I should have been so happy today knowing Bebang is not around. Pero lalo lang akong nabwesit dahil binigyan na naman ako ng panibagong sakit sa ulo.
Nakahinga nga ako dahil wala si Bebang sa opisina ko dahil kasalukuyan itong nagpapakapagod bilang taga-salo ng inunan ng pang-pitong anak ni Niccolo Altierre, pero ang ipinalit niya sa mansyon ko? Isang sumpa. Isang nilalang na nagngangalang Badiday na ngayon ay opisyal na naging mayordoma ng aking bahay. Isang matandang hukluban.
Upang mapanatili ang aking katinuan, at upang maiwasan ang posibilidad na bitayin ko ang aking sariling kasambahay gamit ang isang mamahaling kurbata mula sa isang sikat na brand—nagpasya akong huwag munang umuwi roon.
Nanatili ako sa aking pribadong penthouse sa Bonifacio Global City. Doon, walang sumisigaw nagmumura sa ‘kin, walang neon yellow na ruffles, at walang mukhang dumaan sa pagsabog ng harina. Tang-ina siya!
Ngunit ngayong umaga, tuluyan nang natapos ang aking bakasyon. Nandito na naman ang isa sa rason ng sakit ko.
"Signor Farinelli," maingat na tawag ni Luca habang nakatayo sa tabi ng aking kama, may hawak na isang itim na leather attache case. Just by looking at his teasing eyes makes my blood boil.
"Kailangan na nating bumalik sa mansyon. Ang mga original na titulo ng mga shipping yards sa Italy at ang mga transaksyon sa pondo ng pamilya Andrada ay nandoon sa safe ng ‘yong silid. Kailangan mo 'yong pirmahan bago dumating ang mga abogado bukas mula sa Rome."
Napatitig ako sa kisame ng penthouse ko. Isang malalim at mabigat na hininga ang nakawala sa aking dibdib. Ang aking buong katawan ay tila ba nag-rebelde sa ideya na muling makikita ang mukha ng babaeng iyon.
"Luca..." bulong ko, ang boses ko ay paos at puno ng pagdurusa. "Sabihin mo sa akin... pwede ko bang ipagpalit ang mga daungan sa Sicily para lang sa isang normal na kasambahay na marunong mag-English nang tuwid?"
"Patawad, brother,” pilit na nag-pigil ng tawa ang gago. "But the Farinelli legacy requires your presence in the mansion. Another hellish day awaits you."
“f**k!”
Matapos ang tatlumpung minutong biyahe sakay ng aking bulletproof Rolls-Royce, nakarating kami sa malawak na gate ng aking mansyon. Sa labas pa lang, normal naman ang lahat. Ang apat kong armadong bodyguards ay maayos na nakatayo, ang mga halaman ay maayos ang gupit, at ang sikat ng araw ay marangyang tumatama sa dambuhalang marmol na estruktura.
Ngunit ang lahat ng ilusyon ng kapayapaan ay gumuho nang tuluyan kong buksan ang dambuhalang pinto ng sala.
"AYYYYY! ANG AMONG BANYAGA NA MUKHANG SIBUYAS AY NAGBALIK NA!LALONG LUMAKI ANG IYONG BRASO, BOSS! PARANG PINAKAIN NG MGA TIPAKLONG!”
Dio Santo. Narito na naman ang kalbaryo ko.
Bungad agad sa akin sa engrandeng sala si Badiday. At kung akala ko ay malala na ang kaniyang hitsura noong nakaraang linggo, mas binasag niya ang lahat ng record ng kalituhan ngayong umaga.
Nakasuot lang naman siya ng isang traditional na kulay-rosas na duster dress, pero may nakataling itim na leather belt sa kaniyang baywang na may nakasabit na sandok ng kanin. Ang kaniyang buhok na kulay-pula ay nakatali ngayon sa dalawang pigtails gamit ang mga berdeng rubber bands ng gulay. At siyempre, ang kaniyang mukha ay muling nabalutan ng makapal na pulbos na kulay-puti, dahilan para magmukha siyang isang Hapon na Geisha na nagkaroon ng malubhang sakit sa balat. Ang kaniyang sikat na nunal na may mahabang buhok ay tila ba kumikaway sa akin sa ilalim ng liwanag ng aking chandelier.
Napatigil ako sa pintuan. Ang aking mga kamay na may suot na gintong Rolex ay awtomatikong napahawak sa aking sintido.
"Badiday..." panimula ko, pilit kong pinabababa ang aking baritono at may foreign accent na boses upang hindi ko siya tuluyang mabaril.
“What in the name of Judas are you wearing? And why is there a giant spoon attached to your waist?"
"Aba, Sir Vitto! Good morning to your face too!" sigaw niya, sabay lakad patungo sa akin habang ang kaniyang mga tsinelas ay lumilikha ng nakaririnding tunog sa aking mamahaling marmol.
“This is not a giant spoon, Sir! This is a sandok! The ultimate weapon of the housekeeping governance! I am wearing this because I am the official leader of the kitchen netherworld ngayon! At huwag mo akong ma-hudas dyan, Sir! Baka magalit ang aking mga anito sa probinsya!"
"Anito?” napasigaw na ako sa matinding inis, ang aking mukha ay nagsisimula nang mamula habang si Luca sa likod ko ay muling tumalikod para itago ang kaniyang pagngiti.
"I am an Italian Mafia Boss, Badiday! I do not have 'anitos' in my house! I have security protocols! I have class! I have money!"
"Yes, you have money, but you do not have nutrition, Sir!" pabalasubas niyang sagot, habang marahas niyang iwinagayway ang kaniyang sandok sa tapat ng mukha ko. Amoy na amoy ko muli ang kaniyang pabango na tila ba pinaghalong zonrox at murang vanilla.
"Tignan mo nga 'yang katawan mo! Masyadong malaki pero parang kulang sa pagmamahal! Noong wala ka rito, I am very busy to circumcise the whole mansion! I cleaned your room, I washed your blankets, and I saw your underwear! Oh my gosh, Sir! Your boxer shorts are so very gigantic! It looks like a tent for camping! Sos! Pagkaperoek gyud. Bakit ba napakalaki ng tela ng brief mo?Pwede nang gawing kumot ng pamilya ko sa Davao!"
"Stop talking about my underwear! And stop cursing in Visayan in front of me!" tuluyan na akong sumabog, ang aking malalapad na balikat ay nanginginig sa matinding galit habang dinuduro ko siya.
“Luca! Bakit hinayaan mong pumasok ang babaeng ito sa silid ko? Private room ko 'yon!"
"Boss, do not be so defensive-minded!" singit muli ni Badiday, hindi man lang natatakot sa aking galit. "I am just doing my duty as the general manager of the house! If I do not clean your room, the dust will multiply like the population of the rats! For example, look at this!"
Kumuha siya ng isang mamahaling kristal na vase mula sa isang lamesa, isang vase na binili ko sa isang auction sa Paris na nagkakahalaga ng dalawampung libong euro—at marahas niya itong ipinahid sa kaniyang duster dress upang ipakita na malinis ito.
"I polished this glass until it is very transparent than your future, Sir!" mayabang niyang saad, ang kaniyang asul na eyeshadow ay tila ba nagningning sa kayabangan.
"My English is very fluent when I am talking to the appliances! The ref is cold, the television is loud, and you... you are very mabusisi! Tunay na isang banyagang walang kasiyahan sa buhay!"
Napapikit ako nang mariin. Ang aking pasensya ay tuluyang sinusubok sa bawat segundong lumilipas. Ang mga tauhan ko sa Italya ay nanginginig kapag ibinaba ko ang aking boses, ngunit ang babaeng ito? Ginagawa niyang katuwaan ang bawat salita ko.
"Badiday, listen to me very carefully," bulong ko, nilapitan ko siya nang bahagya upang maramdaman niya ang aking seryosong presensya, ang aking panga ay matigas. How I wish I can wring her neck right now.
"Nandito ako para sa aking mga dokumento sa safe. I don't want to hear about my future, I don't want to hear about your university, and I certainly don't want you touching my vase again. Do you understand?"
"Yes, Sir! I am understand-ed completely!" sagot niya, sabay salute na tila ba isang sundalo na may hawak na sandok. "But before you go to your room to sign your destiny, you must eat the breakfast that I fabricated for you! It is a special delicacy from my homeland!"
Napakunot ang noo ko, ang aking tiyan ay biglang tumunog dahil hindi pa nga ako nag-aagahan sa penthouse sa tindi ng pagmamadali ni Luca.
“Breakfast? Anong klaseng pagkain?"
"It is called... The Traditional Dried Fish with a Twist of the Underworld!" masigla niyang anunsyo, habang pilit niya akong itinutulak patungo sa dambuhalang dining hall gamit ang kaniyang maliit na kamay. "Very delicious, Sir! It will make your heart beat fast like a racing horse!"
Nang makarating kami sa dining hall, doon ko tuluyang natuklasan kung ano ang totoong kahulugan ng salitang "impyerno."
Ang buong espasyo ng aking marangyang dining room—na pinaliligiran ng mga imported na velvet curtains at mga gintong palamuti—ay napapabalutan ngayon ng isang napakatapang, napakabantot, at nakalulunod na amoy ng... tuyo. Isang uri ng lokal na isda na pinatuyo sa araw na may amoy na kayang magpatumba ng isang leon.
Sa ibabaw ng aking mamahaling glass table, pinaliligiran ng mga kubyertos na gawa sa pilak, ay may isang dambuhalang plato ng kanin na kulay-dilaw dahil sa dami ng luyang inilagay niya, at sa gitna niyon ay may anim na piraso ng sunog at nangingitim na tuyo na may nakatirik na mga piraso ng sili.
"What... what is this smell?” pasigaw kong tanong habang tinatakpan ko ang aking ilong gamit ang aking mamahaling panyo.
“Badiday! Did something die in my kitchen?! Is this a chemical warfare from the triad?”
"Aba, Sir Vitto! Grabe ka naman sa aking bulad!" asik ni Badiday, tila ba labis na nasaktan ang kaniyang damdamin habang hawak ang kaniyang sandok.
“This is a premium dried fish from Cebu, Sir! Imported pa 'yan mula sa palengke ng aking tiyahin! It is very rich in sodium and high-level saltiness! combined with the rice of the garlic, this is the breakfast of the champions! Di kakumpyansaan kay bahalag baho, lami man pud. Kung ayaw mo niyan, huwag mo akong sisihin kung magka-kidney stone ang iyong mga bodyguards sa labas dahil sila ang papakainin ko nito!"
Tiningnan ko si Luca na ngayon ay hindi na nakatiis—literal na napaupo na siya sa isang silya habang tinatakpan ang kaniyang mukha gamit ang leather case, ang kaniyang buong katawan ay nayayanig sa walang katapusang tawa.
"Luca!" sigaw ko. "Bakit ka tumatawa?Subukan mong kainin 'yan! I order you to eat that fish right now!"
"P-Patawad, buddy," natatawang sagot ni Luca, ang boses ay nanginginig. "But my Italian stomach cannot handle the premium saltiness of the culture. I think... I think you should try it, Signor. Alyansa naman ito sa bansa."
"Shut up, Luca!" marahas kong ibinaba ang panyo ko at humarap muli kay Badiday na ngayon ay nakapamaywang na sa harap ko, ang kaniyang asul na eyeshadow ay tila ba humahamon sa buong pagkatao ko bilang Capo ng Farinelli family.
"I am not eating that dead fish, Badiday," matigas kong deklara. "Ipapaluto ko kay Luca ang aking paboritong Italian pasta. At pagkatapos kong pirmahan ang mga dokumento ko, aalis na ako rito. I cannot breathe in this house anymore."
"Fine! If you don't want my buwad, then suffer from the hunger of your own pride!" ismid ni Badiday, sabay talikod nang marahas na nagpadpad ng mumo ng kaniyang pulbos sa hangin. "Aalis muna ako para mag-linis ng iyong banyo! Iwill circumcise your toilet bowl until it smells like a flower of the cemetery!"
“Damn!”
Matapos ang halos dalawang oras ng matinding kalbaryong pakikipagtalo sa English na bali-baliktad, at pag-iwas sa nakalulunod na amoy ng tuyo sa sala, tuluyan ko ring napirmahan ang lahat ng mga titulo at transaksyon sa loob ng aking silid.
Nakatayo ako ngayon sa tapat ng malawak na bintana ng aking kwarto, hawak ang isang baso ng bago kong bukas na whisky upang pakapain ang aking mga ugat na kanina pa gustong sumabog. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Ang isang Mafia Boss, may pulang mukha, may gulo-gulong buhok dahil sa stress, at may panyo pa ring nakatali sa leeg upang takpan ang amoy ng insecticide ng kaniyang mayordoma.
Narinig ko ang mahinang katok ni Luca sa pinto. "
“Brother, tapos na ang mga papeles. Ang sasakyan ay nakahanda na sa labas para ibalik ka sa penthouse."
Huminga ako nang malalim, inubos ko ang whisky sa aking baso, bago ko dahan-dahang hinarap ang aking kanang kamay.
At doon, sa gitna ng matinding katahimikan ng aking silid, isang pilyo, mababa, at hindi mapigil na tawa ang biglang nakawala sa aking sariling dibdib.
Napatigil si Luca, tinitigan ako nang may pagtataka.
“Bud? Are you okay? Did the dried fish smell finally damage your brain?"
"No, Luca," sagot ko habang patuloy akong nagpapakawalan ng mahahabang tawa, tinitingnan ko ang aking sarili sa salamin tulad ng isang taong tuluyan nang nabaliw.
“Naisip ko lang si Lindsay. Ang aking masungit, bratty, at napakagandang fiancée."
"Anong mayroon kay, Signorina Lindsay?"
"Naisip ko lang kung anong mangyayari sa susunod na linggo," lumawak ang ngisi ko, ang aking madidilim na mata ay nagningning sa isang kakaiba at nakatutuwang uri ng excitement.
“Kapag natapos ang kasal namin at dinala ko na siya rito sa mansyon bilang asawa ko... at makakaharap niya si Badiday bilang kaniyang mayordoma."
Napatigil din si Luca, at dahan-dahan, ang kaniyang mukha ay nagpakita rin ng isang dambuhalang ngisi ng pagkaunawa.
“s**t! Hahaha. That would be an atomic bomb of high-fashion and low-budget culture."
"Exactly," tawa ko pa nang mas malakas, tuluyan nang nawala ang lahat ng inis sa katawan ko. "Si Lindsay, na hindi kumakain ng pagkain na walang tatak ng French designer, ay sasalubungin ng amoy ng tuyo at ng isang babaeng nagmumura ng Bisaya habang may hawak na sandok. I cannot wait to see her perfect barbie-like face break into pure horror."
Inayos ko ang aking suit, isinuot ko ang aking sapatos, at naglakad ako palabas ng silid nang may magaan na loob. Ang mansyong ito ay maaaring isang impiyerno ngayon dahil kay Badiday, pero sa oras na pumasok si Lindsay Andrada sa pintuang ito bilang asawa ko... sisiguraduhin kong ang impiyernong ito ang magiging pinakamasayang palabas na panonoorin ko buong buhay ko.