Chapter 9

1904 Words
Bawat tao sa underworld ay may kinatatakutan. May mga natatakot sa kamatayan, may mga natatakot sa bilangguan, at may mga natatakot na mawalan ng kapangyarihan. Ako? Ako si Vittorio Farinelli, ang Capo dei Capi ng pinakamalaking sindikato sa Europa. Pumatay ako ng mga traydor nang walang kurap. Nagpabagsak ako ng mga karibal na cartel gamit ang isang pitik lang ng mga daliri ko. Pero ngayong hapon, habang nakaupo ako sa aking mamahaling mahogany desk sa syudad naramdaman ko ang isang kakaibang uri ng matinding takot. Isang takot na hindi kayang protektahan ng kahit anong armadong bodyguards o bulletproof vest. "DON VITO!!!! YHOOOOO!!! BOSSING NA MAPAKLA!!! NANDITO NA ANG IYONG REYNA NG KADILIMAN!!! OPEN THE DOOR OF THE NARNIA OR ELSE I WILL BREAK YOUR BULLETPROOF GLASSES USING MY HOOF!!!" Dio Santo. Ang nakaririnding tinis ng boses na iyon ay bumasag sa katahimikan ng aking opisina. Ang aking gintong Rolex ay tila ba nabitawan sa pag-ikot, at ang natitirang whisky sa aking baso ay bahagyang naalog. Ang aking diwa na medyo inaantok pa dahil sa pag-iisip kay Lindsay ay marahas na nagising. Akmang tatayo ako para magtago sa ilalim ng aking dambuhalang lamesa o pumasok sa loob ng aking private vault nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ko nang may malakas na kalabog. "Oops! Sorry, Bossing! Too late ang pagtatago mo! Nakita ng aking eagle eyes ang iyong dambuhalang puwetan na akmang luluhod!" bungad ni Bebang. This f*****g old hag! Nakasunod sa likod niya ang aking kaibigan at pinagkakatiwalaan na si Luca. This nuisance brute! Nakangisi ang gago mula tenga hanggang sa likod ng tang-inang ulo niya beesit! halatang sinadya niyang buksan ang pinto at papuntahin si Bebang dito para lang sirain ang natitira kong katinuan. Tinitigan ko si Luca nang may matatinding banta ng kamatayan sa aking mga mata. I am going to feed you to the sharks in Sicily, you son of a b*tch. "Signor Farinelli," natatawang tikhim ni Luca, pilit na nag-aayos ng kaniyang suit kahit halatang sumasabog na ang dibdib sa pagpipigil ng tawa. "Bebang insisted. Sabi niya ay may napakahalagang transaksyon daw siyang kailangang iulat sa 'yo ngayon." "Transaksyon?” sigaw ko, ang foreign accent ko ay lalong lumitaw sa matinding inis habang hinahawakan ko ang aking sumasakit na beywang. f**k this life! “Bebang! I told you a hundred times! Do not shout in my office! And why the f*ck are you here?” "Aba, Vito ko, huwag mo akong ma-English-English dyan! Parang hindi tayo nagsalo sa isang platitong mani noong isang araw!" pabalasubas na umupo si Bebang sa aking mamahaling leather chair na para sa mga bilyonaryong kliyente, bago ipinatong ang kaniyang maduming tsinelas sa gilid ng lamesa ko. “Nandito ako para magpaalam! Maaga akong mag-a-undertime ngayon!" Huminga ako nang malalim, pilit na pinakakalma ang aking puso. “At bakit ka naman mag-a-undertime? May pinatay ka na naman bang aso ng kapitbahay mo? And for pete’s sake! Ilang beses ko bang sabihin sa ‘yo that I don’t need you here. Niccolo is your boss. Get out of my sight!” "Grabe ka sa akin, Vito! Napaka-judgmental ng iyong mukha, kaya ka iniiwan ng mga chinitang model mo eh!" ismid ni Bebang habang nagbubukas ng isang supot ng chicharon na dinala niya sa loob ng opisina ko. Saka niya naman pinasingkit ang mata niya. Nasusuka ako. "Busy ang lola mo ngayon! Manganganak na naman kasi si Lhevie, ang asawa ng matalik mong kaibigan na si Niccolo Altierre! Aba, pang-anim na yata 'yon o pang-pito? Parang ginagawang pusa ang asawa, taon-taon may pabrika ng bata! Kaya kailangan kong pumunta sa ospital para maging taga-salo ng inunan!" Narinig ko ang mahinang paghalakhak ni Luca sa gilid. Para sa akin, nang marinig ko ang salitang “manganganak” at “busy si Bebang,” ay tila ba may isang malaking semento ang biglang naalis sa aking mga balikat. A weight was instantly lifted on my shoulders. Salamat sa diyos! Salamat kay Niccolo at sa kaniyang walang kapagurang paggawa ng bata! Dahil doon, mawawala ang pinakamalaking sakit sa ulo ko sa loob ng ilang araw! Mabubuhay ako nang tahimik! "Go," mabilis kong sagot, itinuro ko agad ang pinto nang may malaking ngiti sa aking mga labi. “Take a leave for one week, Bebang. Or two weeks. I will pay your salary double, triple, just stay in the hospital and do not show your face to me!" "Wow! Ang galante naman ng aking mahal na asawa!" pumalakpak si Bebang, tuwang-tuwa. "Pero dahil napakabuti mong tao Vito ko, hindi kita papabayaang mag-isa rito sa opisina mo habang wala ako. Alam kong malulungkot ang iyong dambuhalang katawan. Kaya naman... nagdala ako ng kapalit ko! Ang aking nag-iisang BFF! The one and only... soulmate ng aking buhay!" Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Ang pamilyar na malamig na pawis ay muling lumabas sa aking leeg. “Anong... anong kapalit?" Sumisipol si Bebang bago sumigaw patungo sa labas ng pinto. “OYYYY! BADIDAY!!!! PASOK NA GURRRRRL!!! ANDITO NA ANG TARGET MONG KANO NA MUKHANG DIYOS NG OLYMPUS!!!" Bumukas muli ang pinto, at doon ay pumasok ang isang nilalang na hindi ko kayang ipaliwanag gamit ang kahit anong siyensya o lenggwahe. Its face... it was completely not pleasing in my eyes. Ang babaeng pumasok ay may suot na kulay-berdeng crop top na may neon yellow na ruffles, nakasuot ng leggings na may print ng zebra, at ang kaniyang buhok ay may kulay-pula na tila ba sinunog na gulong ng kotse. Ang kaniyang mukha ay puno ng makapal na pulbos na hindi pantay ang pagkaka-blend, dahilan para magmukha siyang isang multo na katatapos lang dumaan sa isang pagsabog ng harina. At ang mas malala? May malaki siyang nunal sa itaas ng labi na may nakalaylay na isang mahabang hibla ng buhok. Napahawak ako sa aking dibdib. My vision blurry. Tiningnan ko si Luca na ngayon ay nakatalikod na sa akin at niyayanig ang buong katawan sa sobrang tawa. "Bossing, si Badiday! Ang aking partner in crime!" pakilala ni Bebang habang hinarap sa akin ang babae. Si Badiday ay dahan-dahang humakbang palapit sa lamesa ko. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa gamit ang kaniyang maliliit na mga mata na may makapal na asul na eyeshadow. Pagkatapos, bigla siyang ngumiti nang napakalawak—isang ngiti na nagpakita ng kaniyang kulang-kulang na ngipin sa harap. "Oh... My... Gosh..." panimula ni Badiday. Ang boses niya ay parang tunog ng isang palakang naipit sa gulong ng tricycle. At doon na nga nagsimula ang totoong impiyerno. Nagsimulang magsalita si Badiday nang may buong kompyansa. Ang kaniyang English ay bali-baliktad, na hinaluan niya ng napakalalim na Tagalog, at kung minsan ay biglang nagmumura ng bisaya language kapag nakalilimutan niya ang kaniyang sasabihin. "Good afternoon, Sir Vitto Farinell-ey," saad niya, sabay paypay sa sarili gamit ang isang piraso ng karton. “I am very pleasant to extinguished you today in this glorious perimeter. My heart is jumping-jumping like a grasshopper because your face is so... so mabalasik! Tunay na isang naglalakihang nilalang na may taglay na kakaibang kapangyarihan sa ilalim ng lupa!" Napatitig ako sa kaniya, ang aking panga ay literal na nakabitin sa hangin. “What... what the f*ck did you just call me?" "I said, you are very mabalasik, Sir! Isang dambuhalang banyaga na may dalang hagupit ng tadhana!" patuloy ni Badiday, itinataas pa ang kaniyang dalawang kamay na may mahahabang kuko na may dumi sa dulo. Saka tiningnan ang crotch area ko. Do not worry, Sir. While Bebang is away to catch the baby of the Altierre family, I will be the one to circumcise your schedules! I will write your contracts using my own hands and feet! If someone try to kill you, I will face them with my own body! Peste silang tanan! Magkamyatay gyud mi baho silag tiktik. Nakalimutan ko ang English ng baril! Ah, yes! I will shoot them with my own boom-boom pow too!” "Luca..." mahina at paos kong tawag sa aking kanang kamay, ang aking boses ay nanginginig na sa matinding trauma. “Luca, tell me... is this a prank? Are the Russian cartel filming me right now? Where is the hidden camera?" "No hidden camera, Boss," sagot ni Luca, tuluyan nang humarap sa akin na may mga luhang pumapatak sa kaniyang mga mata dahil sa walang katapusang katatawanan. "She is real. She is your new temporary secretary." "No! No way! Remove this... this creature from my room before I lose my f*cking mind!" sigaw ko, tuluyan na akong napatayo mula sa aking upuan. "Aba, Sir Vitto! Do not reject my capability!" hiyaw ni Badiday, lumapit pa siya nang lalo at ipinatong ang kaniyang mukha na may mahabang buhok sa nunal malapit sa mukha ko. Amoy na amoy ko ang kaniyang pabango na parang pinaghalong insecticide at murang shampoo. I am a college graduate of the University of the Tabing-Ilog! My English is very fluent than the water in the river! For example, look at this document! 'The party of the first party shall circumvent the properties of the second party. Oh, my gosh! This is very malalim! Tunay na nakatutunaw ng utak! Ulok nimo sir ba dako! Bakit ba ganito kahirap ang kontrata mo?Mukha kang kontrata sa impiyerno! Kaya marami kang kalaban eh. Hindi ka maintindihan nang maayos!” "Ulok? What does that even mean? I don't understand you, but I feel the disrespect in my soul!" sigaw ko habang umaatras ako patungo sa bintana ng aking opisina. Kamuntik na akong maiyak sa matinding frustrasyon. Mababaliw ako sa bansang ito! Ang mga kasama ko sa Europe ay pinaliligiran ng mga sopistikadong mamamatay-tao, mga abogadong may PhD sa Harvard, at mga matatalinong strategist. Pero ang mga tauhan ko rito sa Pilipinas? Puro may saltik! Isang sinto-sinto na may hawak na chicharon, at isang nilalang na bali-baliktad kung mag-English at nagmumura ng Bisaya sa harap ng isang Mafia Boss! "O paano, Bossing? Iwan ko na kayo ng aking BFF dyan ha!" paalam ni Bebang habang kinukuha ang kaniyang bag. "Huwag mo siyang masyadong pagsamantalahan, Sir Vitto! Alam kong mapusok ang iyong dugo sa mga lokal na kagandahan, pero may boyfriend na 'yan na tricycle driver!" "GET OUT! BOTH OF YOU GET OUT OF MY OFFICE BEFORE I SHOOT MYSELF IN THE HEAD!” tuluyan na akong sumabog, ang aking mukha ay pulang-pula na sa galit habang dinuduro ko ang pinto. Si Bebang ay tumawa lang nang malakas bago mabilis na lumabas ng pinto, habang si Badiday naman ay nag-iwan pa ng isang malaking flying kiss sa direksyon ko na may kasamang kindat ng kaniyang asul na eyeshadow. "See you later, my sugar daddy of the underworld! Dakuag ulok uy naol, guwapo mo pa rin sa malapitan! Rawwr!” huling hirit ni Badiday bago niya isinarado ang pinto. Nang tuluyan silang makaalis, mabilis akong lumapit sa aking lamesa at inubos ko ang buong bote ng whisky nang walang preno. Napasandal ako sa aking silya, hawak ang aking noo na tila ba hihimatayin na sa matinding sakit ng ulo. Tiningnan ko si Luca na ngayon ay nakasalampak na sa sahig ng opisina ko habang hawak ang kaniyang tiyan sa kakatawa. "If you don't stand up right now and burn that woman's files, Luca..." bulong ko, ang boses ko ay puno ng madilim na pagbabanta. "...I will personally make sure you are the one who will give birth to Niccolo's next baby." Fuck! Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas sa dalawang matandang hukluban na ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD