I should have been so happy today knowing Bebang is not around. Pero lalo lang akong nabwesit dahil binigyan na naman ako ng panibagong sakit sa ulo. Nakahinga nga ako dahil wala si Bebang sa opisina ko dahil kasalukuyan itong nagpapakapagod bilang taga-salo ng inunan ng pang-pitong anak ni Niccolo Altierre, pero ang ipinalit niya sa mansyon ko? Isang sumpa. Isang nilalang na nagngangalang Badiday na ngayon ay opisyal na naging mayordoma ng aking bahay. Isang matandang hukluban. Upang mapanatili ang aking katinuan, at upang maiwasan ang posibilidad na bitayin ko ang aking sariling kasambahay gamit ang isang mamahaling kurbata mula sa isang sikat na brand—nagpasya akong huwag munang umuwi roon. Nanatili ako sa aking pribadong penthouse sa Bonifacio Global City. Doon, walang sumisigaw n

