"Good morning Baby boy?" masayang bati ni Jane sa Mannequin ni Jackson. Pinipisil-pisil pa niya ang pisngi nito at napansin ito ng kaniyang store manager na si Edna sa ginagawa nito.
"Jane!!!" Napatalon si Jane sa sobrang gulat nang marinig niya ang boses ng kaniyang boss. Umayos siya ng tayo at nanginginig na nakatingin dito.
"Anong ginagawa mo?" Mataray na tanong nito sa kaniya.
"Po?"
"I'm not gonna asked you twice, so what the f**k are doing with that Mannequin?" Mas lalong tumaas ang kaniyang boses. Mabuti nalang at wala pang mga tao ng oras na iyon at kakabukas lang nila. Napayuko nalang si Jane at tinanggap ang mga masasakit na salita na sinasabi ni Edna sa kaniya.
…
"Hulaan ko kung bakit ganyan ang mukha mo?" sabi ni Jackson kay Jane na wala sa mood ng oras na iyon.
"Jane, narinig ko lahat ng mga sinabi niya. Remember, nasa harapan mo lang ako." Muli, hindi parin kumibo si Jane ng minutong iyon. Hanggang sa narinig niya itong bumuntong hininga.
Hinawakan ni Jackson ang balikat ni Jane at inangat niya ang mukha nito, doon niya napansin na namumugtong ang mga mata nito at halos pabagsak na ang luha sa kaniyang mga mata.
Naisip nito na baka may ibang magpapasaya sa dalaga at pumasok sa isip niya si Tonton.
"Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Jane sa kaniya.
"I'll be right back!" sabi nito sabay kindat sa kaniya.
Tapos hinanap ni Jackson si Tonton at nakita nito ang bata na binubugbog ng isang lalaki sa labas ng isang barong-barong na bahay at nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapansin na si Tonton pala ang binubugbog ng matanda. Kaagad siyang lumapit rito at tinulak ng malakas ang matanda at hinila palayo sa kaniya si Tonton. Nagtaka ang matanda sa inasal ni Jackson at binalaan siya na hwag nangialam sa kanilang dalawa.
"Don't you know that there's a law called child abuse?" sabi ni Jackson sa matanda.
"Child abuse mo mukha mo!" akmang susugurin na siya nito na halatang lasing at amoy na amoy ang alak sa buong katawan nito. Kaso madaling nakaiwas si Jackson at dumausdos ang mukha ng matanda sa may kanal. Napatingin siya sa umiiyak na si Tonton at kinuha nito ang kamay ng pobreng bata. Saka niya ito binuhat at dinala sa bahay ni Jane.
"A-anong nangyari?" halata sa mga mata ni Jane ang pag-aalala nang makita niya nag batang bitbit ni Jackson. Kinuha niya ito sa kaniya at kaagad hinanap ang medicine kit sa loob ng drawer niya at kaagad niya ring ginamot ang sugat na natamo nito sa mga pagbugbog sa kaniya ng kaniyang Ama.
"Nakita ko siya na binubugbog noong matanda. And i guess that his f*****g father isn't?" halos di napansin ni Jane na nagsalita pala si Jackson kasi focus siya sa paggamot sa mga sugat ni Tonton.
"A-ah?" ani Jane.
Napansin ni Jackson na kakaiba ang ekspresyon ng mukha ni Jane kapag kasama niya si Tonton, para bang nagiging masaya siya kapag nakikita o nakakausap niya ito. Kaya nga naisip ko na dalhin ang bata dito para, naman kmmm mbzcx ang mood niya at maging masaya na siya kahit papaano.
Nakatulog na sa wakas si Tonton pagkatapos linisin ni Jane ang mga sugat niya. Umupo kami sa may kusina nila at binigyan ako ni Jane ng Kape na tinimpla niya.
"Nakakarelate kasi ako sa buhay ni Tonton." biglang sabi ni Jane.
"Katulad niya, pinagkaitan din ako ng tadhana. Namatay nang maaga ang Nanay niya noong ipinanganak siya tapos, iniwan naman siya ng Tatay niya sa kakilala nitong driver si Mang Leo, siya iyong nakita mong bumugbog kay Tonton. Nabubugbog lang naman si Tonton kapag, Una kaunti lang ang perang nakalap niya sa maghapon, pangalawa kapag sobrang lasing naman si Mang Leo." Pagku-kwento pa ni Jane habang panay ang higop nito ng mainit na kape.
Hindi naman makapaniwala si Jackson na may taong kayang gawin iyon sa inosenteng batang katulad ni Tonton. Sa isang batang walang kalaban-laban. Kaya pala nakakarelate si Jane kasi, katulad ng bata pareho sila ng pinagdaanan sa buhay.
"Bakit hindi mo nalang ampunin si Tonton?" sabi ni Jackson na kinagulat ni Jane.
"Huh?"
"Ang sabi ko, bakit di nalang ikaw ang mag-alaga kay Tonton." paguulit pa niya.
Napakamot ng buhok si Jane at tila nalilito.
"Ah, eh. Posible ba iyon?"
"Oo naman! We can report that bastard sa police station para maturn over ang bata sa dswd tapos we can talk to them regarding sa interest mo na maging guardian ng bata."
"We, as in you're gonna help me?" napalunok ng laway si Jackson, paano nga naman siya makakatulong.
"I can talk to one of my friends." sabi ni Jackson.
"Seryoso ka? E, hindi ka nga pwedeng malaman na buhay hindi ba?"
"Tanga mo naman, Jane! Pwede naman nilang malaman na buhay ako, ang hindi nila pwedeng malaman na nagiging Mannequin ako, gets?"
Doon na realised ni Jane na may punto si Jackson sa sinabi niya at hindi na siya nakipagtalo dito.
"So, can i have your phone?" inabot ni Jane ang cellphone niya at maya-maya ay narinig niyang nakipag-usap siya sa isang lalaki sa kabilang linya. After few minutes.
"Okay, may abogado ka na." sabi ni Jackson sabay kindat kay Jane ng minutong iyon.