May mga umaga talaga na pakiramdam mo, ang mundo ay nagising lang para sirain ang natitira mong katinuan. At ang umagang ito ang rurok ng lahat ng 'yon.
Alas-siyete pa lang ng umaga. Kakababa ko pa lang ng grand staircase, nakasuot ng aking paboritong silk robe habang medyo inaantok pa, nang marinig ko ang isang kakaibang tunog mula sa sala. Parang may pumupunit ng tela, may sunod-sunod na mahihinang ungol, at tunog ng plastik na nginangatngat.
Dahan-dahan kong sinundan ang ingay patungo sa likod ng malaking velvet sofa. At doon, literal na tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.
Ang aking kulay cream na, limited edition, exotic leather luxury handbag na kakabili ko lang noong isang buwan mula sa isang exclusive auction sa Paris na nagkakahalaga ng ilang milyong piso ay kasalukuyang nasa sahig. At ang mas malala? Isang maliit, kulay tsokolateng chihuahua na may nanginginig na mga binti ang kasalukuyang nakasubsob ang buong mukha sa loob nito. Ang kaniyang matutulis na ngipin ay buong giting na nanginginatngat sa mamahaling leather strap ng bag ko, habang ang kaniyang maliit na buntot ay masayang kumakawag.
"Oh my god!”
Parang may dambuhalang bulkang sumabog sa loob ng dibdib ko.
“Hey! Bitawan mo 'yan, you oversized rat!" sigaw ko habang mabilis na sumugod palapit.
Napatigil ang chihuahua. Tumingin ito sa akin gamit ang kaniyang malaki at mabilog na mga mata na tila ba walang kaunting kasalanang ginagawa, bago binitawan ang strap ng bag ko na ngayon ay punong-puno na ng laway at may mga bakas na ng kagat. Ang mamahaling piraso ng sining na pinaghirapan kong i-secure mula sa Europa ay mukha nang basahan ngayon. Oh God! Mawawalan ako ng malay. My bag! My millions!
Bago ko pa man mabuhat ang aso para itapon sa bintana, isang pamilyar at nakaririnding boses ang umalingawngaw mula sa direksyon ng engrandeng foyer.
"Lindsay! Lindsay, nasaan ka na namang hayop ka? Ang aga-aga, nambubulahaw ka na naman sa loob ng mansyon! Lindsay!"
Napatigil ako. Halos umusok ang buong bunbunan ko sa tindi ng inis. Did she just call me an animal? Marahas akong lumingon at doon ko nakita si Bebang, ang nakatataas na katulong ng kaibigan ni Vittorio na walang ibang ginawa kundi ang manggulo sa buhay ko rito sa bahay. May bitbit siyang maliit na mangkok na may nakasulat na 'Pet Bowl' habang palinga-linga sa paligid.
"Bebang!" asik ko, ang boses ko ay parang yelo na humiwa sa hangin ng umaga. Lumapit ako sa kaniya, ang aking mga kamay ay nakakuyom sa gilid ng aking robe.
“Ang lakas ng loob mong sumigaw ng pangalan ko sa loob ng bahay na 'to! At talagang tinawag mo pa akong hayop? Seryoso ka ba sa lakas ng loob mong matanda ka?”
Napatigil si Bebang. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, bago marahas na inirapan ang mukha ko nang may buong kasupladahan. Hindi man lang siya natakot sa tindi ng awra ng isang Lindsay Andrada.
"Aba't... assuming ka ring bata ka, ano?" singhal ng matanda, habang ipinapatunog ang kaniyang dila. "Sino bang nagsabing ikaw ang tinatawag ko? May hawak akong pagkain ng aso, tignan mo nga! Ang tinatawag ko ay itong si Lindsay! 'Yung aso ang tinatawag ko, hindi ikaw!"
Bahagyang nawalan ng balanse ang utak ko sa narinig ko. Lumingon ako sa sahig, at saktong-sakto, ang chihuahua ay mabilis na tumakbo patungo sa mga paa ni Bebang habang kumakahol nang mahina.
"L-Lindsay?” pautal-utal kong ulit, ang aking kanang kilay ay dahan-dahang gumapang paitaas hanggang sa dulo ng aking noo sa tindi ng pagkabigla. "Pinalitan mo ang pangalan ng asong 'yan ng pangalan ko para lang bwisitin ako?”
"Hala, siya! Kung makapagbintang ka naman, akala mo naman kung sinong marangal!" mas lalong nagmataray si Bebang, itinaas niya ang kaniyang baba at nakipagsupladahan sa akin na tila ba siya ang reyna ng bahay.
"Hindi ako ang nagpangalan sa asong 'yan! Ang aming si Sir Vittorio... si Sir Vittorio mismo ang nag-uwi ng asong 'yan noon pa habang natutulog ka! At siya rin ang mismong naglagay ng pangalan na Lindsay sa collar niya dahil sabi niya, pareho raw silang nanginginig at maingay kapag nagagalit!"
Si Vittorio?
Napanganga ako sa tindi ng reyalidad ng sinabi ng matanda. Ang asawa kong seryoso, mapanganib, at may-ari ng logisitics sa Europa ay nag-uwi ng isang nanginginig na chihuahua at ipinangalan pa ito sa akin? At ngayon, ang 'Lindsay' na 'yon ay kakangatngat lang ng bagong bili kong limited edition luxury bag na nagkakahalaga ng milyun-milyon!
"Bwisit na lalaking 'to!" napapadyak ako nang wala sa oras sa labis na inis, ang aking fluffy na tsinelas ay marahas na humampas sa makintab na marble floor. Ang tindi ng pangingitngit sa buong katawan ko ay hindi na maipaliwanag. Naalala ko kung paano niya ako dinala sa isang romantic dinner kagabi para sa birthday niya, kung paano niya hinawakan ang kamay ko habang may fireworks, tapos paggising ko ngayong umaga ay may ganito siyang sorpresang iniwan para sa akin?
"Hmp! Magsasabi pa ako kay Sir Vittorio na pinagbintangan mo ako," huling hirit ni Bebang habang binubuhat ang chihuahua.
“Halika na nga, Lindsay... kain na tayo. Huwag mong tularan 'yung isa diyan na ang aga-aga ay nakabusangot ang mukha."
Inikot ko ang aking mga mata nang napakatindi habang pinapanood silang maglakad patungo sa dirty kitchen. Sumasakit ang ulo ko, nasira ang milyun-milyong bag ko, at ang pangalan ko ay naging pagmamay-ari ng isang nanginginig na aso. Sisiguraduhin kong sa oras na umuwi ang lalaking 'yon mamayang gabi, malalaman niya kung anong klaseng giyera ang pinasok niya sa pagpapangalan sa chihuahuang iyon. Ang laban namin sa bahay ay opisyal nang naging personal, at hinding-hindi ako papayag na ang asawa ko ang huling tatawa.
Alas-siyete na ng gabi pero nakatayo pa rin ako sa gitna ng malawak na sala ng mansyon. Kung kanina pang umaga umuusok ang bunbunan ko, ngayon ay literal na parang sasabog na ang buong pagkatao ko. Sa tabi ko, sa ibabaw ng glass table, ay nakalatag ang bangkay ng aking limited edition exotic leather bag na walang awang nilawayan at nginatngat ng chihuahuang bwisit na 'yon.
Narinig ko ang pamilyar na tunog ng makina ng kaniyang sleek black SUV sa labas ng driveway. Dumating na ang salarin. Dumating na ang lalaking walang ibang inatupag kundi ang sirain ang reputasyon ng pangalan ko sa pamamagitan ng isang nanginginig na aso.
I crossed my arms over my chest, my breathing shallow, my high-fashion features completely frozen in pure, unadulterated kamalditahan.
Bumukas ang dambuhalang pinto ng mansyon at iniluwa nito si Vittorio. As usual, he looked devastatingly handsome, wearing his charcoal gray corporate suit, his tie slightly loose, and his broad shoulders carrying the usual aura of a dangerous businessman. Pero pagkakita niya sa akin na nakatayo sa gitna ng sala habang nakataas ang kanang kilay, isang pilyo at nakalolokong ngisi ang agad na sumilay sa kaniyang matigas na panga.
"Good evening, piccola," bulong niya, ang kaniyang malalim, bedroom baritone voice ay puno ng mapang-asar na tono. "Did you enjoy your rest day with your new friend?"
"Vittorio Farinelli!" pasigaw kong bungad, ang boses ko ay yumanig sa buong sala.
"Seryoso ka ba talaga sa takbo ng utak mo? How dare you name that shaking, oversized rat after me! Nilawayan at sinira niya ang milyun-milyong bag ko na kakabili ko lang sa Paris! Hindi ko matatanggap na ginawa mo akong aso!"
Vittorio didn't even flinch. Instead, mas lalo pang lumawak ang kaniyang tamad na ngisi.
"It's a perfect match, Lindsay. Pareho kayong nanginginig sa galit kapag hindi nakukuha ang gusto niyo, and you both make too much noise when you're stubborn. I thought it was a very thoughtful gift."
"Thoughtful gift mo mukha mo!"
Sa tindi ng pangingitngit ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Dumampot ako ng isang mabigat na silk throw pillow mula sa sofa at buong lakas na inihagis iyon direkta sa mukha niya.
Puff!
Sinalo niya iyon gamit ang kaniyang malaking palad, pero bago pa siya makapagsalita ay sunod-sunod na throw pillows pa ang hinablot ko at pinaghahambalus ko sa kaniya.
“You animal! Bwisit ka, Vittorio! Walang hiya ka!" sigaw ko habang hinahabol ko siya ng hampas.
And then, something entirely unbelievable happened.
Vittorio, the feared and cold businessman who controls half of the logistics network in Europe, let out a loud, booming, and genuinely happy laugh. Tawa siya nang tawa habang umiilag sa mga throw pillows ko. Nang makita niyang seryoso ako at kukuha na ako ng mas mabigat na dekorasyon, marahas siyang tumalikod at napatakbo patungo sa malawak na garden sa labas ng mansyon. Tawa ka nang tawa sa throw pillow. Itong malaking vintage vase niya na nabili niya sa auction na nagkakahalaga lang naman ng seven million. Tingnan ko lang kung makakatawa pa.
“s**t!” aniya at kumaripas ng takbo.
"Hey! Huwag mo akong tatakbuhan, Farinelli!" sigaw ko habang mabilis na humabol sa kaniya.
Naghahabulan kaming dalawa sa malawak na damuhan sa ilalim ng gabi. Ang aking silk robe ay humahawi sa hangin habang pilit ko siyang inaabot ng hampas ng huling throw pillow na hawak ko at mabigat pala iyong vase. Vittorio kept laughing, turning around occasionally to catch my wrists, his dark eyes sparkling with a kind of youthfulness and joy that I had never seen before. Ang seryosong laro namin sa mansion ay biglang naging isang nakatutuwang gulo, at kahit galit na galit ako, hindi ko mapigilang makaramdam ng kakaibang t***k sa dibdib ko habang pinapanood siyang tumawa nang ganoon kalaya.
———————-
Habang nagaganap ang marangyang gulo at habulan sa malawak na garden ng mansyon, dalawang anino ang kasalukuyang nakadungaw mula sa bintana ng malaking kusina.
Si Bebang at si Badiday.
Kasalukuyang naghuhugas ng mga platong panggabi si Bebang habang si Badiday naman ay maayos na nagpupunas ng mga baso. Sa unang pagkakataon mula nang magkasama sila sa ilalim ng iisang bubong, walang parunghit o parinig ang namamayani sa pagitan ng dalawang matanda. Pareho silang nakatitig sa kanilang amo na si Sir Vittorio na kasalukuyang masayang iniilagan ang mga hampas ng throw pillow ni Lindsay sa labas.
"Hmp," pagpapatunog ng dila ni Bebang, bagamat wala na ang tindi ng kamalditahan sa kaniyang mukha.
“Ngayon ko lang narinig na tumawa nang ganyan si Sir Vittorio. Kadalasan kapag nandito 'yan sa bahay, akala mo laging may bibitayin sa tindi ng seryoso ng mukha."
Badiday carefully placed the crystal glass on the shelf, letting out a soft, dramatic sigh before turning to Bebang. Sa pagkakataong ito, ang kaniyang dila ay hindi nag-tumbling. Maayos, diretso, at seryoso ang kaniyang pananalita habang pinagmamasdan ang mag-asawa.
"Verily, Sister Bebang," panimula ni Badiday, ang kaniyang boses ay puno ng katotohanan. "The master of this domain has lived a life of supreme loneliness and structural violence before Madame Lindsay arrived. Itanong ko nga sa 'yo... sa tingin mo ba, kumusta si Madame Lindsay bilang isang amo sa bahay na 'to? Alam kong palagi mo siyang iniirapan."
Napatigil si Bebang sa pagguskos ng plato. Tumingin siya sa labas kung saan kasalukuyang nadapa si Lindsay sa damuhan at mabilis na binuhat ni Vittorio na parang sako habang pareho silang nagtatawanan.
"Maldita," truthful na sagot ni Bebang, habang nagpupunas ng kaniyang mga kamay sa apron. "Napakasungit, napakataas ng noo, at kulang na lang ay sunugin ako sa mga tingin niya kapag nagkakasagutan kami. Pero..."
"Pero?" untag ni Badiday.
"Pero mabuti ang puso niya," pagpapatuloy ng matanda, bahagyang lumambot ang kaniyang ekspresyon.
“Kasi naman beshywap. Sa tindi ng kamalditahan niya sa katawan eh ‘di sana hinampas na niya ang asong iyon o kaya ay tinapon sa labas. Pero hindi. Nilapitan niya kanina pero pinagalitan lang. Hello? Ilang maldita na ba ang nakaharap ko? Napakaarte at talagang masama ang budhi. Kung sa kanila nangyari iyon aba’y panigurado nasa lansangan na ang animal. Pero hindi niya ginawa.”
Badiday smiled warmly, bowing her head as if validating a great truth.
“Madame Lindsay is like an ice, Sister Bebang. Sharp, cold, and heavy to carry. But inside that frozen perimeter... she is a woman with a genuine heart. She matches the fire of Sir Vittorio perfectly. At kahit magka-tumbling-tumbling man ang takbo ng mansyong ito, sila lang ang nakakaintindi sa wika ng isa't isa."
“Marunong ba mag-tumbling ang mansion? Pinagsasabi mong mag-tumbling?” ani Bebang. Sinamaan naman ito ng tingin ni Badiday.
“Ah! Bogoa uy!”
Parehong natahimik ang dalawang matanda habang patuloy na pinapanood ang mag-asawa sa labas. Ang gabi sa mansion ay patuloy na lumalalim, pero sa kabila noon ay tila sumasabay rin ang nararamdaman ng dalawa na lumalalim.