Chapter 10
“Napakagago mo naman kasi! Bakit mo sinapak iyong tao? Kahit din naman ako, magagalit sa iyo kung iyong mukha ko lang ang puhunan ko para tumagal sa industriyang ito.” kanina pa sinisermunan ni Jane si Jackson at halos marindi na ang tenga nito sa mga sinasabi ng dalaga.
“You really want to know?” he asked as he raised his left eyebrow.
“Of course! Damay na ako sa mga kalokohan mo. Pinagtakpan na kita, ibig sabihin person of interest na rin ako sa kaso mo!” napangisi nalang si Jackson kasi kilala niya si Maximillian at dahil nga sa hayok ito sa atensyon, alam niyang gagawin at gagawin ito ng binata laban sa kaniya.
“Anong nakakatawa?” may inis sa tono ng boses ni Jane at halatang di siya natutuwa sa mga nangyayari.
“Okay, I'm sorry. I shouldn't laughed about it. But, you're right. He's going to find me here. Baka nga mamaya nandito na ulit iyon, with his body guard.” Chill lang na sabi ni Jackson na kinataka naman ni Jane.
“At parang chill ka lang?”
“Yeah.”
“Because?”
“I already had a plan about it.”
“Ahhh, so may plano ka? Eh putang-ina mo pala! Bakit di mo sinasabi sa akin?”parang sinapian ng kung sinong masamang espiritu si Jane ng minutong iyon at nanggigil nang husto kay Jackson.
“Chill ka lang, okay? We're going to Siquijor.”
“S-saan? Siquijor?” pag-uulit pa ni Jane.
“You heard me right?”
“Bakit doon?”
“I have place there, and maybe it's time for me to face her para matapos na ang lahat ng ito.” now he sounds serious.
“O-okay.” tipid na tugon ni Jane.
“Okay lang?” pagtataka ni Jackson.
“Anong gusto mong sabihin ko? Yehey! Pupunta tayo ng Siquijor! Magbabakasyon tayo, yehey! Ganoon?” umarte pang masaya si Jane. At natatawa nalang si Jackson sa inasal ng dalaga.
“You're unbelievable!” pailing na sabi nito.
“So, pupunta talaga tayo sa Siquijor? Paano?” she asked.
“I have ways,” he said then he wink at her.
…
“Puta! May sarili kang Airplane?” Halos lumuwa ang mga mata ni Jane sa kaniyang nakikita. Nasa Isang airport sila at nakahanda nang magtake off ano mang minuto ang eroplano.
“Perks of being a Dela Vega. So, tara na?” kaswal na sabi nito kay Jane. Nang oras na rin na iyon ay umalis na sila papuntang Siquijor.
Hindi na namalayan ni Jane na sumapit na ang panibagong araw dahil sa nakatulog siya sa biyahe. Takot kasi siya sa mga matataas na lugar, tapos malapit pa siya sa may bintana pinaupo ni Jackson kaya nakatulog ito. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata, isa nang Mannequin ang katabi niya at kaagad siyang nataranta.
Pumasok na ang isang staff para sabihan sila na ready na silang bumaba. Niyakapng husto ni Jane ang Mannequin ni Jackson at sinabi nito na bababa na sila. Nang makaalis na ang babae ay doon lang nakahinga si Jane. Tinanong ng staff kung nasaan si Jackson nagdahilan nalang si Jane na nasa lavatory masakit nag tiyan habang bitbit niya ang Mannequin ni Jackson. Nagtataka naman ang isang babae ss bitbit niya, alam kasi niyang wala silang dalang Mannequin ng nagtake off sila. Pero binalewala niya lang ito.
Tapos, may humintong kotse kay Jane ng minutong iyon. Isang Limousine. Ngayon lang siya nakakita ng ganoon kaganda at kagarang sasakyan sa tanang buhay niya kaya di niya maiwasang hindi mamangha. Lumabas ang isang lalaking nagpakilalang Leon, siya raw ang butler ni Sir. Jackson at hinahanap niya kung nasaan ito. Nagdahilan nalang si Jane at sinabi na susunod nalang raw siya mamayang gabi, dahil mayroong lang raw siyang kaibigan na dadaanan. At mukhang napaniwala naman si Leon sa mga sinabi nito. Tapos napansin rin ni Leon ang bitbit niyang Mannequin at inilalayan niya itong bitbitin ang katawan ni Jackson ngunit nauntog ito sa may pintuan at sobra ang pag-aalala ni Jane ng minutong iyon.
“Ma’am, Mannequin lang po iyan.” sabi ni Leon pero kinuha na niya ito sa Butler ni Jackson at siya nalang ang nagdahan-dahang nagpasok nito sa loob ng kotse.
“Favorite na Mannequin ito ni Jackson, kaya ganito ko nalang ito kung alagaan.” Napailing nalang si Leon sa inasal ng kasama ng kaniyang boss. Sa kaniyang pagkaalala, hindi pa niya nakita ang boss niya na magkakainterest sa mga ganitong bagay katulad nalang ng Mannequin. Pero, binalewala lang ito ni Leon at pinagdrive nalang niya si Jane papunta sa kanilang Resort.
Pagdating niya sa nasabing resort na pagmamay-ari ni Jackson ay sinalubong siya ng mga staff nito. Kinuha ang bagahe nito at binigyan ng welcome Juice. Ininom naman ito ni Jane saka inalalayan siya sa magiging kwarto niya. Namangha si Jane sa ganda ng kwarto niya. Simple pero mahahalata mong mahal ang mga gamit dito. Inilagay niya sa may gilid ng kama ang Mannequin ni Jackson tapos umupo siya sa malambot na couch at pumikit ng saglit. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito katahimik na pakiramdam. Wala siyang ibang naririnig kundi ang hampas ng tubig dagat sa dalampasigan, ang huni ng mga ibong nagliliparan at ungol ng babae?
“Tang-ina, ano iyon?” bulalas ni Jane ng minutong iyon. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata sa kaniyang naririnig sa kabilang kwarto. Isang? Mukhang hindi. Mukhang higit pa sa dalawa ang kaniyang naririnig.
Halos masuka-suka na siya sa kaniyang naririnig. Tinakpan niya ang kaniyang tenga at umupo sa may kama tapos napatingin siya sa Mannequin ni Jackson at tinitigan niya ito ng masama.
“Who the f**k is that?” singhal niya rito.