Divorce.
Isang malalim, mababa, at mapanganib na tawa ang tuluyang nakawala sa aking dibdib habang nakatayo ako sa malawak na terrace ng aking penthouse sa city. Ang malamig na hangin ng gabi ay sumasayaw sa aking buhok, habang ang mga ilaw ng mga skyscraper sa city ay nagpapakita ng isang marangyang tanawin sa aking harapan.
Inikot ko ang pulang alak sa loob ng aking crystal glass. The taste of victory was sweet, but the taste of her rebellion was even sweeter.
"Signor Farinelli," natatawang tikhim ni Luca mula sa aking likuran habang kaswal na sumasandal sa railings ng terrace, may hawak din na sarili niyang baso ng wiski.
Humarap ako sa kaniya habang nakataas ang isang sulok ng labi ko. Doon na nagsimula ang pag-uusap naming dalawa.
"I must admit, Bud," panimula ni Luca, habang pinupunasan ang kaunting luha sa kaniyang mga mata dahil sa tawa. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang reaksyon ng mukha mo kanina sa restaurant. Iba rin talaga ang bagsik ng isang Lindsay Andrada! Imagine, bago pa man maisuot ang singsing mo, gumagawa na agad siya ng exit plan. She practically handed you an expiration date!"
Humakhak nang malakas ang gago, ang kaniyang buong katawan ay nayayanig sa labis na katatawanan habang inaalala ang mga kondisyon ng aking masungit na fiancée.
“Masyadong matalas ang bibig ng babaeng 'yon, Vito! Knowing you, ang Capo dei Capi ng Farinelli family, na bigyan ng kontratang may mabilisang divorce? Bro, you’ve finally found your match! You've found another brat, at sa tingin ko, mas brat at mas malala pa siya kaysa sa sarili mong kapatid na si Isabella!"
Nang marinig ko ang pangalan ng aking kapatid na si Isabella—ang nag-iisang babaeng kilala ko na may kakayahang magwawala at magsunog ng isang mamahaling sports car kapag hindi nakuha ang gusto niya—ay hindi ko mapigilang mapangiti nang bahagya. Si Isabella ay spoiled at mapusok.
Ngunit si Lindsay? Si Lindsay ay ibang klase ng bagyo. Hindi lang siya spoiled, she was calculating and arrogance personified. Isang reyna na nababalutan ng yelo na akala mo ay may hawak ng buong mundo sa ilalim ng kaniyang mga mamahaling sapatos.
Dahan-dahan kong inilagay ang aking baso ng alak sa ibabaw ng lamesa sa terrace. Humarap ako kay Luca. Hindi ako sumigaw, hindi ako nagalit sa kaniyang pang-aasar, ngunit dahan-dahan kong itinuon ang aking madidilim at malamig na mga mata sa kaniya. Isang malapad, demonyo, at napakamapanganib na ngiti ang unt-unting gumuhit sa aking matigas na panga—isang ngiti na tanging ang mga biktima ko lang sa Sicily ang nakakakita bago ko sila tuluyang tapusin.
Napatigil ang halakhak ni Luca.
Ang kaniyang mga labi na kanina ay nakabukas sa tawa ay marahas na nagsara. Ang kaniyang kaswal na pagkakasandal sa railings ay mabilis na napalitan ng isang tuwid, maayos, at seryosong pag-upo sa silya. Nakita ko ang marahas na pagbaba ng kaniyang lalamunan habang nakatitig sa ngiti ko.
"Hell, bro!" bulong ni Luca, habang itinataas ang kaniyang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko. "Your smile is completely creepy, Vito. Seryoso, ibahin mo 'yang mukha mo, nakatataas ng balahibo. Ano ba talaga ang totoong plano mo sa babaeng 'yan? Like, bakit pumayag ka agad sa lahat ng mga kondisyon niya nang walang kaunting preno?"
I smiled at him again, mas lumalim ang dilim sa aking mga mata. Umupo ako sa tapat niya, ipinatong ko ang aking mga siko sa aking mga tuhod, at sumandal ako nang bahagya.
Luca," mahina kong panimula, ang aking baritono at may foreign accent na boses ay naging isang mababang bulong. Akala ni Lindsay ay kontrolado niya ang laro dahil pumayag ako sa divorce clause niya. She thinks she can corner a Farinelli. Akala niya ay napilitan ko lang siya dahil sa takot ng kaniyang ama. She thinks she is untouchable, and she believes that in two or three years, she can just walk away from me with her name and her pride intact."
Humithit ako ng aking tabako, hinayaan kong ang makapal na usok ay dahan-dahan at misteryosong humarang sa paggain naming dalawa.
"But what she doesn't know is that the word 'divorce' does not exist in our dictionary, Luca. Pumayag ako sa mabilisang proseso, pumayag ako na sa ibang bansa idaos ang kasal, dahil mas pabor sa akin ang isang sekretong seremonya kung saan walang makalalapit na ibang lalaki sa kaniya. I want her isolated from her fans and her high-society circle. Ngunit ang dalawang taon na sinasabi niya? Iyon ang gagamitin kong panahon para tuluyan siyang bitayin sa sarili niyang mga braso."
"What do you mean, Bro?" seryosong tanong ni Luca, halatang pumasok na sa kaniyang business mind ang takbo ng utak ko. "Are you going to force her?"
"No, forcing her is too cheap," ngisi ko nang mapang-angkin. "I have a long way to plan everything, Luca. Sa loob ng dalawang taon na magsasama kami sa ilalim ng isang bubong, sisiguraduhin kong ang buong buhay niya, ang karera niya sa fashion, ang kaniyang mga kumpanya, at ang kaniyang buong puso ay tuluyan nang mapatatalas sa ilalim ng pangalan ko. She thinks she is hard to manipulate. Matigas siya, oo. At iyon ang dahilan kung bakit mas masarap siyang ariin. Sisiguraduhin kong bago sumapit ang expiration date ng kontrata niya... she will be too dependent on me. Siya na mismo ang luluhod sa harap ko, umiiyak, at susunugin ang mga papeles ng divorce na 'yan dahil hindi niya na kayang mabuhay nang wala ang isang Vittorio Farinelli."
Nakahinga nang malalim si Luca, bago napailing-iling habang nakatingin sa akin nang may halo ng takot at matinding paghanga. But I can see him smiling like an idiot. Hindi yata naniniwala ss ‘kin.
"You are an absolute monster, Vito," sabi ni Luca habang sumisipop sa wiski niya. "Talagang binuo mo ang kasunduang ito hindi para palayain siya, kundi para gawan siya ng isang gintong hawla na hindi niya kailanman matatakasan. You let her think she won, but in reality, you've already trapped her."
"Isang hawla na siya mismo ang pumasok nang may mataas na noo," pagtatama ko habang muli kong binuhat ang aking baso ng alak.
“Gusto niya ng digmaan, Luca. She wants a challenge. At bilang isang Capo, hinding-hindi ko siya bibiguin. Hayaan nating isipin ng aking masungit na fiancée na nanalo siya ngayong gabi. Hayaan nating magmalaki ang kaniyang matalas na bibig sa harap ng mga kaibigan niya."
Itinaas ko ang aking baso patungo sa direksyon ng mga ilaw ng lungsod, kung saan alam kong kasalukuyang natutulog ang aking perpektong porcelain doll nang may pag-aakalang nalinlang niya ako.
"May isang buwan pa ako para ihanda ang aming pribadong kasal sa Europa," bulong ko nang may malalim na pagnanasa. "And after that, I will bring her to my mansion. At doon magsisimula ang totoong kalbaryo ng aking asawa. Just thinking how she’d deal Bebang and Badiday excites me."
Naisip ko muli ang kaniyang mukha kanina habang binabara si Cassandra—ang kaniyang tindi ng kamalditahan, ang kaniyang walang katuturang kayabangan, at ang kaniyang matatalim na sulyap na lalong nagpapainit sa dugo ko. She was a dangerous fire, and I was more than ready to get burned just to keep her mine forever. Gustong-gusto ko na ginagawa jiya akong pawn sa laban niya.