"You arrogant, pathetic piece of sh*t!" nanginginig sa galit ang buong katawan ko, ang boses ko ay halos gumaralgal sa sobrang inis.
“How dare you? Ako si Lindsay Andrada. Walang sinumang lalaki ang pwedeng magsalita sa akin nang ganyan! You think you're special just because you're huge and you have money? Ang kapal ng mukha mo!"
Inasahan kong magagalit siya, na baka saktan niya ako o pagbantaan ang buhay ko tulad ng ginagawa ng mga mafia sa pelikula. Pero hindi umobra ang kamalditahan ko sa kaniya. Imbis na mapikon, Vittorio just let out a low, deep chuckle that vibrated from his chest. Tila ba ang bawat mura at lait na ibinabato ko sa kaniya ay isang simpleng musika lang na nagpapasaya sa kaniya.
"I am spoiled, Farinelli! I get what I want, when I want it!" patuloy kong sigaw, lalo akong nabubwisit dahil hindi ko makuha ang reaksyong gusto ko mula sa kaniya.
“Kung akala mo mapapasunod mo ako dahil lang takot sa 'yo ang Daddy ko, nagkakamali ka! I will break your rules, I will spend your money until you go bankrupt, at hinding-hindi kita hahayaang hawakan ako ulit!"
Vittorio straightened his posture, looking down at me like a king observing a beautifully flawed piece of porcelain. His amusement faded into something deep, dark, and utterly possessive.
"Spend my money until I go bankrupt?" ulit niya, may malamig na ngisi na naman sa kaniyang mga labi.
“Princess, my family owns half of the ports in Europe and the liquid gold running through the black market. You can spend every single second of your life buying everything you want, and you still wouldn't even dent my daily interest. So please, be as spoiled as you want. I can afford your attitude."
Napatigil ako, literal na nabilaukan sa sarili kong laway sa tindi ng kayabangan niya.
"At tungkol sa hindi mo ako hahayaang hawakan ka ulit?" Humakbang siya ng isa pang beses, ang kaniyang dambuhalang anino ay tuluyang sumakop sa akin sa ilalim ng liwanag ng buwan. Tinitigan niya ang basang mga labi ko. "Kagabi, ikaw ang nagmakaawa para sa mas mabilis at mas mariin, Lindsay. Your body remembers me, kahit na pilit na nag-iinarte ang dila mo ngayon."
"F*ck you!" singhal ko, marahas ko siyang itinulak sa dibdib gamit ang dalawa kong kamay. Pero para lang akong tumulak ng isang solidong pader ng semento—hindi man lang siya gumalaw nang kahit isang milimetro.
Vittorio grabbed my wrists in one swift, effortless motion. His grip was wide, warm, and tightly secure, locking my hands against his chest. I could feel the rapid, powerful heartbeat underneath his expensive suit.
"Let go of me! Let me go, you beast!" I struggled, but my energy was fading, and the sharp ache between my thighs flared up again, making me let out a soft, involuntary gasp.
He noticed. Immediately, the playfulness in his eyes turned into a strict, territorial focus. Dahan-dahan niyang binitawan ang mga kamay ko, ngunit hindi siya lumayo.
"Pumasok ka na sa loob, Lindsay," utos niya, ang boses ay wala nang halong biro, puro awtoridad na hindi pwedeng baliwain. "Masakit pa ang katawan mo dahil sa ginawa ko kagabi. Go rest. At ihanda mo ang sarili mo, dahil sa susunod na hawakan kita... sisiguraduhin kong wala ka nang lakas para murahin ako."
"In your dreams!” sigaw ko, binigyan ko siya ng pinakamataas at pinakamalamig kong irap bago ko marahas na ipinikit ang aking mga mata, tumalikod, at mabilis na nagmartsa pabalik sa loob ng mansyon nang hindi nililingon ang kaniyang pag-alis.
Nang marinig ko ang pag-andar ng kaniyang sasakyan paalis ng driveway, doon ko lang pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigil. Napasandal ako sa saradong pinto ng sala, ang puso ko ay mabilis ang karera, at ang buong katawan ko ay nanginginig pa rin sa galit—at sa isang nakatatakot na uri ng pagnanasa na pilit kong itinatanggi sa sarili ko.
Vittorio Farinelli... akala mo kung sino ka. Tignan natin kung sinong unang susuko sa ating dalawa.
Nang marinig ko ang tuluyang paglayo ng dambuhalang Rolls-Royce ni Vittorio sa driveway, doon ko lang pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigil sa loob ng dibdib ko. Napasandal ako sa saradong pinto ng engrandeng sala, hinahabol ang hininga ko habang ang puso ko ay parang gustong tumalon palabas sa tadyang ko.
Bwisit na dayuhang 'yon. Sinasadya niya talaga. Sinasadya niyang ipaalala sa akin ang bawat detalye ng ginawa niya sa katawan ko para lang makitang matunaw ang pagkamaldita ko!
Inayos ko ang bagsak ng aking champagne silk dress, itinaas ko ang aking baba, at binalot ko muli ang sarili ko sa malamig at walang pakialam kong aura. Ako si Lindsay Andrada. Walang dayuhan, walang mafia boss, at walang kahit sinong lalaki ang pwedeng magpauga sa trono ko.
Akma na akong magmamartsa patungo sa hagdanan para tuluyan nang iwan ang nakababaliw na gabi na ito, nang marinig ko ang isang pamilyar at nakaririmarim na tikhim mula sa gilid ng sala.
"Aba... mukhang buhay ka pa pala, Lindsay? Akala ko ay tuluyan ka nang nilamon ng dilim sa labas," maanghang na bungad ni Marissa habang marangyang nakasandal sa leather sofa, may hawak na baso ng imported na alak.
Sa tabi niya, nandoon si Patricia.
Nakapagpalit na ito ng isang kulay-rosas na silk robe, may hawak na tissue, at kahit mugto pa rin ang mga mata mula sa pag-iyak niya sa hallway kanina, naroon na naman ang kaniyang mapang-uyam na ngisi. Mukhang nakakuha na naman ng lakas ng loob ang extra baggage dahil nandoon ang kaniyang nanay para kampihan siya.
Humarap ako sa kanila nang dahan-dahan, ang aking apat na pulgadang Louboutins ay lumikha ng matigas at nakatatakot na tunog sa marmol na sahig. Tumingin ako sa kanila tulad ng pagtingin ko sa mga maduming basahan sa gilid ng kalsada—may halo ng dismaya at matinding pandiri.
"Oh, look. The pest control failed to do its job tonight," panimula ko, ang boses ko ay kalmado, swabe, ngunit agad na nagpadilim sa mukha ni Marissa. "Nandito pa rin pala ang mga ahas sa sala ng Daddy ko. Akala ko ba pinakain niyo na ang mga sarili ninyo sa labas?"
"Lindsay!" asik ni Marissa, napatayo sa sofa habang umaalog ang kaniyang mga mamahaling hikaw na alam kong si Dad din naman ang nagbayad.
“Huwag mo kaming tratuhin na parang basura sa loob ng mansyong ito! Asawa ako ng Gobernador!"
"Asawa sa papel, Marissa. Isang pirasong papel na pwedeng punitin ng mga abogado ko kapag nairita ako," ganti ko sabay krus ng aking mga braso sa dibdib. "At pakiusap, huwag kang sumigaw. Ang boses mo, tunog palengke. Nakasisira ng interior design ng mansyong ito."
Sumingit si Patricia, pilit na itinatago ang kaniyang gumaralgal na boses kanina, at tinaasan ako ng kilay.
“Huwag kang masyadong mayabang, Lindsay! Nakita ko kung paano ka tingnan ni Signor Farinelli kanina sa hapag-kainan. Para kang isang laruan na pwedeng itapon pagkatapos gamitin. At balita ko, isang malupit na mafia boss ang lalaking 'yon! Tignan natin kung umobra pa 'yang kamalditahan mo kapag dinala ka na niya sa Europa at ikinulong sa isang madilim na silid!"
Bahagya akong natawa, isang malambing, mapang-uyam, at nakatutuwang tawa na tila ba nakarinig ng pinakatalentadong komedyante sa telebisyon.
"Dinala sa Europa at ikinulong?" Umatras ako ng isang hakbang at tiningnan si Patricia mula sa kaniyang gulo-gulong buhok pababa sa kaniyang tsinelas.
“Patricia, dear... ang imahinasyon mo, pang-low-budget na teleserye. Bagay ka talagang maging extra roon. Pero para sabihin ko sa 'yo, si Vittorio Farinelli ang nagmakaawa kay Dad para sa kasunduang ito. He wants a masterpiece, and he's paying billions just to have my name tied to his."
Nilapitan ko siya nang mas malapit, sapat para maamoy niya ang mamahalin kong pabango na hinding-hindi niya maa-afford kahit mag-ipon pa siya ng sampung taon.
"At kung tungkol naman sa pagiging laruan..." Ngumiti ako nang napakatamis, ang aking barbie-like face ay nagningning sa ilalim ng chandelier. "Kahit maging laruan ako sa paningin niya, ako pa rin ang pinakamahal na laruan na hahawakan niya buong buhay niya. Ikaw? Kahit ipamigay ka nang libre sa mga tauhan niya sa labas, baka tanggihan ka pa dahil sa hitsura mo. Masyadong mababa ang kalidad, nakasisira ng mood."
"You b*tch!" nanginginig na naman sa galit si Patricia, ang kaniyang tissue ay tuluyan nang nalukot sa kaniyang palad. "Akala mo kung sino kang perpekto! Maganda ka lang dahil sa mga gluta shots at sa pera ni Daddy!"
"Gluta shots?" Tumaas ang isang kilay ko, at mas lalong lumawak ang ngisi ko. "I am born with this face and body, Patricia. Natural ang ganda ko, hindi tulad ng sa 'yo na kailangang dumaan sa tatlong filter sa i********: bago maging mukhang tao. Ang mukha mo, kahit gamitan ng pinakamahal na siyensya, mukha pa ring prototype ng isang nabigong eksperimento. Kawawa naman ang surgeon mo, siguradong mahihirapan siyang itama ang mga pagkakamali ng kalikasan dyan sa mukha mo."
"Lindsay Andrada! Sobra ka na talaga!" tuluyan nang sumabog si Marissa, ibinaba niya ang kaniyang baso nang malakas sa lamesa na lumikha ng matalim na tunog.
"Wala kang modo! Wala kang respeto sa pamilya mo! Kung buhay lang ang Mommy mo, siguradong mahihiya siya sa ugaling mayroon ka ngayon!"
Ang pagbanggit niya sa Mommy ko ang tuluyang bumasag sa natitirang pasensya ko. Ang aking mga mata, na kanina ay puno lang ng pang-uuyam, ay biglang naging malamig pa sa nyebe ng Antarctica. Ang ngiti sa aking labi ay naglaho, napalitan ng isang mapanganib at nakamamatay na seryosong ekspresyon.
"Huwag na huwag mong babanggitin ang Mommy ko, Marissa," ang boses ko ay bumaba, naging isang pabulong ngunit mariing banta na nagpatahimik sa buong sala. "Wala kang karapatang sabihin ang pangalan niya gamit ang madumi mong bibig. Ang Mommy ko ay isang tunay na donya, may ari ng mga lupain, at may dugong bughaw. Ikaw? Isang bampirang sumipsip sa kapangyarihan ng Daddy ko noong nanghihina siya. Pumasok ka rito bilang isang kabit, at mananatili kang kabit na may upgrade sa paningin ko."
"I am the legal wife now!" sigaw ni Marissa, namumula ang mukha sa matinding kahihiyan dahil nandoon ang mga katulong sa gilid na nakikinig.
"Legal wife on paper, literal na gold-digger sa reality. Girl, wala kang makukuhang kayamanan dahil lahat akin ‘yon,” ganti ko, bawat salita ay tila ba isang pako na ibinabaon ko sa kaniyang mukha.
“Tignan mo nga ang sarili mo, Marissa. Ang dami mong alahas na suot ngayon, mukha kang naglalakad na pawnshop. Pero kahit takpan mo ang buong katawan mo ng ginto at diamonds hindi mo maitatago ang amoy ng kahirapan at kawalan ng klase na pinanggalingan mo. You can buy the items, but you can never buy the class."
Humarap muli ako kay Patricia, na ngayon ay nakatago na naman sa likod ng kaniyang ina tulad ng isang takot na tuta.
"At ikaw, Patricia... huwag mo akong subukan muli. Sa susunod na marinig ko ang boses mo na nagpapakita ng kawalan ng galang sa akin, sisiguraduhin kong bukas na bukas din ay makikita mo ang lahat ng gamit mo sa labas ng gate ng mansyong ito. I will strip you of your allowances, I will cancel your credit cards under my dad's account, and I will remind the world that you are nothing but an extra baggage in the Andrada legacy."
L
Nanginig ang labi ni Patricia, hindi na naman niya napigilan ang kaniyang mga luha na pumatak, at sa pagkakataong ito, pati si Marissa ay napakapit na lang sa sofa sa sobrang frustrasyon at galit. Wala silang magawa. Alam nilang sa mansyong ito, ako ang paboritong anak, ako ang mukha ng pamilya, at ako ang may hawak sa leeg ng Gobernador kapag usaping financial at reputasyon ang pinag-uusapan.
"I hate you... I f*cking hate you, Lindsay..." hikbi ni Patricia, tuluyan nang nasira ang kaniyang gabi dahil sa bawat banat ko na laging sapol sa laman at buto.
"The feeling is entirely mutual, dear," malamig kong sagot. "Pero mas mabuting magalit ka sa akin habang maganda ako, kaysa naman umiyak ka dyan habang mukha kang clown. Mas nakadidiri tignan."
Inayos ko ang aking buhok sa huling pagkakataon, tinaasan ko silang dalawa ng aking kanang kilay, at marangya akong tumalikod. Ipinagpatuloy ko ang aking paglakad paakyat sa engrandeng hagdanan, bawat yabag ng aking Louboutins ay tila ba isang martilyo na nagdedeklara ng aking tagumpay sa gabing ito.
Narinig ko ang muling pagwawala ni Patricia sa ibaba at ang mga bulong ng pag-aalo ni Marissa, pero wala na akong pakialam. Pumasok ako sa aking silid, isinarado ko ang pinto nang may lakas, at pabagsak na inihiga ang aking pagod na katawan sa malambot na kama.
Napatingin ako sa kisame, at isang malalim na hininga ang nakawala sa akin. Masakit pa rin ang aking p********e, pagod ang utak ko sa photoshoot, at mas lalo akong nabubwisit dahil sa banta ng kasal kay Vittorio Farinelli. Pero sa kabila ng lahat ng gulo, isang pilyong ngisi ang muling sumilay sa aking mga labi.
You think you can break me, Farinelli? At kayong dalawang ahas sa ibaba? Pwes, subukan ninyo. Dahil si Lindsay Andrada ay hindi kailanman papayag na maging anino lang sa sarili niyang kwento. This is me, lunatics!