bc

Magda [SPG]

book_age18+
105
FOLLOW
1K
READ
dark
family
HE
age gap
brave
police
stepfather
single mother
drama
tragedy
sweet
no-couple
lighthearted
serious
kicking
mystery
detective
city
office/work place
lies
war
love at the first sight
friends with benefits
addiction
like
intro-logo
Blurb

Magdalena Virgo Articulo, dalaga, maputi, matangkad at higit sa lahat ay maganda na pwedeng ilaban sa mga beauty contest, waiter sa isang bar. Subalit iba ang kanyang katauhan sa umaga. Katwiran kasi niya ay hindi naman kasya sa kanilang mag-ina ang kinikita sa trabaho sa bar. Wala rin sa kanyang bokabularyo ang salitang pag-ibig nang lokohin ng Ama ang kaniyang Ina. Katwiran pa niya ay para sa marurupok lamang ang pagmamahal na 'yan. Brent Pagdangan, isang alagad ng batas. Matangkad, moreno, binata, gwapo at matipuno ang katawan. Nadestino sa lugar nila Magda, kaya naging customer nila ito madalas sa bar. Dahil lagi niyang kausap ang binata ay nalaman niya kung ano ang pakay nito sa kanilang lugar. Pero imbis na matakot siya ay nakipag kaibigan pa nga siya sa binatang pulis. Dahil iniisip niyang magiging ligtas siya kung sakaling mabuko nito ang iba pa niyang trabaho. Subalit sa isang hindi sinasadyang pangyayari ay nalaman nito ang kanyang lihim. Para hindi iyon mabunyag at makulong siya ay inalok siya nito na magsama sila sa iisang bubong bilang mag-asawa. Susuportahan silang mag-ina huminto lamang siya sa kanyang trabaho. Pumayag naman siya dahil katwiran niya ay pagod na rin naman siya sa kakatago. Subalit ang hindi niya matanggap ay unti-unti nang napapamahal sa kanya ang binatang Pulis. Umuusok kasi ang ilong niya kapag may nakikitang kausap si Brent na babae. Kaya madalas ay mainit ang ulo niya. Prinangka naman siya ni Brent na nagseselos daw siya kaya siya laging galit. Pero mariin niyang ikinakaila iyon. Aaminin na ba niya na mahal na nga niya ang binatang nag-ahon sa kanya sa maruming gawain? Ngunit, paano naman ang agam-agam niya na baka magaya lamang siya sa Ina na niloko ng asawa? Hindi naman kasi niya naririnig kahit isang beses sa binatang alagad ng batas na mahal din siya nito? Lalayo na lang ba silang mag-ina at babalik siya sa dating trabaho? O susugal siya sa walang katiyakan kung ano ang magiging kapalaran kasama si Brent?

chap-preview
Free preview
PROLOGO
MAGDA/ VIRGO's P O V " Virgo, bumangon ka na riyan at tatanghaliin ka sa trabaho mo! " kalampag ni Mama sa pinto ng aking silid. " Hhmm! Ayan na po! " paos ang boses na tugon ko sabay inat ng aking mga braso at binti Kahit nais ko pang matulog dahil madaling araw na ako umuwi kanina galing sa bar bilangg waitress ay kailangan ko pa ring mag trabaho ngayon dahil hindi naman kumakasya sa aming mag- ina ang aking sweldo sa pagiging serbidora. Kaya naman inunat- unat at kinendeng- kendeng ko pa ang aking katawan para mawala ang antok ko. Waitress lang talaga at kung minsan ay nakiki- table kapag nag- request ang customer pero hanggang doon lamang ako. Hindi kasi kaya ng aking kalooban na makipag- date sa mga customer sa labas kapalit ng malaking halaga. Kaya nga puro kantyaw ang nakukuha ko sa aking mga kasamahan sa bar na kahit daw tumanda ako sa pagiging serbidora ay hindi ko pa rin mabibili ang aking mga gusto sa maliit nga naman ng sweldo. Tinatawanan ko lamang sila, importante pa rin kasi sa akin ang pagka- intact ng aking pagka babae kaysa anumang halaga. Hindi naman sa minamaliit ko ang ginagawa o trabaho nila, kanya- kanya naman kasi tayo ng prinsipyo sa buhay at dinadalang pasanin sa buhay. Hindi kasi talaga kaya ng aking kunsensya na ibenta ang katawan ko kapalit nga ng pera. Hindi man kami isang kahig isang tuka ng aking Ina ay hindi ko naman masasabing nakakaluwag kami. Kailangan ko pa ngang dumoble ng trabaho para may pambili ng gamot ni Mama. Dahil ang magaling kong ama ay nagkaroon ng relasyon sa officemate niya at iniwanan kaming mag- ina. Kaya naman sa pagre rebelde ko ay hindi ko tinapos ang aking pag- aaral na aking pinag sisihan ngayon. Kung hindi kasi nag loko si Papa ay maganda sana ang buhay naming mag- anak. Naiwanan naman sa amin itong bahay na ipinundar ng aking mga magulang. " Kumain ka muna bago ka umalis. " alok pa ni Mama paglabas ko sa aking silid kaya sa kusina ako dumiretso. Katamtaman lang naman ang laki nitong bahay namin. May dalawang silid, maliit na sala at may division lamang na pinag patungan ng aming telebisyon at speaker. Kumpleto naman kami sa gamit kaya hindu nahihirapan ang aking ina sa gawaing bahay kahit may iniinom na siyang maintenance na gamot. " Anong oras ka naman kaya makakauwi mamaya? " masuyong tanong pa niya habang magana na kaming kumakain, kadalasan kasi ay tuwing almusal lamang kami sabay na kumakain dahil sa hapunan ay sa bar. Sa tanghalian naman ay sa pangalawa kong trabaho na ako kumakain. " Depende po kung makaka kota po kami agad. " magalang ko namang tugon sabay kagat ng hotdog na tinusok ko ng tinidor " Mag- iingat ka, kaya ko namang magtiis kung ano ang mayroon tayong dalawa kung bakit nag dalawa ka pang nang trabaho. " sambit pa ni Mama " Paano po ang mga iniinom n'yong gamot? " magalang ko pa ring tugon sabay inom ng tubig sa baso " Naku! Magaling na ako, ikaw lang naman itong panay painom sa akin ng mga gamot! " tila nagrereklamo namang saad pa niya " Hindi naman po kasi komo magaling na kayo ay ihihinto na ninyo ang pag- inom ng gamot, mismong ang doktor n'yo po ang maysabi na maintenance na ninyo iyon. " matyagang paliwanag ko pa Mula kasi nang iwan kami ni Papa ay nagka- anxiety siya. Kaya matagal na gamutan ang kinakailangan dahil gusto ko namang maranasan niya ang maalwang buhay kaya nga doble kayod ako para sa aming dalawa. " Alis na ho ako. " paalam ko na nang tapos na kaming kumain sabay tayo " Mag- iingat ka. " bilin pa nito at inihatid pa ko sa aming bakuran habang inilalabas ko ang aking motorcycle na gamit ko sa aking pangalawang trabaho. " Sige po. " humalik pa ako sa kanyang pisngi bago sumakay sa aking motorcycle Tinapik lamang ang aking balikat. Isinuot ko ang gwantes at helmet tsaka ko na pina- andar ang sasakyan ko. Ilang sandali pa ay nasa lansangan na rin ako, maingat pero mabilis ang aking pagpapa takbo dahil nag- text na kanina bago ako lumabas ng silid ang aming bossing na dalian ko raw na makarating sa aming opisina. " Good morning, Bossing! " bati ko agad sa aming amo pagkarating ko Binati ko rin ang aking mga kasamahan na nandoon na at ako na lamang ang kulang sa aming pito. " Magandang umaga rin, Magda, eto ang tsak n'yo ngayon. " tugon bati ng aming bossing na naka upo sa swivel chair at may office table na yari sa salamin sa kanyang harapan at ang mga kasamahan ko ay sa couch naman naka upo sa harapan nito. Kinuha ko ang papel at tumabi nang upo sa magiging partner ko sa task naming ito. Tsaka namin pinag- aralan, inabot na rin ni Bossing sa liman ko pang kasamahan ang kani- kanilang task. Apat na lalake at tatlo kaming babae sa grupo namin ito. Hindi ordinaryo ang aming trabaho, sa madaling sabi ay kalaban kami ng mga alagad ng batas. Nangho holdap, nagnanakaw sa mga establishment at malalaking department store, kung minsan ay scammer din kami sa mga online gumbling. Wala e, kapit sa patalim, nakilala ko ang grupong ito dahil sa kaklase ko na si Fatima noong nasa kolehiyo pa ako dahil nga sa pagre rebelde ko. Hanggang ngayon ay magka samahan pa rin kami at kung minsan nga ay magkasama pa kaming dalawa sa task. " Let's go, Magda. Para matapos na agad natin at makauwi ng maaga. " aya ng aking partner sabay tayo nang mapag- aralan ang pasikot- sikot kung saang pawnshop kami mangho- holdap. Kapag kasi natapos namin ang task ay ibibigay na agad ang aming kinita para sa araw na ito at pwede nang umuwi. At Magda ang pakilala ko sa kanila para walang maka kilala sa akin. Dahil iba ang aking pagkatao kapag nasa Virgo na akong katauhan na aking Ina lamang ang tumatawag. Ilang sandali pa ay kanya- kanya na kaming alis sa aming 'opisina' na sakay ng aming mga motorsiklo para gawin ang aming trabaho.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
307.5K
bc

Too Late for Regret

read
271.6K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.6M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
135.8K
bc

The Lost Pack

read
374.6K
bc

Revenge, served in a black dress

read
144.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook