"Ibaba mo ako, Vittorio! Sabi nang ibaba mo ako, eh!" Nagsisigaw ako habang hinahampas ko ang matigas niyang likod, pero ang loko, tawa pa rin nang tawa habang buhat-buhat ako pabalik sa loob ng mansyon na parang sako ng bigas—pangatlong beses na yata niyang ginawa 'to sa akin, at seryoso, nababawasan na ang high-fashion dignity ko. Ang huling throw pillow na sandata ko ay tuluyan nang naiwan doon sa madamong bahagi ng garden. Pagpasok namin sa sala, marahan niya akong ibinaba sa velvet sofa. Hinihingal ako, gulo-gulo ang buhok ko, at ang aking silk robe ay bahagyang nahawi, kaya naman awtomatiko kong inayos ang aking posture para ibalik ang aking kamalditahan. Vittorio stood in front of me, his charcoal gray jacket completely ruined with grass stains, his white shirt unbuttoned at the

