Chapter 2

2145 Words
Pagod na pagod kong ibinagsak ang aking katawan sa likod ng van matapos ang nakakapagod na photoshoot. Masakit pa rin ang katawan ko, partikular na ang p********e ko, kaya naman ang tanging tumatakbo sa utak ko ay ang malamig na kama sa aking penthouse condo unit. Gusto ko lang matulog, magbabad sa bathtub, at uminom ng premium wine habang nagpapagaling mula sa pinsalang idinudulot ng dambuhalang estrangherong iyon kagabi. "Uwi na tayo, Mang Juan. Sa condo na diretso," utos ko sa driver ko habang nakapikit ang mga mata. "Sige po, Ma'am Lindsay—" Hindi pa natatapos ni Mang Juan ang sasabihin niya nang biglang mag-vibrate nang marahas ang iPhone ko sa aking kandungan. Sinulyapan ko ang screen. Governor Dad. Inirapan ko muna ang screen bago ko iyon sinagot. “What now, Dad? I’m exhausted. Katatapos lang ng shoot ko para sa Vlast,” bungad ko, walang bakas ng paggalang o lambing. Ako lang ang tanging nakakagawa nito sa kaniya. Sa harap ng media at ng mga constitual niya, siya ang makapangyarihang Gobernador Rodolfo Andrada. Pero sa harap ko, isa lang siyang ama na kailangang sumunod sa mga gusto ko kapag ayaw niyang mag-eskandalo ako. "Lindsay, where are you? Drop whatever you are doing and come home to the mansion right now," baritono at seryosong utos ni Dad sa kabilang linya. "I said, I’m going home to my condo, Dad. Ayoko sa mansyon," tamad kong sagot habang pinaglalaruan ang dulo ng aking manicured nails. "May napakahalaga tayong bisita ngayong gabi, Lindsay. At kailangan ka ng pamilya rito. Don't be a brat for once. Isang napaka-importanteng investor at banyaga ang darating para sa mga proyekto ng probinsya. You need to be here," medyo tumataas na ang boses niya, pero hindi ako natitinag. Ano naman sa akin kung may banyagang investor? Pakialam ko sa probinsya niya? "Still a no. Bahala kayo riyan ng bago mong pamilya," akma ko nang ibababa ang telepono nang bigla siyang sumigaw. "I’ll fund your long vacation in the Mediterranean next month! All expenses paid, black card limits lifted, at kahit anong yate o villa na gusto mong rentahan sa Greece o Italy, sagot ko. Just. Come. Home. Tonight." Napatigil ako. Bahagyang umangat ang sulok ng aking labi sa ilalim ng aking malalaking shades. Mediterranean for a whole month? Yacht parties, private villas, at malayo sa stress ng bansa? Well... mabilis naman talaga akong kausap kapag pabor sa akin ang usapan. "Make sure the funds are cleared by tomorrow morning, Governor Andrada,” ngisi ko bago ko pinatayan ng telepono ang sarili kong ama. Ibinaba ko ang bintana na naghihiwalay sa akin sa driver. “Mang Juan, scratch the condo. Uwi tayo sa mansyon ng Gobernador." Kung may isang dahilan man kung bakit halos sunugin ko na ang tulay sa pagitan ko at ng mansyon ng pamilya ko, iyon ay dahil sa mga taong nakatira sa loob nito. Mula nang mamatay ang Mommy ko, mabilis na nag-import si Dad ng bagong pamilya. Isang social climber na stepmother at ang kaniyang "extra baggage." Nang pumarada ang van ko sa malawak na driveway ng Andrada Mansion, ramdam ko agad ang tensyon. Pagkababa ko pa lang, sinalubong na ako ng marangya at overstated na dekorasyon sa sala. At doon, nakaupo sa grand sofa, ang stepmother kong si Marissa, kasama ang kaniyang anak na si Patricia. Si Patricia. Anak ni Marissa sa ibang lalaki, isang babaeng kung umasta sa loob ng mansyong ito ay akala mo tunay na tagapagmana ng aking ama. She was trying so hard to be me, but she lacked the class, the bone structure, and the absolute audacity that only a true Andrada like me possessed. "Oh, looking exhausted, Lindsay? Balita ko galing ka na naman sa kung anong club kagabi?" maanghang na bungad ni Patricia habang nakataas ang kaniyang kilay, sumisip ng tsaa. Akala mo naman ay prim and proper. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanila, bawat yabag ng Louboutins ko ay may dalang bigat. Kahit masakit ang katawan ko, mas matalas ang dila ko. "Mind your own business, extra baggage," malamig kong sagot habang tinatanaw siya mula ulo hanggang paa. "At pakiusap, huwag mo akong kausapin na parang magkasing-level tayo. You are just a stray extension of your mother's gold-digging career in this house." "Lindsay!" pigil-hiningang saway ni Marissa, napatayo sa galit. "Anak ko pa rin ang kinakausap mo! Respeto naman!" "Respeto? In my house?" Tawa ko nang bahagya, isang nakatutuyong tawa na nagpataas ng presyon nilang dalawa. “Huwag ninyong kalilimutan kung kaninong dugong Andrada ang dumadaloy rito. This mansion, my dad’s wealth—it’s all mine. Kayo? Isang pirasong papel lang mula sa abogado ko ang kailangan para maitapon kayo pabalik sa kung anong squatter area kayo pinulot." Pula ang mukha ni Patricia sa sobrang galit. "Akala mo kung sino ka! Tignan natin kung hindi ka mapagalitan ni Daddy mamaya kapag nalaman niya kung anong ginagawa mo sa labas!" "Subukan mo akong isumbong, Patricia. Tignan natin kung sino ang unang mawawalan ng allowance bukas. Do you think I hella care? Do you think he cares? Ang bobo naman,” banta ko, itinataas ang aking baba, ang barbie-like kong mukha ay walang kahit anong emosyon kundi purong panghahamak. Wala silang nagawa kundi ang magngitngit sa galit. No one can control me. Not even my dad, and definitely not these two leeches. Inirapan ko silang dalawa bago ako nagmartsa paakyat sa aking silid para mag-ayos para sa sinasabi nilang "mahalagang bisita." Habang paakyat ako sa hagdan, naramdaman ko muli ang kaunting kirot sa aking hita. Napahawak ako sa railings at lihim na napangiti. Kung gaano kagulo at kabwisit ang mansyong ito, mas gusto ko na lang tuloy alalahanin ang dambuhalang dayuhan kagabi. Bastos siya, pero kahit papaano, mas masarap siyang kasama kaysa sa dalawang ahas na naiwan ko sa sala. Naligo ako nang mabilis para kahit paano ay maibsan ang lagkit at matinding pagod ng katawan ko. Habang binabaybay ng mainit na tubig ang aking likuran, napakapit ako sa mamahaling tile ng banyo nang maramdaman ko ulit ang pamilyar na kirot sa pagitan ng aking mga hita. Damn that foreigner. Isang gabi lang ang pinagsaluhan namin, pero ang epekto sa katawan ko, tila pang-isang linggong workout. Pero imbis na mainis, napangisi na naman ako sa harap ng salamin habang pinatutuyo ang buhok ko. Sinuot ko ang isang simpleng silk slip dress mula sa pinakabagong haute couture collection ng isang sikat na French designer—kulay champagne, hapit sa aking katawan, at bumabagsak hanggang sa aking bukung-bukong. Walang masyadong burloloy, pero dahil sa natural na hubog ng katawan ko at sa barbie-like kong mukha, mukha akong isang mamahaling sining na hindi pwedeng hawakan ng kung sino-sino lang. Minimalist makeup lang ang ginawa ko, sapat na para itago ang puyat ngunit litaw pa rin ang perpekto kong features. Siyempre, bago ko tuluyang isuot ang dress, sinigurado kong makapal ang concealer na inilagay ni Jojo kanina sa aking leeg para takpan ang dalawang ube at malalalim na hickey na iniwan ng bwisit ngunit masarap na estrangherong ‘yon. Lumabas ako ng aking silid nang may mataas na noo. Pero bago ko pa man marating ang engrandeng hagdanan ng mansyon, doon ko nakasabay si Patricia na kalalabas lang din ng kaniyang kwarto. Napatigil ako, at awtomatikong tumikwas ang aking kilay. Si Patricia ay nakasuot ng isang over-the-top, kumikinang na pulang gown na puno ng sequins at may mabigat na ruffles sa laylayan. Ang mukha niya ay makapal ang makeup, matingkad ang kulay ng eyeshadow na may glitters, at pulang-pula ang lipstick. Kulot na kulot din ang buhok niya na tila ba a-attend sa isang high society coronation ball, imbis na sa isang simpleng hapunan sa mansyon. Kitang-kita sa buong aura niya na nagpabaya siya sa oras para magpaganda nang husto. Mukhang alam niyang napakayaman at makapangyarihan ang banyagang bisita ni Dad, at balak niyang mamingwit ngayong gabi. Nang makita niya ako, imbis na umiwas tulad ng madalas niyang gawin kapag natatakot siya sa akin, ay nag-angat siya ng baba. Tila nakakuha ng lakas ng loob dahil sa makapal niyang kolorete at sa engrande niyang suot. Tinaasan niya rin ako ng kilay, at may mapang-uyam na ngiti sa kaniyang mga labi. "Wow! Is that what you're wearing for Dad's most important guest, Lindsay?" she mockingly said, tinitingnan ang simple kong champagne dress mula ulo hanggang paa habang itinataas ang kaniyang pamaypay. "Mukha ka namang natutulog lang. Akala ko ba international model ang tawag sa 'yo? Bakit parang nakalimutan mong magbihis? O sadyang wala ka lang talagang panlasa kapag hindi ka binihisan ng mga stylist mo sa runway?" I didn't flinch. I didn't even widen my eyes in annoyance. Instead, I let out a soft, melodic laugh that echoed through the quiet hallway—a laugh that carried so much class and condescension it immediately made her confident smile falter. Dahan-dahan akong humakbang lapit sa kaniya. Mas matangkad ako sa kaniya, lalo na't nakasuot ako ng aking paboritong takong, kaya naman napilitan siyang tumingala sa akin. "You know, Patricia, it’s funny how you think volume equates to value," panimula ko, ang boses ko ay banayad, malamig, ngunit bawat salita ay tila patalim na unt-unting bumabaon sa balat niya. “This simple dress you are mocking? It was sent straight to me from a private atelier in Paris. It’s a custom piece. Kahit magtrabaho ka buong taon o kahit ibenta mo pa ang lahat ng mumurahing alahas na hiningi ng nanay mo kay Dad, hindi mo maa-afford kahit ang isang hibla ng tela ng dress na 'to." Namilog ang mga mata niya sa gulat, pero bago pa siya makasagot, ipinagpatuloy ko ang pagtitig sa mukha niya. Nilapit ko nang bahagya ang mukha ko para mas lalo niyang maramdaman ang presensya ko. "At ang mukha mo?" I tutted, shaking my head with fake pity. "Patawad, pero kahit anong tatak ng makeup ang itambak mo riyan sa balat mo, hindi tumatalab. Nagmumukha ka lang clown, dear. Ang kapal ng foundation mo, kulang na lang ay mag-crack kapag ngumiti ka. You are trying so hard to look like a high-fashion model, but the truth is, no matter how hard you copy my poses, my walk, or my style... you can never be me. Because I am beautiful in-born. It’s in my DNA. Ang sa 'yo? It’s a desperate attempt to look expensive using my father's money. Mukha kang overcooked na espasol.” "Lindsay! Sobra ka na—" gumaralgal ang boses ni Patricia, namumula ang leeg sa umaapaw na galit at hiya. "Sobra? I’m just being charitable by telling you the truth," pinuputol ko ang kaniyang sasabihin nang walang kaunting preno. “Huwag mo nang pangaraping pumasok sa industriya ko, Patricia. Kawawa naman ang mga negosyo at brands ng magiging clients mo. Sa oras na ipaskil ang pangit at trying-hard mong mukha sa mga billboard o magazine, siguradong walang bibili. Hindi mabebenta ang ganyang klase ng mukha. You’d bankrupt them in a week." "You... you insecure b*tch!" nanginginig na ang buong katawan ni Patricia. Ang kaniyang mga kamay na may mahahabang pekeng kuko ay mahigpit na nakakuyom sa kaniyang pulang gown. "Insecure? Of you?" Tumingin ako sa kisame at muling tumawa nang marahan. "Bakit ako maiinsecure sa isang extra baggage? Isang sabit sa mansyong ito? Matuto kang lumugar, Patricia. Ang bisitang darating ngayong gabi ay para sa pamilya ko, para sa Daddy ko at sa akin. Kaya kahit magpakarami ka pa ng kolorete dyan sa mukha mo, mananatili kang anino sa likod ko." Sa tindi ng kahihiyang natanggap niya at sa kawalan ng maisasagot sa talas ng dila ko, hindi na napigilan ni Patricia ang sarili niya. Ang mga mata niyang makapal ang mascara ay biglang nangilid ang luha, hanggang sa tuluyan nang pumatak ang mga ito, unt-unting sinisira ang makapal niyang makeup. Napaiyak na lang siya sa matinding galit at frustrasyon. Hindi niya kayang tapatan ang kamalditahan ko dahil alam niyang bawat salitang binitawan ko ay may katotohanan. "I hate you! I f*cking hate you!" hikbi niya bago marahas na tumalikod at patakbong bumalik sa kaniyang kwarto, pabalagbag na isinarado ang pinto na lumikha ng malakas na tunog sa buong palapag. Inayos ko ang pagkakahulog ng buhok ko sa aking balikat at tinaasan muli ng kilay ang isinaradong pinto. "Weak," bulong ko sa hangin bago ko ipinagpatuloy ang paglakad pababa ng hagdan nang may perpektong pustura. Habang pababa ako, naramdaman ko ulit ang kaunting sakit sa aking katawan mula kagabi, pero nawala agad ang inis ko dahil sa magandang palabas na ginawa ko kay Patricia. Mas lalo akong nabuhayan ng loob. Kung sino man ang banyagang bisitang iyon na nagpabaliw sa pamilya ko ngayong gabi, sisiguradin kong ako pa rin ang kukuha ng lahat ng atensyon sa silid na ito. Sila ang may kailangan sa kaniya, pero ako? Ako ang reyna ng gabing ito, at walang sinuman ang pwedeng umagaw ng spotlight mula sa akin. Not that extra baggage b***h!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD