaga pa iyan kesa sa tanungin kong ano ang dahilan ng pagkamatay ng nanay ko?" tanong ko dito
"pasensya Kana sa mga tita mo, pagod lang iyan sa byahe. at nga pala condolence pasensya na kong di kami nakaabot sa pag palibing sa nanay mo, medyo busy kasi kami sa negosyo at hindi ganun kaagad makapag byahe pauwi dito." hinging pasensya ni tita Iren
Pero hindi ako naniniwala, talagang wala sa loob nila ang pumunta dahil sa alitan nila noong nakalipas na apat na taon
ayaw ko ng balikan pero isa lang ang masabi ko, ubod sila ng sama at kong pwede lang na hindi ko na sila kilalanin bilang tita ko gagawin ko, kaso hindi iyon mababago dahil kahit bali-baliktarin man ang mundo tita ko parin sila at kapatid sila ng nanay ko
"naunawaan ko tita. Bukod pa roon ano po ang talagang sadya nyo dito?"muling tanong ko sa kanila
"hindi na kami mag paligoy-ligoy pa, total wala na ang nanay at tatay nyo, pwede bang sumama nalang kayo sa amin sa Amerika?" panimula ng kanyang Tita Iren
"bakit po? para saan? okey naman na kami dito ng kapatid ko, nakakaraos kami dito. pasensya na tita pero hindi kami sasama sa inyo". sagot ko
"ang arte mo namang babaeta ka! kong tutuosin swerte.mo na nga at makarating ka sa Amerika dahil kong ako lang hindi ako papayag na sumama ka doon"! singit ni tita chin
"Bakit tita chin? Sinabi ko bang sasama ako? sinabi ko bang gusto ko don? excuse mo lang po ha wala akong balak na sumama sa inyo kahit na ang kapatid ko, hindi ko kailangan pumunta sa Amerika sa pamamagitan nyo. Pwede ba umalis na kayo dito at baka makalimutan kong kapatid kayo ng nanay ko"! galit na pagtataboy ko sa kanila
"Sofia makinig ka sakin. wag uminit ang ulo mo, ang gingawa ko lang naman is para sa kabutihan nyong magkapatid". sabat ni tita Iren
"Anong klaseng kabutihan tita?" tanong ko dito
"Ano pa edi pag asawahin kayo ng mayaman di ba halata?!" biglang singit ni tita Marivic
"Ha!ha!ha, bakit kam bakit hindi nalang ang mga anak nyo ang ipaasawa nyo total mga mukhang pera naman kayong lahat hindi po ba?!" sa sinabi kong iyon ay bigla akong sinampal ni tita Iren
hinawakan ko ang kanilang pisngi ko dahil ramdam ko ang hapdi non.
"Bakit tita totoo naman ah? bakit kami ni Jaya kong pwede naman ang mga anak nyo nalang? ayaw nyo non madagdagan lalo ang mga kayaman nyo?. umalis na kayo dito dahil hindi ko kayo kailangan layas wala kayong kwentang kapatid ng nanay ko, masama ang mga ugali nyo magsama sama kayo"! galit at gigil kong sigaw sa kanila
lumabas na si Jaya at Justine dahil narinig nila akong sumigaw.
"Kaya pala ayaw mo sumama dahil May binabahay kanang lalaki dito? Malandi kang babae ka"! sigaw ni tiya Chin sakin.
"Lumayas kayo wala kayong alam sa buhay ko layas layas mula ngayon magkakalimutan na tayo"!sigaw ko muli sa kanila
ITUTULOY