Chapter 5

2103 Words
Kinabukasan, masakit pa rin ang katawan ko. Tuwing hahakbang ako, may pamilyar na kurot sa ibaba ko na nagpapaalala sa akin sa Italyanong 'yon na nakuha niya ang p********e ko. But as usual, wala akong pakialam. Uminom ako ng dalawang tableta ng painkiller, nagsuot ng pinakamalaki kong Versace shades, at nagpahatid sa Grand Convention Center para sa pinakamalaking fashion event of the season. Ang Metamorphosis Haute Couture Show. Pumasok ako sa backstage ng dressing hall nang may mataas na noo. Agad na nagtabihan ang mga local models, makeup artists, at wardrobe assistants. Naririnig ko ang bulungan nila, pero sanay na ako. I am the main event. Ako ang closing model ng gabi, wearing the legendary diamond-encrusted gown ng banyagang designer. Pabagsak akong umupo sa aking nakalaang silya sa tapat ng salamin nang biglang mapuno ng malalakas na boses ang kabilang dulo ng backstage. "I said, I don't want this cheap-ass local foundation! Mukha akong dugyot! Palitan niyo 'to ng Chanel o Dior! Bingi ba kayo?” Tinaasan ko ng isang kilay ang salamin. Isang babaeng nakasuot ng bathrobe ang nakatayo roon, pinapalo ang lamesa habang pinapaiyak ang isang junior makeup artist. It was Cassandra Gomez, ang bagong recruit ng agency ko. Sikat siyang aktres sa telebisyon, kilalang primadona, maldita, at ngayon ay pinapasok ang mundo ng high-fashion modeling. At kung umasta siya rito sa backstage, akala mo siya ang may-ari ng buong convention center. Bida-bida at paepal, na akala mo ay sobrang importante. "Look at them," rinig kong bulong ni Cassandra sa kaniyang assistant habang nakatingin sa mga kasama naming models na nag-e-ensayo ng lakad. “Ang kukurba ng katawan, parang mga sumasayaw sa fiesta. Ang itim pa ng tuhod ng isang 'yan. Paano nakapasok sa runway ang mga ganyang mukha? Masyadong cheap." I just leaned back on my chair, watching her from the reflection of my mirror. Inirapan ko ang mga modelong pinapintasan niya sa isip ko. Well... sa totoo lang, hindi naman ako magpapaka-ipokrita. May punto naman ang babaeng 'to kahit papaano. Karamihan sa mga kasama namin ngayong gabi ay kulang sa height, kulang sa anggulo, at kulang sa X-factor. I didn't care about her insults because honestly? I was the only one who looked perfect in this room anyway. My barbie-like face, flawless sun-kissed skin, and long, structured legs were unmatched. Hanggang sa mapadako ang tingin ni Cassandra sa gawi ko. Nang makita niya ako, tila ba nagningning ang mga mata niya sa inggit at hamon. Siya ang reyna ng telebisyon, at alam kong hindi niya matanggap na kapag usaping high-fashion, ako ang nag-iisang reyna na sinasamba ng lahat. "Cassandra, huwag si Lindsay... sikat 'yan, anak pa ng Gobernador," marahan at natatarantang bulong ng kaniyang manager, hinahawakan ang braso niya para pigilan siya. "Bakit ako matatakot?" malakas at mayabang na sagot ni Cassandra, marahas nitong iwinaksi ang kamay ng kaniyang manager. “Anak lang siya ng Gobernador, pero ako? Ako ang pinakasikat na aktres sa bansa ngayon. Maganda lang siya sa picture." Dala ng kaniyang nag-uumapaw na kayabangan, nagmartsa siya patungo sa pwesto ko. Ang kaniyang assistant at manager ay halos magkandaugaga sa pagsunod sa kaniya, mukhang alam nilang papunta sa malaking gulo ang alaga nila. Huminto si Cassandra sa mismong gilid ng upuan ko. Krus ang kaniyang mga braso, tinaasan niya ako ng kilay habang nanunuot ang tingin sa champagne silk robe ko. "So, you are the famous Lindsay Andrada," panimula niya, ang boses niya ay malakas, sapat para patahimikin ang buong backstage. Lahat ng tao ay napatingin sa amin. “In fairness, maganda ka naman pala sa malapitan. Pero parang masyado namang hyped up 'yang ganda mo. At balita ko, mapili ka raw sa outfit? Sobrang bratty mo raw sa set. At ang balat mo... parang medyo tuyot ngayon. Puyat ka ba? O baka naman unti-unti nang kumukupas ang 'Ice Queen' ng runway?" Nanatili akong nakaupo, hindi gumagalaw, nakatingin lang sa kaniya sa pamamagitan ng salamin. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan na nagpapakaba sa kaniyang manager, dahan-dahan kong inalis ang aking Versace shades. Sinalubong ko ang kaniyang tingin. At doon, dahan-dahan akong tumayo. I am five-foot-ten. At dahil nakasuot ako ng aking runway heels na may taas na limang pulgada, tuluyan ko siyang dinaig sa taas. I towered over her completely. Si Cassandra, na nasa five-foot-four lang ang height, ay biglang napilitang tumingala nang malaki para lang matitigan ang mukha ko. Ang kaniyang mayabang na tindig kanina ay biglang lumubog sa ilalim ng malakas kong presensya. Tiningnan ko siya pababa, mula sa kaniyang makapal na makeup, sa kaniyang maikling leeg, hanggang sa kaniyang mga paa. Isang malamig, nakatutuyo, at mapang-uyam na ngisi ang gumuhit sa aking barbie-like face. "You know, Cassandra... nakatutuwa ka," panimula ko, ang boses ko ay banayad ngunit bawat salita ay may talas na kayang bumasag ng bungo. "Sino ang nagbiro sa 'yo na pwede kang maging runway model ngayong gabi? Ang manager mo ba? O ang mga bulag mong fans?" “What did you say?" asik niya, namumula ang mukha dahil sa biglang pagliit ng kaniyang kompyansa. "I said, you are too short to be standing in front of me, let alone walk on the same runway as I do," ganti ko, itinataas ko ang aking baba para mas lalo niyang maramdaman ang distansya ng height namin. “Ang telebisyon ay para sa mga taong pwedeng dayain ng anggulo ng camera. Pero ang runway? This is for structural masterpieces. Ang tangkad mo, pang-commercial lang ng sabong panlaba, dear. Mukha kang unano na naligaw sa backstage ng mga higante." "Lindsay! Sikat na artista si Cassandra, huwag mo siyang ganyanin!" saway ng manager ni Cassandra, pilit na sumisingit para ipagtanggol ang kaniyang alaga. "At sino ka para sumabat sa usapan ng may-ari ng agency na nagpapasahod sa inyo?" Isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa manager na agad nitong ikinatikom ng bibig. Humarap ako muli kay Cassandra, na ngayon ay nanginginig na ang panga sa matinding galit at kahihiyan. "Akala mo kung sino kang perpekto, Lindsay! Artista ako! Pinipilahan ang mga pelikula ko! Ikaw? Naglalakad ka lang naman sa harap ng mga tao na parang walang utak!" sigaw ni Cassandra, pilit na ibinabalik ang kaniyang natitirang pride sa harap ng mga nakatutok na mata ng mga staff. "Yes, naglalakad ako. Pero bawat hakbang ko, milyun-milyon ang halaga," tawa ko nang marahan—isang nakatutuyong tawa na nagpatindig ng balahibo ng lahat. "Ikaw? Kahit umiyak ka ng dugo sa harap ng camera sa mga teleserye mo, hinding-hindi mo mararating ang international status na mayroon ako. Look at your legs, Cassandra. Masyadong maikli. Ang proportions ng katawan mo, walang high-fashion designer ang gaganahing bihisan ka. You look like a low-budget catalog model na pinilit lang isingit sa show na 'to para sa clout." “You... you b*tch!" akma niya akong sasampalin, pero bago pa man dapo ang kamay niya, hinawakan ko ang kaniyang pulso gamit ang mabilis at mahigpit kong kamay. Namilog ang mga mata niya sa gulat. Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang kamay sa ilalim ng hawak ko. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya, ang boses ko ay naging isang malamig na bulong na tila ba galing sa impiyerno. "Huwag mo akong masubukan, Cassandra. Ang kamalditahan mo, pang-iskwater ang level. Walang class. Kung akala mo ay mapatatahimik mo ako tulad ng ginagawa mo sa mga junior staff dito, nagkakamali ka. I can make one phone call to the executive director of this fashion week, and you will be kicked out of this show before you can even put your shoes on. Sisiguraduhin kong babasagin ko ang career mo bago ka pa man makabalik sa studio mo sa telebisyon." Marahas kong binitawan ang kaniyang pulso, dahilan para mapaatras siya nang bahagya at halos mawalan ng balanse. Ang kaniyang mga mata ay biglang nangilid ang luha ng matinding frustrasyon at kahihiyan. Ang lahat ng mga modelong pinintasan niya kanina sa backstage ay lihim na nagtatawanan at nagbubulungan ngayon habang nakatingin sa kaniya. "Mag-ayos ka ng mukha mo," huling biro ko habang muli kong isinuot ang aking Versace shades. "Masyadong halata ang concealer mo sa ilalim ng mata, lalong lumilitaw ang wrinkles mo kapag nagagalit ka. Mukha kang matandang bida-bida na sinusumpong." Hindi na nakasagot si Cassandra. Tuluyan nang bumagsak ang kaniyang luha, sinisira ang kaniyang bagong gawang makeup. Mabilis siyang tumalikod at patakbong nagtago sa kaniyang sariling dressing room, kasunod ang kaniyang nag-aalalang manager at assistant. I turned back to my mirror, sitting down gracefully as if nothing happened. Inayos ni Jojo ang buhok ko nang may nanginginig na mga kamay, halatang takot na takot na baka siya naman ang sunod kong mabusisi. "Brilliant performance, Lindsay babe," bulong sa akin ni Rico na kapapasok lang din, may dalang baso ng iced coffee. "Narinig ko ang lahat sa labas. Iyan ang tunay na reyna." Inirapan ko si Rico sa salamin at sumip sa kape ko. "She’s dynamic on TV, pero sa runway? She's just a dwarf trying to wear a crown that's too heavy for her short neck. Next time, make sure my path is cleared of these low-tier celebrities, Rico. I don't like wasting my breath on trash." Habang pinapanood ko ang sarili ko sa salamin, naramdaman ko muli ang kaunting kirot sa aking hita mula sa gabi namin ni Vittorio. Napangiti ako nang bahagya sa ilalim ng aking shades. Kung gaano kadaling basagin ang mga ahas tulad ni Cassandra, mas lalo tuloy akong nasasabik sa kung anong mangyayari kapag muli kong nakaharap ang dambuhalang dayuhang 'yon. Siya lang ang tanging nakapagpapakaba sa akin, pero sisiguraduhin kong sa susunod na magkita kami... ako pa rin ang magwawagi sa larong ito. Nang magsimula ang mismong runway show, naging mistulang libingan ang katahimikan sa backstage. Si Cassandra ay hindi na lumabas ng kaniyang dressing room hanggang sa matapos ang kaniyang slot, at balita ko mula kay Rico, halos ubusin nito ang isang kahon ng tissue sa pag-iyak dahil sa matinding kahihiyang inabot sa akin. Serves her right. Queen of the small screen, but a literal dwarf in my kingdom, isip ko habang pinaliligiran ako ng apat na wardrobe assistants para isuot ang gabi-gabing obra maestra ng designer. It was a structural, diamond-encrusted silver gown na may plunging neckline hanggang sa aking pusod at isang mapanganib na slit sa kanang hita na umaabot hanggang sa aking baywang. Bawat hakbang ko, ramdam ko ang bigat ng mga tunay na dyamanteng nakatahi sa tela—at siyempre, ramdam ko pa rin ang bawat piraso ng kirot na iniwan ni Vittorio sa pagitan ng mga hita ko. Umepekto na ang painkiller, pero ang pamilyar na panginginig ng mga kalamnan ko ay naroon pa rin bilang patunay ng kaniyang kalupitan kagabi. "Five minutes, Lindsay! Ikaw na ang magsasara ng show!" sigaw ng stage manager mula sa pinto. Humarap ako sa malaking salamin sa huling pagkakataon. Tiningnan ko ang aking barbie-like face na nabalutan ng haute couture makeup. Matalim ang mga mata, perpekto ang pagkaka-contour, at ang aking mga labi ay may kulay-gatas na nude lipstick na lalong nagpalitaw sa aking natural na pout. Inayos ko ang aking tindig, naramdaman ko ang lamig ng silver chain sa aking balat, at humakbang ako patungo sa entrance ng runway nang may buong karangyaan. Nang tumunog ang mabigat at baha-bahang bass ng musika para sa grand finale, unt-unting bumukas ang naglalakihang LED screen sa entablado. I stepped onto the runway. Ang unang hakbang ko pa lang ay sinalubong agad ng sunod-sunod na pagkislap ng mga flash ng camera mula sa mga international press at local media. Ang buong auditorium, na napupuno ng mga bilyonaryo, mga sikat na personalidad, at mga fashion critics, ay biglang natahimik bago napuno ng malalakas na bulungan ng pagkamangha. I walked with perfect grace. Ang aking limang pulgadang takong ay tila ba hindi man lang sumasayad sa sahig sa sobrang swabe ng aking pag-usad. Bawat pag-ikot ng aking balakang, ang mga diamonds sa aking gown ay kumikinang na parang mga bituin sa madilim na gabi. I kept my face cold, my eyes sharp, and my chin tilted upward—the absolute epitome of the 'Ice Queen.' I owned the room. Nobody could take their eyes off me. Nakarating ako sa dulo ng runway, sa tapat ng pangunahing kumpol ng mga photographer. I paused, placed my right hand on my hip, and posed, fully exposing my long, flawless leg through the high slit of my gown. Ang mga camera ay tila ba nagwala sa sunod-sunod na pag-click. Ngunit bago ko pa man tuluyang iikot ang aking katawan para bumalik sa backstage, may isang bagay, o mas tamang sabihin, isang presensya ang humila sa aking atensyon mula sa madilim na bahagi ng VIP front row.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD