Matapos nang May nangyari sa dalawang mag-asawa ay agad ding nagbihis si Justine para pumasok sa opisina. Hinayaan niya munang humiga ang kanyang asawa sa kama habang nanunuod sa kanya kong paano sya mag bihis.
Ilang saglit pa ay natapos na si Justine sa pagpapalit, inayos na nito ang bag saka sumampa muli sa kama kong saan naroon parin ang asawa.
"Mahal aalis na ako, mag-ingat kayo mamaya ni manang kapag pupunta na kayo sa palengke ha. Maaga din akong uuwi". paalam ni Justine kay Sofia sabay halik sa labi nito.
"sige mahal, magbibihis narin ako para makaalis narin kami. Siya nga pala mag-ingat ka sa pagmamaneho mo". bilin nito sa asawang si Justine
"Always naman mahal." tugon ni Justine sa kanya.
Narinig na ni Sofia ang kotse ng asawa na palabas na ng kanilang gate, umayos narin siya at bumaba na para ayain si manang na tutungo na sila sa palengke. Pinili ni Sofia na nagsuot ng simpleng kasuotan lamang dahil hindi naman siya sanay mag suot ng magarbo, lalo na kong sa palengke naman siya pupunta.
Sa madaling salita pang bahay lang ang kanyang suot.
Pinuna pa nga sya ng kanilang katulong kong sigurado ba itong iyon ang damit na gusto niyang isuot? Nagtaka kasi ito dahil nakapambahay lang gaya kay manang.
"Huwag kayo mag-alala manang dito ako kumportable, at isa pa palengke ang pupuntahan natin. Kaya ayos lamang ito manang". Nakangiting tugon ni Sofia.
ngumiti nalang din si manang sa kanya dahil napakabait ng napangasawa ng kanilang Amo, hindi daw s'ya ignorante at maldita hindi daw gaya sa mga naging ex noon ng kanyang amo.
Bago pa siya nakilala ni Justine Nong nasa collage palang sya ay May mga babaeng pinagkasundo sa kanya, May mga maka-date naman sya at naiuwi raw sa bahay para doon nalang mag date imbes na sa labas. Para mas lalo din daw makilala ni Justine ang ugali ng mga babae nya, subalit hindi na agad ito nakapasa pagdating palang sa kong paano nila itrato ang mga katulong nya, na tinatrato ni Justine ng tama.
mga matapobre ang mga ito at mababa ang tingin sa kagaya nila manang, kaya swerte raw ngayon ng amo nila at si Sofia ang naging asawa nito.
Umalis na sila ng bahay matapos magpaalam sa mga maiiwang katulong sa bahay, mas pinili nilang maglakad nalang dahil malapit lang naman ang palengke sa lugar nila. Bukod pa roon maganda pa sa balat ang sinag ng araw, para kahit paano mapawisan din sila.
Inabot sila ng halos sampung minuto sa paglalakad bago nila narating ang naturang palengke, malaki ito at malawak, maraming pwedeng bilhin at bukod pa roon ay maraming mura.
Si manang ang tagadala ng ibang nabili nila ni Sofia , samantalang si Sofia naman ang mga naghahanap ng kanilang mga bibilhin. At ang iba ay siya din naman ang May hawak. Natutuwa masyado si manang kay Sofia dahil magaling din itong makipag tawaran sa mga tindera para babaan ang presyo ng kanilang paninda sa kanila. Kahit na sobra naman ang dala nilang pera ay napaka humble parin talaga ni Sofia.
Marami silang nabili ng oras na iyon, nagpahinga sila saglit sa May food court habang kumakain ng tusok-tusok na nabibili lang malapit doon.
aayaw pa sana si manang kaso mapilit si Sofia sa kanya kaya napasubo narin ito.
Lalong nasisiyahan ang ginang dahil unti-unti na niyang nakilala kong ano ang tunay na pagkatao ng asawa ng amo nya.
aminin niya, wala kang maipintas sa bata
Isa lang ang pwede niyang sabihin, swerte ang kanyang amo dito.
Pagkatapos nilang kumain ay umalis na sila sa lugar na iyon at nagpasya nang umuwi.
Dahil sa dami ng kanilang napamili ay nagtawag na nang padyak si manang para makasakay sila roon.
Trisekel sana ang tatawagin nila subalit walang bakante ng mga oras na iyon.
Maya-maya pa ay lumapit na ang driver ng padyak sa kanila at isinakay sila pauwi sa kanilang tahanan.
Malapit na sana sila sa kanilang bahay ng May bumusena sa kanilang likuran, tila nagmamadali ito at gusto nang mauna, kaso hindi agad makagilid ang padyak dahil nahulog sa May butas ang isang gulong ng kanyang padyak.
.napilitang bumaba sila sofia at si manang para gumaan ang padyak para narin maitulak na ito ng Driver.
Maya-maya pa ay huminto ang mismong kotse sa tabi ni Sofia at bumukas ang pinto non.
"Akala ko nagkamali lang ako ng pag aninag sayo, ikaw pala talaga yan Anak mahirap na si Sofia, na hanggang ngayon hindi ko kinikilala bilang kadugo". bungad ng babae sa kanya
Nilingon ni Sofia ang May ari ng boses na iyon at nagulat sya ng makita ang pinsang si Greta.
"Ano nanaman bang problema mo Greta? pwede ba kong dadaan ka dumaan ka nalang"! inis na turan sa kanya ni Sofia
natawa lang ang pinsang si Greta at nagawa pa nitong bumaba ng kotse nya.
"Nakita mo itong kotse ko? maganda hindi ba? Yan lang naman ang bagay na hindi mo afford buong buhay mo Sofia, dahil isa ka lang hampaslupa na nawalan na ng mga magulang Hahahah"!
sa tingin ni Sofia ay iniinsulto siya ng kanyang pinsan. Nagpigil siya dahil ayaw ito ng gulo, subalit ang idamay nito ang mga magulang nya ay hindi na iyon tama.
"wag na wag mong idadamay ang mga magulang ko dito, lalo na at namayapa na sila ngayon, umalis Kana Greta bago pa uminit ang ulo ko sayo at makalimutan kong pinsan kita"! galit na singhla ni Sofia sa pinsan.
"Wow how scary, ayaw mo lang amin sa sarili mo na mahirap ka lang talaga at oww sa tingin ko katulong ngayon ang trabaho mo? kasi May kasama kapang yaya"! saad ni Greta pati si Manang ay hindi nito pinalampas,at dinamay pa sa kagagahan nito.
"Huy ikaw babae ka, sumusubra Kana ah, napipikon na ako sa'yong bata ka! maganda ka lang pero asal hayup yang ugali mo pwede"! singit ni manang sa usapan nilang mag-pinsan.
"Ow palaban din ang isa pang alila, mga alipin ng pera Hahaha . diyan na nga kayo, magsama kayo mga inutil"! huling wika ni Greta sabay alis na sa harapan nila at sumakay na sa kotse nito.
"Ikaw naman hija bakit di mo nilaban ang bruhanh pinsan mo? sumusubra na sya". sermon sa kanya ni manang
"Sanay na ako sa ugali non manang. Hayaan nyo na sya, sana lang di na kami magkita ulit". tugon ni Sofia at nagpatuloy na sila sa paglakad.
dahil malapit na nanaman sila sa kanilang bahay ay binayaran na nila ang padyak saka kinuha ang kanilang mga pinamili.
ITUTULOY