Chapter 6

2072 Words
Sa gitna ng mga nagkikislapang ilaw at sa kabila ng aking malabong paningin dahil sa spotlight, naramdaman ko ang isang matalim, malamig, at lubhang pamilyar na titig na nakatusok sa mismong mukha ko. Dahan-dahan kong ipinaling ang aking tingin sa kaliwang bahagi ng VIP section, kung saan nakaupo ang mga pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang tao sa bansa. At doon, halos mapatigil ako sa aking susunod na hakbang. Nakasandal sa kaniyang plush velvet chair, may hawak na gintong lighter na pinaglalaruan sa kaniyang malalaking daliri, ay ang lalaking sumira sa katinuan ko kagabi. Vittorio Farinelli. He was wearing a dark blue midnight suit tonight, perfectly tailored to highlight his broad, intimidating shoulders. His dark hair was brushed back smoothly, and his jawline looked even sharper under the dramatic lighting of the fashion show. He wasn't clapping like the rest of the audience. He wasn't even smiling. He was just watching me like a predator assessing his prize, his dark, dangerous eyes tracking the movement of my dress, then shifting slowly down to my exposed leg, and finally locking onto my lips. Ang kaniyang mga tabi ay pinaliligiran ng tatlo sa kaniyang mga armadong bodyguards na nakatayo sa dilim, habang sa kabilang tabi niya naman ay nakaupo si Dad—ang aking ama. Ang Gobernador na pilit na nakikipag-usap sa kaniya nang may malalaking ngiti, halatang tuwang-tuwa na pinaunlakan ng mafia boss ang imbitasyon sa show. Nang magtagpo ang mga mata namin ni Vittorio, ang sulok ng kaniyang labi ay dahan-dahang umangat. Isang tamad, mapang-angkin, at pilyong ngisi ang gumuhit sa kaniyang guwapong mukha. Itinaas niya nang bahagya ang kaniyang kanang kamay, ipinapakita ang kaniyang gintong Rolex, bago gumawa ng isang maliit na galaw gamit ang kaniyang dalawang daliri—isang senyas na tila ba sinasabi niyang magkikita kami mamaya sa backstage. F*ck. Ang puso ko ay biglang humampas nang napakalas sa loob ng aking dibdib. Ang buong katawan ko ay binalot ng init sa kabila ng malamig na aircon ng convention center. Naalala ko ang bawat salita niya kanina sa courtyard ng mansyon, ang kaniyang bulong na “Aagawin ko ang lakas mo para murahin ako.” Ang aking pagkamaldita ay muling nag-rebelde. Hinding-hindi ko hahayaang makita niya na naapektuhan ako sa presensya niya. Imbis na umiwas ng tingin o magpakita ng gulat, tiningnan ko si Vittorio nang diretso sa kaniyang mga mata habang nasa dulo ako ng runway. I tilted my head slightly, gave him the most condescending, icy glare I could muster, and purposefully flipped my long blonde hair directly toward his direction. I spun around with absolute perfection, the silver train of my gown creating a dramatic wave in the air, before I marched back to the backstage without giving him even a single backward glance. The moment I stepped past the heavy velvet curtains of the backstage, ang aking matigas at maawtoridad na tindig ay bahagyang gumuho. Napahawak ako sa isang rack ng mga damit, humahabol ang aking hininga habang ang aking mga palad ay nagsisimula nang magpawis ng malamig. "Oh my god, Lindsay! That was historical! Ang ganda ng feedback ng mga judges sa labas!" salubong agad sa akin ni Rico, tinalon-talon pa ako sa tuwa habang hawak ang aking mamahaling robe. "Shut up, Rico," asik ko habang marahas kong hinila ang robe mula sa kaniya at isinuot iyon sa ibabaw ng aking silver gown. "Ayusin mo ang mga gamit ko ngayon na. We are leaving. Ayokong magtagal sa lugar na 'to kahit isang minuto." "Ha? Pero Lindsay babe, may after-party pa kasama ang mga VIP sponsors at ang tatay mo—" "I said, we are leaving!" singhal ko, ang aking barbie-like face ay nagngitngit sa galit habang naglalakad ako patungo sa aking pribadong dressing room. "Wala akong pakialam sa after-party na 'yan! Let them drink by themselves!" Mabilis kong itinalbog ang pinto ng aking dressing room at pumasok sa loob, agad na isinarado ang pinto nang malakas. Humarap ako sa salamin, akma ko nang uubusin ang makeup sa aking mukha gamit ang tissue nang bigla kong mapansin sa repleksyon ng salamin na hindi ako nag-iisa sa loob ng silid. Nakatayo sa madilim na sulok ng aking dressing room, nakasandal sa pader habang ang kaniyang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kaniyang midnight blue suit, ay ang dambuhalang dayuhang iyon. Vittorio. "How the f*ck did you get in here?” pasigaw kong tanong, mabilis akong humarap sa kaniya, ang aking mga kamay ay mahigpit na nakakuyom sa gilid ng aking silk robe. Ang aking puso ay muling nagwala sa takot at sa kakaibang uri ng tensyon. "May mga guards sa labas! This is a restricted area!" Dahan-dahan, inalis ni Vittorio ang pagkakasandal sa pader. Humakbang siya palapit sa akin, bawat yabag ng kaniyang mamahaling sapatos ay tila ba lumalamon sa natitira kong hangin hanggang sa tuluyan niyang marating ang pwesto ko. "My guards own the security company of this building, Lindsay," bulong niya, ang kaniyang banyaga at malalim na boses ay umalingawngaw sa tahimik na silid. Tinitigan niya ako mula sa aking gulo-gulong buhok pababa sa aking silver gown. “At walang sinumang pwedeng humarang sa akin kapag gusto kong makita ang asawa ko." "Fiancée! Hindi mo pa ako asawa, Farinelli!" ganti ko, itinataas ko ang aking baba para salubungin ang kaniyang taas. "At hinding-hindi ako magiging asawa sa isang tulad mo! Umalis ka rito bago ko ipatawag ang media at gumawa ako ng malaking iskandalo na sisira sa pangalan mo!" Vittorio just let out a low, dangerous chuckle. He stepped even closer, until his broad chest was almost touching my face, trapping me between his massive body and the vanity table behind me. He raised his right hand, his long, veiny fingers dahan-dahang hinawakan ang aking panga, pinipilit akong tumingala sa kaniya. "Go ahead, princess. Call the media," hamon niya, ang kaniyang madidilim na mata ay naglalagablab sa isang kakaiba at mapang-angking apoy. “Sabihin mo sa kanila na ang 'Ice Queen' ng runway ay pag-aari na ng isang Farinelli. Sabihin mo sa kanila kung paano ka naging marahas sa kama ko kagabi. I would love to see that on the front page tomorrow." "You... you beast..." bulong ko, ang aking boses ay tuluyan nang nanginginig, hindi dahil sa takot, kundi dahil ang kaniyang hawak sa panga ko ay nagpapadala ng isang nakalulunod na kuryente sa buong katawan ko. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin, sapat para maamoy ko muli ang halo ng kaniyang mamahaling pabango at ang amoy ng kapangyarihan. "You looked breathtaking on that stage, Lindsay," paos niyang bulong, ang kaniyang tingin ay bumaba sa aking mga labi. “But you look even better when you're trapped under me, breaking into pieces. Prepare your things, princess. Dahil sa susunod na linggo... lilipat ka na sa mansion ko. At doon, tatapusin natin ang larong sinimulan mo." ——- Pagkagising ko kinaumagahan, sinalubong ako ng sunod-sunod na panginginig ng iPhone ko sa ibabaw ng nightstand. Halos isang daang missed calls mula kay Rico, limampung text messages, at walang katapusang notifications mula sa Instabram, TokTok, at eks. Tamad kong iniunat ang aking mga braso, marahan kong hinawakan ang aking baywang na medyo may pamilyar na kirot pa rin mula sa nakaraang mga gabi. Umupo ako sa gilid ng aking dambuhalang kama, sumipsip sa mainit na chamomile tea na iniwan ng katulong sa gilid, bago ko tuluyang binuksan ang screen ng phone ko. [TRENDING TOPIC IN THE PHILIPPINES] #CancelLindsayAndrada — 450K Tweets “Sikat na aktres na si Cassandra Gomez, nagwawala sa dressing room matapos i-bully at saktan physically ng international model na si Lindsay Andrada sa backstage ng Metamorphosis Fashion Show!” “Video leak: Cassandra Gomez, lumabas na duguan ang puso at umiiyak mula sa backstage habang si Lindsay ay nakataas ang kilay!” Napakunot ang noo ko, bago ako tuluyang napatawa nang malakas sa loob ng tahimik kong silid. Duguan ang puso? Physically hurt? The hell I care. Ang tanging hinawakan ko lang naman sa babaeng 'yon ay ang kaniyang pulso para pigilan siyang sampalin ako matapos ko siyang sabihan ng katotohanan na mukha siyang unano sa runway. Ngayon, nagpapa-victim ang primadona ng telebisyon. "Hello, Rico?" tamad kong sagot nang sagutin ko ang pang-isang daang tawag ng manager ko. "Oh my god, Lindsay babe! Salamat sa Diyos at gising ka na!" hysterikal na sigaw ni Rico sa kabilang linya, halatang hindi nakatulog buong gabi. “Nasira ang internet, Lindsay! Nagpa-interview si Cassandra sa isang sikat na showbiz talk show! Umiyak siya on national television! Sinasabi niya na tinawag mo siyang 'iskwater,' 'unano,' at 'walang silbing artista.' Binabash ka ng buong bansa ngayon! Ang mga brands na ineendorso mo, tinatawagan na ang agency natin! Ano ang gagawin natin? Maglalabas ba tayo ng public apology statement na ginawa ng PR team?" "Public apology?" Tinaasan ko ng kilay ang dingding ng kwarto ko. "Para saan, Rico? Para sa pagsasabi ng totoo? I don't write fictional scripts, and I certainly do not apologize for having high standards. Hayaan mo silang mag-ingay." "Pero Lindsay, grabe ang mga trolls at haters ngayon! Tinatawag ka nilang 'bully,' 'salbahe,' at 'toxic privileged brat'! Masyadong apektado ang image mo!" "Apektado?" Umangat ang isang sulok ng labi ko, ang aking barbie-like face ay nagpakita ng matinding pang-uuyam. "As if it affects me. Ang opinyon ng mga taong walang pambili ng haute couture ay hindi kailanman makababawas sa laman ng bank account ko. Panoorin mo ako, Rico. Maglalaro tayo ngayong umaga." Ipinatong ko ang tasa ng tsaa. Imbis na magtago sa ilalim ng kumot o umiyak tulad ng ginagawa ng mga mahihinang artista kapag na-cancel, dahan-dahan akong tumayo. Naglakad ako patungo sa aking dambuhalang walk-in closet. Kumuha ako ng isang simpleng puting silk robe mula sa Victoria’s Secret, hinayaan kong bumagsak ang aking mahabang buhok nang natural, at hindi man lang ako nag-abalang maglagay ng kahit isang patak ng makeup. my skin was glowing, my lips were naturally pink, and my features were too perfect to need any filter. Umupo ako sa tapat ng aking malawak na vanity mirror. Ipinatong ko ang aking iPhone sa isang tripod, binuksan ang Instabram app, at pinindot ang "GO LIVE." Hindi pa lumilipas ang isang minuto, ang viewers ng live ko ay biglang sumabog—mula sa limang libo, naging limampung libo, hanggang sa umabot sa mahigit dalawang daang libong tao ang sabay-sabay na nanonood. Ang comment section ay naging isang mabilis na baha ng galit, mura, at mga emojis ng ahas at tae. @chismis_crew: Akala mo kung sinong maganda, retokada naman! Plastic! Cancelled ka na, b*tch! @marites_unite: Bakit hindi ka humingi ng tawad kay Cassandra?! Napakayabang mo porket anak ka ng Gobernador! Nakasandal lang ako sa aking marangyang silya, hawak ang aking tasa ng tsaa, habang pinapanood ang mabilis na pag-akyat ng mga comments gamit ang aking malamig at walang pakialam na mga mata. Isang banayad at nakatutuwang ngisi ang sumilay sa aking mga labi. Chill lang ako. Mas mukha pa akong presko kaysa sa mga taong nagpapakapagod mag-type ng galit sa mga keyboard nila. "Good morning, everyone," bati ko, ang boses ko ay kalmado, swabe, at may tonong tila ba nakikipag-usap lang ako sa mga alagang aso. "I see the internet is very busy today. At dahil marami kayong libreng oras para mag-ingay sa profile ko, let's do a little Q&A at babasahin natin ang mga nakatutuwang kathang-isip ninyo." Ipinatong ko ang tasa at inilapit ang mukha ko sa camera. Ang aking flawless, bare face ay direktang nakatutok sa screen, ipinapakita sa kanila na walang kahit isang pores o taba ang mukha ko kahit walang makeup. "Let's start with this one," panimula ko, binasa ko ang isang comment mula sa isang verified troll account. "'Lindsay, ang kapal ng mukha mong itaboy si Cassandra sa backstage. Akala mo ba ikaw ang may-ari ng fashion show?'" Bahagya akong natawa, ang tunog ng tawa ko ay puno ng klase at pang-uuyam. “Well, dear... technically, ang tatay ko ang isa sa mga major shareholders ng convention center na 'yon. At ang designer na nag-imbita sa akin? Siya ang nagmakaawa sa agency ko para lang isuot ko ang closing gown niya. So, sa madaling salita? Yes, I practically owned that space last night. Kung hindi niyo alam kung paano tumatakbo ang high-society fashion, mas mabuting bumalik na lang kayo sa panonood ng mga low-tier drama sa TV ninyo." Ang comment section ay mas lalong nagwala. Ang mga bashers ay tila ba nasampal sa mukha sa unang banat ko pa lang. Weaklings!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD