MAGDA's P O V " Naks! Sinasabi ko na nga ba! Nabighani sa angking ganda mo, Magdalena iyang Parak na nakilala mo! " kantyaw ni Ernesto sa akin " Hmp! Maglubay ka nga riyan! Hindi na nga nawawala ang nerbyos ko. Nanunukso ka pa riyan! " pairap na sambit ko naman sa kanya " Sus! Baka ibang kabog na 'yan, ha!? " pamimilit pa ni Ernesto Tawa lang naman nang tawa ang mga kasamahan namin. Naka- video call kasi kami. Nagpa alam kasi akong hindi muna papasok sa opisina at baka maka sunod si Brent sa bawat galaw ko. Hindi na rin muna nga sila gumawa nang task sa takot na rin na mahuli ng mga alagad ng batas. Hatinggabi na nga siya umalis dito sa bahay namin, kung hindi pa niya akong nahuli na nag hikab ay wala pa siyang balak na umuwi. Nauna na ngang nagpa alam ang aking Ina na matutulog ka

