Chapter 1

1179 Words
Lindsay’s POV "Bwisit," bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa kisame ng mamahaling puting van ko. Nakaunat ang mga binti ko sa leather seat, pero bawat kaunting galaw ko, may pamilyar at nakakangilong sakit na gumagapang sa pagitan ng mga hita ko. Damn it! Masakit pa rin ang p********e ko. Pakiramdam ko ay naglakad ako sa gitna ng giyera o kaya naman ay nasagasaan ng isang dambuhalang truck. Pero nang maalala ko kung bakit ako nagkakaganto? Isang gwapong estranghero ang pumasok sa utak ko. Napahawak ako sa sarili kong labi, dahan-dahang napapangiti sa loob ng madilim na sasakyan. Instead of crying, instead of regretting that I gave my virginity to a literal stranger whose full name I didn't even know, a low chuckle escaped my mouth. Well... not bad for a first time, Lindsay, pampalubag-loob ko sa sarili ko. Sino ba naman ang mag-aakalang ang sikat, maldita, at mailap na Lindsay Andrada ay isusuko ang kaniyang korona sa isang hallway pick-up? But honestly? That man was f*cking huge. Hindi lang sa tangkad o sa lapad ng balikat kundi sa lahat ng aspeto. Naalala ko kung paano niya ako binuhat, kung paano niya biniyak ang depensa ko, at kung paano niya ako pinuno ng paulit-ulit kagabi nang walang kapaguran. He was like a god of sin, and I willingly let him destroy me. "Lindsay, babe? Gising ka na ba? Malapit na tayo sa studio. You look... a bit flushed," untag sa akin ng manager kong si Rico, habang nakasungaw mula sa front seat. Mabilis kong ibinalik ang malamig at walang pakialam kong mukha. Isinuot ko ang aking shades para itago ang bahagyang puyat kong mga mata. “I'm fine, Rico. Make sure everything is ready. Ayoko ng mabagal na trabaho ngayon," matabang kong sagot. "Of course, babe! Major editorial photoshoot 'to para sa Vlast International. Naka-set na ang studio, nandoon na ang creative director, at naghihintay na lang sa iyo," masiglang sabi ni Rico. I just rolled my eyes behind my sunglasses. Wala ako sa mood. Sobrang wala ako sa mood mag-pose at mag-inarte sa harap ng camera habang ang katawan ko ay sumasigaw sa pagod. Pero trabaho ito, at sa industriyang ito, ako ang reyna. Hindi pwedeng makita ng iba na may nakapagpapabagsak sa akin kahit pa ang estrangherong may initial na 'V.F. Pero what if ang ibig sabihin ng VF ay virgin fucker? Baliw ba siya? Bahala na nga. Nang bumaba ako ng van, agad kong naramdaman ang bigat ng bawat hakbang ko gamit ang aking heels. F*ck that man, mura ko sa isip ko habang pilit kong pinatitigas ang tindig ko. Pumasok ako sa eksklusibong studio ng The Grid Media, kung saan gaganapin ang high-fashion shoot. "She's here!" bulong ng mga staff nang makita ako. Agad silang nag-ayos ng mga linya, tila ba dadaan ang isang presidente. Pumasok ako sa dressing room at pabagsak na umupo sa plush chair sa harap ng malaking salamin. Agad na lumapit sa akin ang head makeup artist na si Jojo, kasama ang tatlong assistant niya. "Oh my god, Lindsay! Ang ganda pa rin ng skin, walang bawas ang pagka-barbie face, pero... wait, anong—" biglang napatigil si Jojo, nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa leeg ko. Inalis ko ang aking shades at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Nang iurong ni Jojo ang kuwelyo ng silk robe ko, doon ko nakita nang malinaw sa ilalim ng maliwanag na studio lights ang ginawa ng foreigner na ‘yon sa akin. May dalawang malalalim at kulay-ube na hickey sa gilid ng leeg ko, at isang bakas ng kagat sa aking collarbone. Kitang-kita rin ang bahagyang pamumula sa aking balikat, patunay ng kaniyang mahigpit at tila bakal na kapit kagabi. Napasinghap ang mga assistant na nasa likod ko. Isang malaking iskandalo kapag nalaman ng media na ang "Ice Queen" na walang pinalalapit na lalaki ay may ganitong mga marka. "Sino ang may gawa nito, Lindsay? Oh my god, bago ba 'to? Sino ang nakalusot sa mga pader mo?" tila nanginginig na tanong ni Jojo, halatang nasasabik sa tsismis pero natatakot din sa akin. Tinaasan ko siya ng isang kilay sa salamin, isang malamig, matatalas, at nakamamatay na tingin na nagpatahimik sa buong kwarto. "Do I pay you to ask questions about my personal life, Jojo? O binabayaran kita para takpan ang anumang ayaw kong makita ng mundo?" matigas at mariin kong sabi, bawat salita ay may lason. "S-Sorry, Lindsay babe! Heto na, gagamitan natin ng heavy-duty waterproof concealer! Walang makakakita, pramis!" natatarantang sagot ni Jojo, agad na kinuha ang kaniyang palette at nagsimulang mag-blend ng make-up sa leeg ko. Habang dinadampi ang malamig na cream sa balat ko, napapikit ako. Ramdam ko pa rin ang init ng labi ng lalaking ‘yon sa mismong bahagi na 'yon ng leeg ko. Kung paano niya ako dinala sa rurok habang sinisipsip ang balat ko. Bastos ka talaga, V.F., isip ko, habang may pilyong ngisi na naman na gustong sumungaw sa labi ko. Pero magaling ka, aaminin ko. Nang magsimula ang shoot, suot ko ang isang avant-garde, emerald green silk gown na may mataas na slit hanggang sa aking baywang. Ang tema ay "Dangerous Royalty." Bagay na bagay sa akin. "Okay, Lindsay! Give me raw passion! Give me power!" sigaw ng sikat na photographer na si Mark habang hawak ang kaniyang lens. Humakbang ako sa gitna ng set, pero ang pagbuka ng mga hita ko ay nagdulot ng isang matalim na kirot sa ibaba ko. Napakagat-labi ako nang mariin, ang aking mga mata ay awtomatikong sumingkit sa sakit at inis. “Perfect! Yan! Iyan ang tamang galit at pagnanasa, Lindsay! Maintain that look!” tuwang-tuwang sigaw ng photographer, sunod-sunod ang pag-click ng camera. Hindi nila alam, hindi 'yon acting. Totoong nasasaktan ako dahil sa nangyari kgabi. Pero dahil propesyonal ako, ginamit ko ang sakit na 'yon para maging mas matalim, mas mapang-akit, at mas mapanganib ang bawat anggulo ko. Itinaas ko ang aking baba, ipinakita ang aking barbie-like na mukha na walang emosyon kundi purong kapangyarihan. Bawat pose ko ay tila ba sinasabi sa buong mundo na pag-aari ko sila. Sa bawat flash ng ilaw, naaalala ko ang gabi sa penthouse. Kung paano ako tinawag ng lalaking iyon na isang masterpiece. Kung makita mo kaya ako ngayon, stranger, gagapang ka ba pabalik sa akin? tanong ko sa sarili ko, habang nagpapalit ng isa pang mabagsik na pose. Pero agad kong iwinaksi ang isip na 'yon. As if naman magkikita pa kami. Isang gabi lang 'yon. Pagkatapos nito, babalik na ako sa normal kong buhay bilang anak ng gobernador at isang top model. Siya naman, malamang ay bumalik na sa kung anong bansa ang pinanggalingan niya. "And... we're wrapped! Brilliant job, Lindsay! You never fail to amaze us!" palakpakan ng buong staff nang matapos ang tatlong oras na shoot. Nang matapos ang palakpakan, agad akong humakbang pababa ng set nang walang ngiti o pasasalamat sa mga tao. Diretso ako sa dressing room para magpalit, gustong-gusto ko nang humiga sa kama ko sa mansyon at matulog ng buong araw para bawiin ang lakas ng katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD