Polyn Hindi ko alam kung saan pupunta ang bus na ito pero unti unti na akong kinabahan ng nangongolekta na ang conductor ng ibabayad ng mga pasahero Wala akong pambayad kaya kinabahan ako, nagiisip ng pwedeng gawin pero wala akong maisip "Dito lang po!" Sabi ng babaeng nasa likod kaya huminto ang bus, tumayo ako para sana lalabas pero nahuli ako ng conductor "Miss yung bayad mo" Sabi ng conductor pero hindi ako lumingon sakanya, ang babaeng pumapara hindi naka baba dahil nakaharang ako sa pintuan ng bus Kinalabit ako ng conductor kaya kinabahan akong lumingon sakanya "Bayad mo miss" sabi ng conductor habang nakalahad ang kamay saakin kaya umiling ako "W-wala akong bayad kuya, wala akong pera dahil naglayas lang po ako" Sabi ko sakaling maintindihan ng conductor pero nagalit lang si

