Kabanata 1

1259 Words
“Alana! Thank you sa muling pagbubuhat sa amin ngayong midterms. The best ka talaga! Ano bang gusto mo ha? Libre ko na lahat,” wika ni Shienel. “Oo nga. Mabuti pala at hindi ako natulog kanina. Kahit papaano ay may natutunan ako sa lessons kahit last minute na lang ay exam na. Mas okay pa talaga na si Alana ang maging professor kaysa sa masungit na mukhang poodle na iyon,” sabi ni Tamara. Bumungisngis kami ni Eva dahil sa sinabi nila. Lumingkis ito sa akin at nagsimula ring maglambing. “Alana, thank you talaga ha? Sobrang tiyaga mo magturo sa amin. Please know that we appreciate your efforts to help us,” saad ni Eva. These three are my college friends. Of course, I will do everything in order to help them pass the subjects. Ayokong may mauna o maiwan sa amin. Gusto ko, lahat kami ay sabay-sabay na magtatapos on time. Kaya naman kahit minsan ay feeling ko walang nangyayari sa mga group study naming apat ay sinisikap ko pa rin na i-motivate sila para hindi na sila tamarin. Minsan kasi ay nahahawa ako kapag tatlo na silang nawawala sa focus. Mabuti na lang talaga at napakiusapan ko ulit sila ngayong midterms. Sana lang talaga ay ma-maintain nila iyon hanggang sa finals. “Labas naman tayo! Sa bar ulit! Eva, isama mo na lang ulit si Kuya Adam para payagan ka ha?” aya ni Shienel. “Ikaw, Alana, magpaalam ka na rin. Sabihin mo kasama natin si Eva pati ang kuya niya para payagan ka na kaagad. Huwag kang mag-alala. Sagot na ni Shienel at Eva ang lahat ng gusto mo,” nakangising sabi ni Tamara. Kaagad siyang binatukan ni Shienel while Eva laughed with me. “Aba, nagtuturo ka na naman. Usapan natin hati-hati tayo lagi sa gastos kapag tungkol kay Alana ‘di ba? Ginugulangan mo na naman kami eh,” naiiling na wika ni Shienel. “Nagpapakilala ka na naman, Shienel! Kayo na muna ni Eva kasi wala akong extrang pera. Binigay ko sa kapatid ko yung sobra kasi may project daw. Tutal ikaw naman ang nag-suggest na lumabas edi sagutin niyo na kami ni Alana. Heto, walang awa eh…” sambit ni Tammy. “Oo na. Oo na!” Itinaas ni Shienel ang kanyang dalawang braso senyales ng pagsuko kay Tammy. Hindi ko napigilang lingunin si Eva nang mapansin na medyo natahimik ito at nakatitig sa kanyang phone. Mahina kong binangga ang braso niya. “Anong sabi ng kuya mo? Pumayag ba?” kuryosong tanong ko. Alanganin itong ngumiti at tumango. “Oo, siyempre sasama na naman ulit ‘yon. Limited na naman ang kilos ko pagdating natin doon,” she said. Nang makumpirma ko sa kanya na kasama siya at maging ang kapatid niya ay saka ako tumawag kay Mommy upang magpaalam. Medyo kampante naman ako na papayagan nila ako dahil nga may kasama naman kaming adult. Saka alam naman namin ang limit namin at sisiguraduhin ko namang hindi ako sasagad dahil mabilis akong malasing. “Alana? How’s your exam?” bungad ni Mommy. “Maayos naman po. We are confident that we will pass our exams,” balita ko rito. She chuckled lightly. “As expected of you. Mabuti rin kung ganoon para sa mga kaibigan mo. Anyways, napatawag ka? Mahuhuli ka ba ng uwi? I know you and your friends will celebrate about it…” Napatawa na lang ako dahil alam na nga talaga niya. Mabuti nga at naging maluwag sila sa akin pagdating sa mga ganitong bagay. Noon kasing hindi ko pa nagiging kaibigan sila Shienel ay halos school at bahay lang talaga ang napupuntahan ko. Ni hindi ako makapunta sa kung saan ko gusto dahil bantay sarado ako ng driver ko. Atleast ngayon, hinahayaan na nila akong mag-enjoy at makabawi sa ilang linggong stress ko sa pag-aaral. “Well, Mom, yes, I will come home late pero ipapaalam ko po kung saan kami. Is it okay if we celebrate in a bar? Kasama naman po si Eva pati ang kuya niya. Remember the last time? Kasama rin po namin sila at wala naman pong hindi magandang nangyari sa amin,” kinakabahan kong sabi. Hindi naman masyadong halata na gusto kong sumama kila Eva dahil ang dami ko na kaagad sinabi kay Mommy upang payagan ako at hindi na pahirapan pa. “Alright. Ako na ang bahala sa Daddy mo. Just call our driver to fetch you, okay?” malumanay na sabi nito. Malalaki ang ngiti ko pagkababa ng tawag. Mukhang napansin din iyon nila Shienel at Tammy kaya naman excited silang napayakap sa akin. Sama-sama kaming naglakad papunta sa parking lot. Doon ay nakita ko na kaagad ang sasakyan namin na naghihintay. Bahagyang humiwalay sa amin si Shienel at pinuntahan ang sundo niya upang sabihin na umuwi na lang dahil sa akin naman sila sasabay. We actually planned to eat first bago uminom sa bar. Tutal naman ay maaga pa kaya’t magpapalipas na muna kami ng oras sa restaurant. Naunang pumasok sila Tammy at Eva sa sasakyan. Ilang sandali lang din ay sumunod na si Shienel sa amin. “Sagot niyo na rin itong pagkain namin ni Alana ha? Bawi na lang ako sa inyo kapag mayaman na ako,” sabi ni Tammy. Napatawa kaming lahat sa kanya. “Oo ba. Basta tig-isang house and lot lang naman kami kapag dumating na ang panahon na iyon,” sagot ni Shienel sa kanya. Sumimangot si Tammy. Nagkatinginan kami ni Eva at ramdam ko na kaagad ang pagsisimula nilang mag-asaran. Sila talaga ang mala-aso’t pusa sa aming apat. Kami naman ni Eva ang mas malapit. Siguro dahil madalas kaming nagkakasundo sa katahimikan. Silence with her wasn’t awkward. Hindi rin naman kasi namin masyadong masabayan minsan ang pagiging hyper ng dalawa kaya mas nagkasundo kami ni Eva. Pagkarating sa restaurant ay kanya-kanyang order kami ng pagkain. Lahat kami ay gutom dahil talagang nagamit at natuyo ang utak namin sa mahabang exams para sa araw na ito. Hindi ko alam pero parang sinadya kasi ng mga professors namin na pagsabay-sabayin ang lahat ng exams sa bawat subject ngayong araw. Ako nga na subsob sa pag-aaral ay nakaramdam ng hirap at pagod, paano pa kaya ang mga kaibigan ko? Kaya hindi na nakakapagtaka na wala kaming pansinan ngayon habang kumakain. Nang matapos kami ay nagpahinga na muna kami sa table namin. “Nasaan na si Kuya Adam, Eva?” tanong ko rito. Mas kampante rin kasi talaga ako kapag kasama namin ang kuya niya. Puro pa naman kami mga babae tapos pupunta kami sa bar. Mas mabuting may bantay kami just in case that something bad happened. “Uhm, doon na raw siya didiretso sa bar. Galing pa kasi ‘yon ng consultation sa ilang projects na handle niya rito sa Abra,” malumanay na sagot nito. Tumango ako. Ilang oras din kaming nag-stay roon. Nakailang order pa nga kami ng desserts para hindi nakakahiya na nakikitambay na lang kami habang nagpapalipas ng oras. Nagpaalam ako sa kanila para magtungo sa banyo ngunit pagkapasok na pagkapasok ko ay nabigla ako nang makita ang isang malapad na likod ng lalaki. Napatigil siya sa kung anong ginagawa at humarap sa akin. Malinaw kong nakita ang isang babae na halos nakatanggal na ang mga naunang butones habang nakasandal sa pader. Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nakita kong bumitiw ang lalaki sa babae at nag-ayos. Pinagpag niya ang kanyang damit saka humarap at ngumisi sa akin. “Sorry, miss. Emergency lang. Nakita ko kasi siyang nahihirapan huminga. Binigyan ko lang ng hangin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD