Chapter 3

2240 Words
Pagkababa ko sa engrandeng dining hall, sinalubong agad ako ng matatalas na tingin ng aking ama. Kasalukuyan siyang nakatayo malapit sa mahabang hapag-kainan na pinaliligiran ng mga mamahaling kubyertos at imported na alak. Bakas sa mukha niya ang labis na tensyon, bagay na bihirang mangyari sa isang makapangyarihang Gobernador. "Where is Patricia?" seryosong tanong ni Dad, pinapasadahan ako ng tingin. "At bakit ganyan lang ang suot mo, Lindsay? I told you, this is a multi-billion dollar investment dinner!" "Umiiyak sa kwarto niya, nagwawala," tamad kong sagot habang marangyang umuupo sa dulo ng lamesa, sumasandal sa backrest na parang reyna. “And for your information, Governor Andrada, this dress costs more than your monthly clean budget for the province. Huwag mong pakialaman ang taste ko." "Lindsay, sumosobra ka na—" pigil-hiningang saway ni Marissa na kapapasok lang din, halatang mugto ang mga mata dahil sa nangyari sa kaniyang anak pero mas pinili ang manahimik dahil sa takot sa akin. "Quiet, Marissa," maawtoridad na saway ni Dad, bago muling humarap sa akin. Hinubad niya ang kaniyang salamin at tinitigan ako nang seryoso. “Makinig ka sa akin, Lindsay. Hindi lang ito basta simpleng investor mula sa Europe. The man arriving tonight holds the economic string of Italy, and quite frankly, the underground network of this country. His name is Vittorio Farinelli." Napatigil ako sa pag-ikot ng aking baso ng tubig. Farinelli? Tunog banyaga. Tunog pamilyar ang bagsik, pero binalewala ko iyon. “And why do I need to be here for that? Pera mo 'yan, Dad. Hindi ko kailangan ng bilyonaryo para mabuhay." Huminga nang malalim si Dad, isang mabigat at tila sumusukong hininga na nagpakaba sa akin sa unang pagkakataon. "Dahil hindi lang siya mamumuhunan sa mga proyekto ko, Lindsay. I made a deal with him years ago para mapanatili ang kapangyarihan natin. At ang kapalit niyon... ay ikaw. You are going to marry him, Lindsay. It's an arranged marriage to solidify the Farinelli alliance." "What the f*ck?” napapatayo ako sa upuan, ang champagne silk dress ko ay sumunod sa marahas kong galaw. Ang puso ko ay biglang hinampas ng galit. “Are you out of your mind, Rodolfo? I am Lindsay Andrada! Hindi ako isang pirasong karne na pwede mong ibenta para sa political career mo! No one controls me! I will never marry a f*cking stranger!" "You don't have a choice!" sigaw ni Dad, ang kaniyang boses ay umalingawngaw sa buong mansyon. "He is not just a businessman, Lindsay! He is the Capo dei Capi of the Farinelli Crime Syndicate! Isang mafia boss na pwedeng magpabagsak sa pamilyang ito sa isang pitik lang! Kung ayaw mong mabulok tayo sa bilangguan o matagpuang lumulutang sa ilog, gagawin mo ang utos ko!" Nanginig ang buong katawan ko sa galit. Mafia boss? I don't care kung hari pa siya ng kadiliman! Walang sinumang pwedeng magdikta sa akin kung anong gagawin ko sa buhay ko! Akma ko nang tatalikuran ang aking ama para magmartsa palabas ng mansyon nang biglang bumukas ang malaking pinto ng dining hall. "The guest has arrived, Governor," anunsyo ng head guard na tila ba nanginginig ang boses sa takot. Isang malamig na hangin ang tila pumasok sa silid, sumunod ang tunog ng mabibigat, kalmado, at dominanteng yabag ng sapatos. Apat na lalaking nakasuot ng plantsadong itim na suit at may mga nakatagong baril sa gilid ang unang pumasok, bago sila humilera para bigyang-daan ang kanilang pinuno. At doon, tila ba huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Ang lalaking pumasok ay may gintong Rolex sa kaniyang pulso, nakasuot ng custom-tailored charcoal grey suit na lalong nagpalaki sa kaniyang malalapad na balat. Ang kaniyang itim na buhok ay maayos na naka-brush back, at ang kaniyang panga ay kasing-talas pa rin ng isang patalim. It was him. Ang maswerteng dayuhan kagabi sa club hallway. Ang lalaking marahas na sumakop sa labi ko, ang lalaking pumasok sa aking penthouse, at ang lalaking bumasag sa aking p********e nang walang awat. Vittorio Farinelli. Ang mafia boss na tinutukoy ng aking ama... ay ang mismong estrangherong may initial na 'V.F.' Namilog ang aking mga mata, ang hininga ko ay tuluyang nagbara sa aking lalamunan habang nakatitig sa kaniya. Parang biglang bumalik ang lahat ng kirot sa pagitan ng aking mga hita, kasabay ng alaala ng kaniyang mainit na binhi sa loob ko kagabi. Agad na lumapit si Dad, yukod ang ulo bilang paggalang. "Signor Farinelli! Welcome to my home. It is an absolute honor to have you here," masunuring saad ng aking ama, na tila ba isang aso sa harap ng kaniyang amo. Hindi siya tiningnan ni Vittorio. Ang kaniyang madidilim at malamig na mga mata ay diretso, walang kurap, at tila nanunuot na nakatitig sa akin. Isang tipid, mapanganib, at mapang-angking ngisi ang unt-unting sumilay sa guwapo niyang mukha nang makita niya ako. Napansin ng kaniyang matalas na paningin ang champagne silk dress ko, pati na rin ang makapal na concealer sa aking leeg na alam kong alam niyang nagtatago ng kaniyang mga marka. "Governor Andrada," bati ni Vittorio, ang malalim, baritono, at may foreign accent niyang boses ay nagpadala ng pamilyar na kuryente sa buong katawan ko. "The honor is mine. Especially now that I see the beautiful masterpiece you promised me." "Ah, yes! This is my only daughter, Lindsay," mabilis na pakilala ni Dad, habang pilit akong tinutulak palapit sa kaniya. “Lindsay, magbigay-galang ka sa mapapangasawa mo." I stood frozen, my jaw clenched. Ang buong pagkamaldita ko ay nag-rebelde. Kahit na natatakot ang buong sistema ko sa aura ng kapangyarihang dala niya, hinding-hindi ko ipapakita sa kaniya na aatras ako. I am Lindsay Andrada. Humakbang si Vittorio palapit sa akin, bawat distansya na nawawala sa amin ay lalong nagpaparamdam sa akin ng kaniyang presensya. Amoy na amoy ko muli ang halo ng kaniyang mamahaling pabango at tabako—ang bango na naging amoy ko rin buong magdamag kagabi. Tumigil siya sa mismong tapat ko. Dahil sa tangkad niya, napilitan akong tumingala, itinataas ang aking barbie-like face nang may buong tapang at lason sa mga mata. "Nice to formally meet you, fiancée," bulong ni Vittorio, ang kaniyang boses ay sapat lang para marinig ko. Dahan-dahan niyang binuhat ang aking kanang kamay at inilapit sa kaniyang labi. Ang kaniyang mainit na balat laban sa akin ay nagdulot ng bahagyang panginginig ng aking mga daliri. Imbis na bawiin ang kamay ko, tinitigan ko siya nang matalim at nginisihan ko rin siya nang mapang-uyam. "The pleasure is entirely yours, Signor Farinelli," ganti ko, matigas ang bawat bigkas, ipinapakita sa kaniya na hindi ako natatakot sa kaniyang mga baril o sa kaniyang titulo sa underworld. "But let me warn you... I am a very expensive and dangerous woman to keep." Narinig ko ang mahinang pagsinghap ni Dad sa likod ko dahil sa kawalan ko ng modo, pero si Vittorio? Isang malalim at pilyong tawa ang nakawala sa kaniyang dibdib. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, bago idinikit ang kaniyang labi sa aking tenga upang bumulong. "I already know how expensive you are, princess. And I’ve already tasted how dangerous your mouth can be," bulong niya, na nagpabalik ng lahat ng init sa mukha ko. "Don't worry. The Farinelli family always takes care of what's ours. At kagabi pa lang... alam mo nang pag-aari na kita." Binitawan niya ang kamay ko at lumingon kay Dad nang may malamig na awtoridad. “The wedding will happen next month, Governor. Advance the preparations. I don't like waiting for what is already mine." Habang naglalakad siya patungo sa kaniyang upuan, napakapit ako sa gilid ng lamesa upang suportahan ang nanginginig kong mga binti. Tumingin ako sa kaniya nang may matinding galit ngunit may kasamang kakaibang excitement. Ang laro na akala ko ay natapos na sa kama ng penthouse ay kasisimula pa lang pala—at sa pagkakataong ito, hindi ko hahayaang ang isang Mafia Boss ang magwagi sa kamalditahan ko. Ang buong hapunan ay isang mahaba na para bang isa na iyong torture. Habang nag-uusap si Dad at si Vittorio tungkol sa milyong-bilyong dolyar na halaga ng mga daungan, shipping lines, at mga lupain dito sa probinsya, wala akong ibang ginawa kundi ang paglaruan ang pagkain ko gamit ang tinidor. Bawat subo ko, bawat galaw ng panga ko, nakatitig sa akin ang madidilim na mata ng bwisit na dayuhang ito. At ang mas malala? Bawat kaunting pagbago ko ng upo sa mamahaling silya, nararamdaman ko ang kaunting kirot sa ibaba ko, na tila ba walang kapagurang nagpapaalala sa akin kung anong klaseng karahasan at sarap ang ginawa ng lalaking ito sa akin wala pang dalawampu't apat na oras ang nakalilipas. Goodness! Sa dinami-rami bakit sa kaniya pa? "Lindsay," basag ni Dad sa katahimikan ko nang matapos ang hapunan at tumayo na si Vittorio mula sa kaniyang upuan. "Ihatid mo si Signor Farinelli sa labas, sa kaniyang sasakyan." Awtomatikong tumigas ang mukha ko. Humarap ako kay Dad nang may matatalas na mata. “May mga guards ka sa labas, Governor. May mga katulong. Bakit kailangang ako ang maghatid sa kaniya? Mukha ba akong doorman?" "Lindsay, please! Sumunod ka na lang!" mariing bulong ni Dad, halos mamuti ang mga labi sa takot na baka magbago ang isip ng mafia boss at bawiin ang bilyun-bilyong kasunduan dahil sa kawalan ko ng modo. "It's fine, Governor," singit ni Vittorio, ang kaniyang baritonong boses ay kalmado ngunit may dalang bigat na hindi pwedeng baliwain. Isang mapaglarong ngisi ang gumuhit sa labi niya habang nakatingin sa akin. “I would love to be escorted by my lovely fiancée. Mas magandang masanay na kami sa presensya ng isa't isa." Gusto ko siyang saksakin gamit ang hawak kong steak knife. Pero dahil alam kong hindi ako titigilan ni Dad at gagawin niyang impiyerno ang buhay ko bago ang Mediterranean vacation ko, padaskol akong tumayo. Marahas kong inayos ang champagne silk dress ko at naunang maglakad palabas ng dining hall, naririnig ko ang mabibigat at tila nag-e-enjoy niyang yabag sa likod ko. Nang makarating kami sa malawak na courtyard ng mansyon, sinalubong kami ng malamig na hangin ng gabi. Nakaparada roon ang isang mamahalin at armadong black Rolls-Royce Cullinan, pinaliligiran ng anim na bodyguards niya na nakasuot ng plantsadong suits at tila mga rebultong walang emosyon. Huminto ako sa tapat ng sasakyan niya, mabilis na humarap sa kaniya, at halos magsalubong ang mga kilay ko sa matinding galit. Wala na si Dad, wala na ang mga ahas sa sala, kaya naman malaya ko nang mailalabas ang totoong kulay ko. "Don't you dare look at me like that, Farinelli," asik ko sa kaniya, ang boses ko ay nagngitngit sa galit habang dinuduro ko siya gamit ang aking manicured finger. “At huwag na huwag kang aasa na may mapapala ka sa kasunduang ito! I don't care kung mafia boss ka sa Europa, kung pumatay ka ng tao, o kung kayang mong bilhin ang buong bansa. To me, you are just a disgusting intruder who took advantage of a drunk woman last night!" Vittorio didn't even blink. Pinasok niya ang kaniyang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang mamahaling pantalon, dahan-dahang sumandal sa gilid ng kaniyang Rolls-Royce, at tiningnan ako na parang isang nakatutuwang bata na nagwawala sa harap niya. "Took advantage?" ulit niya, may halong amusement ang kaniyang banyaga at malalim na boses. "Kung tama ang alaala ko, piccola, ikaw ang marahas na nagtulak sa babaeng kasama ko sa hallway. Ikaw ang humila sa kuwelyo ko, at ikaw ang nag-utos sa akin na dalhin ka sa penthouse. I merely accommodated a very beautiful, very bratty lady's request." "Shut up! Shut your f*cking mouth!" singhal ko, ramdam ko ang biglang pag-akyat ng dugo sa mukha ko dahil sa matinding kahihiyan. "Alak lang 'yon! It was the alcohol talking, you pathetic lunatic! Kung hindi ako lasing, hindi kita papansinin kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundo! Kaya huwag kang umasang magiging mabuting asawa ako sa 'yo. Impersonating a perfect wife? Not in my vocabulary. Gagawin kong impiyerno ang buhay mo sa oras na ituloy mo ang kasal na ito!" Dahan-dahan, binago ni Vittorio ang posisyon niya. Inalis niya ang pagkakasandal sa kotse at humakbang palapit sa akin. Dahil sa dambuhala niyang pangangatawan, bawat hakbang niya ay tila ba lumalamon sa espasyo sa pagitan naming dalawa hanggang sa maramdaman ko muli ang init na nanggagaling sa kaniyang katawan. Hindi ako nagingat, hindi ako umatras. Itinaas ko ang aking baba para salubungin ang kaniyang titig, ang barbie-like face ko ay puno ng kapangyarihan at kayabangan. Humilig siya pababa, sapat lang para ang kaniyang labi ay mapunta malapit sa aking tenga. Ang kaniyang mainit na hininga ay dumampi sa leeg ko, sa mismong bahagi kung saan nakatago ang kaniyang mga hickey sa ilalim ng concealer. "You talk too much when you're angry, Lindsay," bulong niya, ang boses ay parang haplos ng pelus na may kasamang lason. "At wala pa nga ang kasal natin... pero nauna na ang regalo mo sa 'kin.” Mabilis akong lumayo nang bahagya at tiningnan siya nang may pagtataka. “Anong regalo ang pinagsasabi mo riyan?" Vittorio smirked, his dark eyes locking onto mine with a dangerous intensity before he cast a meaningful glance down at my legs, then back to my face. He slowly leaned back, raised his right hand, and gave me a deliberate, slow wink. "Your first time, princess," paos niyang bulong, ang kaniyang ngisi ay lumawak nang makita ang reaksyon ko. "I made sure it was unforgettable. Not bad for a pre-wedding gift, right?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD