Chapter 11

1312 Words
Chapter 11 Nakakailang katok na ang lalaking nasa kabilang kwarto sa kwarto ni Jane. At wala siya sa mood na pagbuksan ito. Hindi na siya nagtataka kung bakit sinumpa siyang maging Mannequin kasi ang mga taong nakapaligid sa kaniya ay kasing ugali niya rin. Lalong-lalo na itong lalaki na ito. Sino raw ba ang magnanais na magsex sa ganito kaagang araw? “Hey, bubuksan mo ba ito or I'll break this door, huh?” he's now sounds piss off. She rolled her eyes and step onto the door at binuksan ang pintuan. Bumulaga sa kaniya ang gwapong mukha ni Dwayne Ynarez. “Hi, Miss beautiful?” is he trying to flirt with her? Mukha naman. The way he wink at her, mukhang gusto pa niya ng round two sa nangyari niyang laban kanina. Pero, hindi nagpatinag si Jane. She stood still and didn't fall sa gwapong karismang taglay ni Dwayne. “How can i help you, mister?” “Dwayne. Dwayne Ynarez, best friend of Jackson Dela Vega.” pagpapakilala pa niya sabay abot ng kaniyang kamaysa harapan ni Jane pero tinitigan lang ito ni Jane at hindi siya nakipagkamay rito, inisip kaagad niya na baka sa kung anong parte ng katawan ng babae niya ito pinaghahawak. Naiisip palang niya, nasusuka na siya. “Oh, i see? So, ano ngang maitutulong ko sa iyo?” Jane asked again. “So, bumalik na pala ang nawawala kong bestfriend? Nasaan siya?” biglang pumasok sa loob ng kwarto si Dwayne at nasapo ni Jane ang ulo niya kasi di niya ito napigilan. Tumingin siya sa bawat sulok ng kwarto ngunit di niya nakita si Jackson. Tanging sa Mannequin lang siya nito nakatitigng husto at nacurious. “What is this?” Dwayne asked curiously. “Are you blind? That's Mannequin.” sarkastikong sagot nito sa lalaki. “I know, pero bakit kamukha ni Jackson? Kasing tangkad niya rin at kasing taste niya ng fashion?” kinabahan si Jane sa mga pagsisiyasat ni Dwayne ng minutong iyon. Wala siyang masabi, bestfriend nga talaga ito ni Jackson. “I'm a huge fan of Jackson bago ako naglakas loob na mag-apply bilang personal stylist niya, okay na ba?” saka siya tumalikod at saglit na huminga ng malalim. “Ah, so you're an obsessed fan? Na ginawan mo talaga siya ng Mannequin na kamukha niya?” ngising sabi pa ni Dwayne. Kumunot ang noo ni Jane sa narinig at halos masuka siya sa mga pinagsasabi nito. “Hehe, ganoon na nga. Anyway, baka mamayang gabi pa makabalik si Jackson kasi may pinuntahan siyang kaibigan raw?” “Oh, i see baka dadalawin niya si Heidi? I heard na kababalik lang din nito last week, i haven't seen her for almost 3 years?” nagtataka naman si Jane sa mga sinasabi ng kaibigan ni Jackson. Sino ba ang babaeng binabanggit nito at bakit parang may iba siyang nararamdaman sa babaeng iyon? Napansin ni Dwayne na tila para bang naguguluhan si Jane sa mga sinasabi niya. “Oh, you don't know her? He's the ex girlfriend of Jackson. When i say the Ex, it means she's the only girl that turned his life upside-down.” saka siya muling kinindatan nito. Tumango lang si Jane. So, nainlove din pala ang isang Jackson Dela Vega? “Your name again?” Dwayne suddenly asked. “Jane.” “Okay, let's have breakfast together Jane.” “Nah, I'm good.” she refused his offer. “Seriously? You refuse my offer?” “Bakit? Nasira ba nito ang ego mo, Mister Ynarez?” sabi ni Jane saka niya tinulak palabas ng kwarto si Dwayne. “It's nice meeting you, Dwayne. Bye!” Then she locked the door and she lean on it at saka huminga ng malalim saka muling napatingin sa Mannequin ni Jackson. “Heidi pala, ah?” she whispered. … “So, the who si Heidi?” Tanong ni Jane pagkatapos na magpalit anyo ni Jack at naging tao muli ng gabing iyon. “Sorry, i have to go.” sagot ni Jackson saka niya iniwan si Jane ng minutong iyon. Literal na nanlaki ang mga mata ni Jane sa inasal ni Jackson. Ni hindi man lang nito sinagot ang kaniyang tanong at umalis kaagad? Hinala niya ay pupuntahan nito ang Ex girlfriend niya. Nang biglang sumulpot si Dwayne. “Damn, kadarating niya lang umalis kaagad? Ni hindi ko man lang siya naramdaman na dumating. Where did he came from?” sabi ng makulit na kaibigan ni Jackson. “Nakahanda na ba ang Dinner? Nagugutom na ako.” sabi ni Jane saka niya ito dinaanan at binunggo pa ang braso nito at natawa nalang si Dwayne sa inasal ni Jane sa kaniya habang napailing ang kaniyang ulo. Sa kusina muling nadatnan ni Dwayne si Jane na kumakain mag-isa. Halata sa kilos nito ang pagkagutom, ni hindi nga niya napansin na nasa tabi na niya si Dwyane na tinitignan siyang kumakain habang umiinom ng yoghurt drink na may straw. “Gutom ako, bakit ba?” halos walang poise kung kumain si Jane sa harap ni Dwayne at wala siyang pakialam kung anong sasabihin nito. “Nagseselos ka ba?” nabilaukan si Jane sa narinig niya mula kay Dwayne at Dali-dali namang inabutan ng basong may tubig si Jane ng minutong iyon saka niya ito nilagok ng mabilis. “Okay ka lang?” he sounds concern and worried at the same time. Tinignan siya nito ng masama at umiwas siya ng bahagya. “Okay, mukhang di ka okay.” sabi ni Dwayne na pinipigilang matawa ng minutong iyon. Hanggang sa sumagot si Jane at napalingon si Dwayne sa kaniya. “Ano bang nangyari?” tanong nito saka naman napangiti si Dwayne at muling tumabi sa kaniya at saka siya nagkwento. Five years ago, nakilala ni Jackson si Heidi sa isang Bar. Kasama niya ang kaniyang mga kaibigan at nandoon sila to celebrate the birthday of one of his friends, tapos napansin ni Dwayne na nakatingin si Heidi kay Jackson at kinuha niya ang atensyon ng kaibigan at napatingin siya rito tapos bigla itong tumayo at lumapit sa grupo nila Heidi. Pinakilala niya ang kaniyang sarili at hindi akalain ng kabilang grupo na isang sikat na Model ang makakasama nila ng gabing iyon. Tahimik lang si Heidi at hindi pinakita na may interest ito kay Jackson. Hanggang sa nalasing si Heidi at ganoon din ang mga kaibigan niyang mga babae. Sinabi ni Jackson na siya na ang bahala kay Heidi. He was persistent that night na makuha ang dalaga at di nga siya nagdalawang isip. He went to the nearest Motel at doon niya ito dinala. He went to the bathroom to take a shower at nanlumabas siya napasigaw ng husto si Heidi kasi wala itong saplot ng lumabas. Umiyak ng umiyak nang husto si Heidi na halos hindi na niya mapigilan ang dalaga. Natataranta na siya Hanggang sa niyakap niya ito at maya-maya ay tumigil na ito sa pag-iyak at doon na nakahinga ng maluwag si Jackson. Mula noon, nagdesisyon na si Jackson na ligawan si Heidi kaso palagi siyang binabasted nito. Magmula kasi ng gabing iyon ay umiiwas na ang dalaga sa kaniya. Lahat ng mga bagay na binibigay niya ay hindi nito tinatanggap. Nachallenge naman si Jackson sa inaasal ng babae. Wala pa kasing babaeng nakakagawa sa kaniya ng ganoon. Siya kasi iyong tipo ng tao na kapag may gusto nakukuha niya pero di yon nangyari kay Heidi kasi pinahihirapan talaga siya nito at marami siyang natutunan habang nililigawan niya ito nang halos anim na buwan. Hanggang sa isang gabi. Lumabas silang dalawa, doon na sana sasabihin ni Jackson na ititigil na niya ang panliligaw niya kasi nahihirapan na siya at mukhang wala namang patutunguhan ang mga efforts na ginagawa niya hanggang sa bigla siyang hinalikan nito na kinagulat ng binata at nang gabing iyon, sinagot na rin ni Heidi si Jackson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD