MAGDA's P O V " Halos mabilang ko na kung ilan ang butiki rito sa bahay namin! Nakakainip din pala ang walang ginagawa! Nabaligtad ko na nga ang bahay namin sa paglilinis! " pabirong himutok ko sa aking mga kasamahan habang magkaka usap ulit kami through videocall. " Pag papalit na lang ng pintura ng bahay namin ang hindi ko na lang nagagawa! " Tatawa- tawang naman sila sa hinaing ko. " Ako nga iniba ko pa garden ni Mommy, nagalit nga sa akin pero wala naman siyang nagawa dahil gumanda naman! Naging plantita tuloy ako ng wala sa oras! " wika naman ni Fatima, " Pero ang sarap pala sa feeling kapag alam mong pinag hirapan mo 'yon tapos makikita mong namumulaklka na! " dugtong pa niyang saad " Sabi naman sa akin may sakit daw ba ako at matagal akong na pirmi rito sa bahay. " naiiling na

