MAGDA's P O V Sa hindi ko malamang dahilan ay kung bakit ang lakas ng kabog ng aking dibdib kahit nasa cashier lamang ako. Dahil nga hindi pa ako pwedeng mag buhat ng mabibigat ay nakiusap ako sa Manager namin na ibang trabaho na lang muna ang ibigay niya sa akin. Kaya naman dito ako sa pwesto ng cashier inilagay. Alam naman kasi nila ang sitwasyon ng balikat ko dahil may ipinakita akong medical certificate. Naka- leave naman ang cashier namin kaya ayos lang din ang paghalili ko sa kanya. " Hoo! Kaya mo 'to, Magda! Mas malaki pa nga riyan ang binibilang mo sa opisina n'yo! " bulong ko pa sa sarili ko, iniisip ko kasing kaya ako kinakabahan ay baka ma- short ako sa pera Kung tutuusin nga ay sa laki ng kinikita namin sa pangungulimbat ay pwede na akong hindi mag trabaho rito sa bar. Ay

