Chapter 5

798 Words
NAKULONG sa salang Child Abuse at isa sa mga nagreklamo dito ay si Jane mismo. Kasama ang kaibigan ni Jackson na si Kyle ay dinala na sa isang shelter si Tonton. Noong una ay iyak ng iyak ito dahil hindi niya naiintindihan ang mga nangyayari hanggang sa kinausap ni Jane sa may playground si Tonton at ipinaliwanag niya ang nangyayari. Ipinangako rin niya na sa lugar na ito, hindi na siya sasaktan. Makakakain pa siya ng masasarap na pagkain at higit sa lahat makakapaglaro siya ng malaya. Hindi na rin niya kailangang magtrabaho para kanino, ang kailangan niya lang gawin ay maging bata muli at maging masaya. Umiiyak na niyakap ng bata si Jane at pinigilan naman ni Jane ang hindi maiyak. Kailangan niyang magpakita ng malakas siya dahil walang ibang kinakapitan ngayon ang bata kundi siya lamang. Nang matapos na silang mag-usap at napansin na ni Jane na nakikipaglaro nang muli si Tonton, lumapit na siya kay Kyle at nagpasalamat sa pag-aasikaso ng lahat. "Nah, don't mention it. Si Jackson ang dapat mong pasalamatan. Anyway, nasaan ba nagtatago ang gagong iyon? Ginawa nang teleserye ang buhay niya, hindi parin siya nagpapakita?" biglang kinabahan si Jane. Mabuti nalang naalala niya ang mga sinabi ni Jackson sa kaniya. Wag kang magpapadala sa pacute niya. Alam kong cute siya at iyong pagngiti niya doon niya nakukuha ang mga babae kaya kumalma ka. Tapos, doon kayo kumain sa may karinderya at umorder ka nang dinuguan, matuturn off iyon sa iyo. Napailing nalang si Jane nang maalala niya ang usapan nilang iyon. "Uhm, he's in a good place." "Hmmm, good place huh? What makes you so special at sa dami-rami ng babae e ikaw ang nilapitan niya?" Napaisip si Jane, bakit nga ba? Hindi rin niya alam. "Uhm, nagugutom na ako gusto mong kumain? May malapit na kainan dito." "A-ah…" Biglang hinila ni Jane si Kyle at dinala sa karinderya. Ayaw niya sanang gawin ito kaso masyado siyang maraming tinatanong at masyado rin siyang makulit. Halos masuka-sula si Kyle sa pagkaing nakahain sa kaniyang harapan, ang ending umarte siyang may emergency sa office nila at kailangan na niyang bumalik kaso naaalala ni Jane na wala siyang pambayad kaya si Kyle na mismo ang nagbayad ng lahat. Sa loob-loob ni Jane natatawa siya sa cute na reaksyon ni Kyle. Kinagabihan. Bumalik si Jane sa store at binuksan niya ang pintuan. "Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako nag-aantay dito." halata sa mukha ni Jackson na mainit ang ulo nito. "Problema mo?" nagtatakang tanong ni Jane sa kaniya. "Ikaw! Saan ka dinala ni Kyle after niyong pumunta sa shelter?" "Huh?" "Sagutin mo nalang, Jane!" pangungulit pa ni Jackson. Kumunot ang noo ni Jane sa mga sinasabi ni Jackson sa kaniya. Bakit bigla nalang ganoon ang naging reaksyon niya? "Iniisip mo na may nangyari sa amin?" tanong ni Jane. "Bakit wala ba?" sagot naman ni Jackson. "My gosh! Hindi ako ganoong klaseng babae, Jackson! Kung sa tingin mo lahat ng mga babae kaya mong makuha at lahat ng babae ay pare-pareho ng mga babaeng nakukuha mo diyang sa ngiti mo, pwes ibahin mo ako." halata sa tono ng boses ni Jane na galit siya rito kaya nauna na siyang naglakad palayo sa kaniya. Habang si Jackson naman ay nagtaka bakit parang nareverse psychology siya nito? "Tang-ina, dapat ako iyong nagsasabi noon ah?" napakamot siya ng ulo. Sa loob ng bahay ay hindi parin kumikibo si Jane kay Jackson, kasi hindi parin siya humihingi ng patawad. That was the problem, hindi marunong humingi ng tawad si Jackson. Magkandamatayan na, he never apologized for anything of what he did. "Hindi ba tayo aalis?" tanong ni Jackson kay Jane. "Umalis ka kung gusto mo!" inis niyang tugon dito tapos humiga siya sa kama niya. Napailing nalang si Jackson saka siya lumabas ng kwarto ni Jane. Napaisip siya kung saan siya pupunta. "Bahala na!" wika niya. Tapos may grupo ng mga bakla ang huminto sa kaniyang harapan. "Hi pogi!" sabi nila kay Jackson. "Shet, ang pogi niya at mukhang daks pa!" sabi pa ng isang bakla. "Uhm, pogi baka gusto mong sumama sa amin. May party kaming pupuntahan ng mga kaibigan ko. Don't worry, hindi naman kami nangangagat." Ngiting sabi pa noong isa. Napakamot nalang ng ulo si Jackson at napatingin sa kwarto ni Jane. Sabay iling at inakbayan ang isa sa mga bakla na kilig na kilig. Nagising naman bigla si Jane at napansin niya na alas kwatro na nang madaling araw at hindi niya napansin si Jackson sa paligid ng kaniyang kwarto. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala niya ang mga sinabi niya rito kanina. "Umalis ka kung gusto mo!" Dali-dali siyang tumayo at hinanap si Jackson, kaso ang problema saan naman niya hahanapin si Jackson?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD