"I mean, look at her bag. It’s obviously a knock-off Crocodile Birkin. The scaling is way too uniform, and her posture? Sweety, you can’t carry Hermès with a spine that curved. Mukha siyang nagpapasan ng semento sa pier," tamad at mariing komento ni Annie habang dahan-dahang humihigop ng kaniyang Bollinger champagne. "Right? At ang sapatos niya, please. Isang maling tapak lang sa cobblestone, sigurado akong luluwa ang takong niyan. It’s so sad how people try so hard to fit into our circle," dugtong naman ni Sheena, bago marangyang inayos ang kaniyang dambuhalang diamond ring sa kaniyang daliri. Nandito kami ngayon sa isang pinakamahal, eksklusibo, at sikat na French fine dining restaurant sa city. Ang disenyo ng lugar ay pinaliligiran ng mga gintong pinto, kristal na chandelier, at mga v

