Chapter 6

806 Words
“Grabe, ang gwapo talaga ng afam na iyon no? Ang sarap-sarap pa.” rinig ni Jane nang makadaan siya sa isang tindahan sa kabilang barangay. Oo, umabot na siya sa kabilang barangay ss kakahanap kay Jackson. Kinakabahan kasi siya, kasi labing limang minuto nalang ay mag aalasais na at magbabagona siya nang anyo. Kaya nilapitan niya ang dalawang beks at tinanong kung ang afam ba na tinutukoy nila ay nay taas na 6ft.Tumango ang mga ito. Muli niyang tinanong kung ito ba ay may hikaw sa tenga na kukay itim. Tumango naman ang isa at sinabi pa niya na nakakainlove ang kulay green na mga mata nito. Doon na bumilis ang t***k ng kanyang puso. At kaagad sinabi na kasintahan niya ito. “Weh?” Hindi kumbinsido ang dalawang bakla na may hawak na redhorse. “Oo nga, nakakaloka kayo!” At sumama na nga si Jane sa mga nasabing bakla at doon niya nakita na nakahandusay na sa may couch ang lasing na lasing na si Jackson. Nakahinga na siya kahit papaano kaso malapit nang mag-umaga, hindi siya maaaring makita ng mga tao na nagpapalit anyo. Kaya kahit mabigat ay binuhat niya ito, nagpara ng taxi at pumara naman ito sa harap niya kaso limang minuto lang, mabuti nalang nakasuot ng hood si Jackson at tinakpan niya ang mukha nito. Bawat segundo siyang tingin ng tingin sa kaniyang orasan sa kaniyang kamay at mayroon na lamang siyang dalawang minuto unti-unti nang bunibigat at tumitigas ang katawan ni Jackson hanggang sa sumapit na nga ang ala-sais at maya-maya ay nakarating na siya sa harapan ng store nila. Nagtaka naman ang driver kasi akala niya ay tao ang kasama nito kanina napakamot siya ng ulo nang makita na hindi pala ito gumagalaw at isa pala itong mannequin. Doon palang Nakahinga ng maluwag si Jane nang tuluyan na niyang maipasok sa loob ng tindahan ang katawan ni Jackson. Una niyang ginawa ay kumuha siya ng bimpo, binasa ito ng bahagya at bumalik siya kay Jackson saka niya pinunasan ang mukha nito, ang bibig at tinanggal niya ang suot nitong damit dahil papalitan na rin niya kaagad ito. Tapos napansin niyang muli ang ganda ng hubog ng katawan nito. Napailing siya at sinabi niya sa isip niya na, hindi ka maaaring mahulog sa kaniya. Tandaan mo, babaero siya. Kaya siya sinumpa dahil sa kalokohan niya. at huminga ng malalim saka pinunasan ang katawan ni Jackson at pinalitan niya ito ng bagong damit. Nang di niya inaasahan na papasok ng maaga ang kaniyang boss na si Edna. At nagtaka nang makita siya ng oras na iyon. “Anong ginagawa mo dito?” halata sa kaniyang boses ang pagtataka. Kinabahan si Jane at kaagad nag-isip ng dahilan sa kaniyang boss. “Uhm, maaga lang po ako pumasok kasi alam ko pong marami po tayong gagawin hindi po ba sale po ngayon?” tumaas ang kilay ng kaniyang boss at bigla itong nagcross arm sa kaniyang harapan. “Restday ka ngayon nakalimutan mo na ba?” nanlamig bigla si Jane at naalala niya na wala nga siyang pasok ng araw na iyon. Huli na siya, pero hindi siya pwedeng mahalata. Isip, Jane. Kailangan mong mag-isip ng magandang dahilan. Hanggang naalala niya na si Kayla, iyong kasama niya sa trabaho at nagtext ito sa kaniya kahapon at sinabi na kung maaari na siya nag pumasok sa shift niya kasi masama ang pakiramdam niya. Lumunok muna siya ng laway saka tumingin sa nanlilisik na mga mata ng kaniyang boss. “Si Kayla, opo! Nagtext po kasi siya sa akin na hindi raw po siya makakapasok kaya ako nalang po ang pumasok sa shift niya.” Mukhang kumbinsido naman ang alibi niya kasi nagbago ang itsura ng kaniyang mukha at tila para bang naalala rin ng kaniyang boss na nagtext nga rin pala ito sa kaniya na hindi ito makakapasok. “Okay, pero paano mo maeexplain ang amoy alak sa loob ng tindahan?” Patay! Naalala ni Jane kanina habang papunta sila dito ay sinukahan ni Jackson ang balikat nito at yun ang dahilan kung bakit nangangamoy alak ngayon sa loob ng store. “Kasi po iyong kasabay ko po sa taxi kanina sinukahan po ako sa balikat, sorry na po magpapalit lang po ako.” sabi nito tapos yumuko. Hindi na kumibo pa ang boss niya at umuling nalang ito, saka tumalikod na ito sa kaniya. Doon nalang ulit nakahinga ng maayos si Jane. Halos atakihin na siya sa puso sobrang takot at kaba na nararamdaman. Tapos sinipat niya ang Mannequin ni Jackson at kinausap niya ito. “Nako, talaga! Lagot ka talaga sa akin mamayang gabi.” nanggigigil na sabi nito. Sabay akmang sasapakin niya ang mukha nito. “Jane! Ano na naman iyan?” nahuli siya ng boss niya na kinakausao ang Mannequin at akmang sasapakin pa ito. “Hehehe, wala po. Pinupunasan ko lang po ang mukha ng napakagwapong Mannequin na ito.” sabi ni Jane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD