THIRD PERSON's P O V " Ay! Kabayong bundat! " bulalas na wika ni Magda nang may kumalampag sa lamesang nasa harapan niya. " Ano ba!? Bakit ka nanggugulat? " inis naman niyang sambit sabay himas sa tapat ng dibdib dahil kinabahan siya. " Hala! Magdalena, mahirap iyang pagiging magugulatin mo ngayon ha! Ano nangyayari sa'yo!? Kanina ka pa kasi namin kinakausap ang layo nang tingin mo at tila hindi ka nakikinig! " hindi naman makapaniwalang saad ng kanilang Bossing Sa uri kasi ng kanilang trabaho ay dapat alerto sila lagi, mata, isip, galaw at pang- amoy, lalo na at nandito sila sa kanilang tinatawag na 'opisina'. Nakita naman niya ang makapal na librong ibinagsak sa harapan niya kaya siya nagulantang kanina at natauhan. " S- Sorry, Bossing! M- May . . g- gumugulo lang kasi sa isipan

