OPPORTUNITY

1825 Words
CHAPTER 3 "Magmula ngayon dito ka na titira,dahil walang mag-asawa ang nakabukod ang tinitirhan. Malaya kang gawin kong ano ang gusto mong gawin, kagaya sa napagkasunduan natin.. WALA TAYONG PAKIALAMANAN. Maliban sa mga rules na binangit ko kong ayaw mong mawala sayo ang six millions." "Oo na alam ko. hindi ako bata, Para ulit ulitin mong ipaalala. Sige na at aalis na ako." "Saan ka pupunta?" Ang tanong ni Kios na tumitig sa mukha ni Gaile. "Oh, akala ko Ba WALA TAYONG PAKIALAMANAN bakit nagtatanong ka ngayon?" "Okay, sige umalis ka na." At tumalikod na eto patungo ng hagdan paitaas ng bahay. Naiwan si Gaile sa sala at inumpisahan ng kainin ang malamig nyang kape at tinapay. Habang ngumunguya panay ang ngiti nito habang hawak ang kanyang cellphone. Binibilang ng paulit-ulit ang numero ng zero sa kanyang cellphone screen. Sa kwarto ni Kios bumalik sya sa pagkakahiga sa kama at tumitig sa taas ng kisame. Na tila may iniiisip. "Let's get married now Fiona." "No way Kios! Alam mo naman na next week magdedebut na kami ng mga ka group mate ko. Ilang taon ko din etong pinaghirapan, pawis at dugo. At Alam ko din na ever since eto talaga ang gusto ko ang pangarap ko. Intindihin mo naman ako ." "Akala ko ba mahal mo ako bakit mas mukhang matimbang pa yang career mo kesa sa akin. I can provide you anything what ever you want, I can give you." "Kios, listen, Yes I do really love you. But this is my chance at never na darating ang ganitong opportunity for me. Ikaw andyan lang hindi ba? I have to be smart .please! just give me one year. Hayaan mo naman akong ma-experience ang buhay na pinapangarap ko nuon pa man. Alam mo naman na ikaw lang ang mahal na mahal ko hindi ba?" Hinawakan ni Fiona ang mukha ng kasintahan na si Kios at hinalikan ang kanyang labi. Parehas silang hubot hubad at katatapos lang nilang mag love making kanina bago mag usap. Sa kama ding iyon sila nakahiga dati ni Fiona ngayon mag-isa na lang sya. Sinasariwa ang mga momento na sila ay magkasama pa. Nasa korea kasi si Fiona, magdedebut na eto bilang kpop Idol half Filipina and half korea blood kasi sya. Hindi naman nya sana eto mamadaliing magpakasal, Ngunit dala ng hindi inaasahang sitwasyon kinakailangan nyang magpakasal sa lalong madaling panahon. Nagbigay kasi ang kanilang Grandma ng will or testament na nagsasabing kong sino ang unang magpapakasal at may ihaharap sa kanya na asawa ay syang iuupong pinuno ng Valdemor Corporation. At hinding hindi sya papatalo sa kanyang kapatid na si Dave. Dahil sa matinding problema na kanyang iniisip naisipan nya monang lumabas ng bahay ng gabing iyon hindi naman nya ugaling pumunta ng Night Club Ngunit. Habang binabagtas nya ang kahabaan ng Edsa ay may nakita syang isang Club na napaka-ganda sa harapan. Ang mga ilaw nito na Ibat Ibang kulay ay parang hinahatak sya. Kaya nagpasya syang duon na lang uminom. Pumasok sya at naupo sa wine Bar counter, at omorder ng maiinom. May live Band na nagpeperform dito at may magandang babae na kumakanta. May lumapit din sa kanyang Floor manager at inaalok sya kong gusto nito ng babaeng makakasama GRO, Ngunit tumanggi sya.. Maya-maya lang at mismong mga babae na ang lumalapit sa kanya subalit tinatanggihan nya ang mga eto at pinapaalis. Umiinom lang sya ng tahimik nag-iisip paano malulutas ang kanyang problema,at ang pagtanggi at paglayo ng kanyang kasintahan. Saan sya kukuha ng babaeng ihaharap nya sa kanyang Grandma, bilang asawa ngayong ayaw naman magpakasal pa ng kanyang nobya. Malamang matatalo sya ni Dave. Hinding hindi sya makakapayag. Inubos nya mona ang laman ng alak na nasa baso nya, at halos masaid ang laman ng mamahaling bote ng alak na nasa harapan nya. Nagbayad ng bills at nagbigay ng tip sa lalaking nag-serve sa kanya ng maiinom,at todo naman ang ngiti at pasasalamat nito dahil galanteng magbigay si Kios nag tip. "Boss maraming salamat. Balik po sana kayo dito uli. Ang masayang sabi ng lalaki kay Kios, at tumango lamang eto at tuluyan ng lumabas ng Bar na iyon. Habang naglalakad sya medyo nahihilo sya. Naalala nya wala pala syang kinakain pa sa buong araw, sa kakaisip ng kanyang dinadalang problema. At eto nagpakalunod sya sa alak kaya grabe ang tama sa kanya ngayon. Nagsusuka sya, at pinanghinaan ng katawan. Nanginginig pa ang kanyang mga kalamnan at bumigay ang tuhod nya at bumagsak sya sa lupa . Naramdaman nyang may mga kamay na humahawak sa kanya at tila tinutulungan syang bumangon. Itinaas nya ang kanyang mga mata at nakita nya ang isang napakagandang babae, at napaka sexy nito sa strap mini dress na suot, na hanggang hita ang haba. Na kahit nasa ganon syang estado alam nyang super Hot ng babaeng nasa harapan nya. Ng tuluyan na syang maitayo hiniling nya dito na dalhin sya sa kanyang sasakyan. At habang akay akay sya papunta sa kanyang kotse naisip nya na isa etong prostitute. Baka gusto syang targetin pero hindi nya kailangan ang serbisyo nito. Dahil kelan man hindi sya pumapatol sa isang nangangalakal ng katawan kong kanikaninong lalaki. Sayang napakaganda pa naman nya at mukhang bata pa." Ang bulong nya sa kanyang sarili. Sa kakatitig sa Babae biglang pumasok sa isipan nya ang babaeng nasa harapan nya ngayon ay tamang tama sa pangangailangan nya. Kaya naisipan niyang, aalukin nya etong magpakasal sa kanya para maging fake wife. As simple as that at nangiti siya. Sa isip ni Kios ay ang babaeng katulad nya ay nangangailangan ng pera, at sya ay nangangailangan ng Babae hindi dahil sa serbisyong s*x. Kailangan nya ng magpapanggap na FAKE Wife nya as soon as possible. Nanatiling nakatitig si Kios sa kanyang kisame habang sinasariwa ang lahat ng pangyayari nong isang araw at kahapon ng Gabi sa buhay nya. At bigla syang tumawa at humalakhak ng malakas Ha!ha!ha! "Isa ka talagang matalino Kios. Dave, ipapakita ko sayo at sa magaling mong Ina na kayo ay nasa ilalim ng paanan ko lamang." Sa isang Hospital matyagang naghihintay sa balita ng Doctor sina Gaile at ang kanyang Ina at kapatid na si Dona. Nasa loob kasi ng operating room ang kanilang ama habang inooperahan eto sa kanyang Kidney failure na napabayaan dahil sa kakulangan ng Pera. Isang jeepney driver ang kanilang ama at lima silang magkakapatid sya ang pinakapanganay. Si Dona na 18 anyos ang edad, ang pangalawa, pangatlo si Troy na 16 anyos, at ang kanilang bunsong kambal na kapatid 13 anyos na Sina Alex at Alexa. Kahit may nararamdaman na ang kanilang ama ay hindi nito Alintana. Magkano lamang kasi ang kinikita nito sa pagpapasada ng jeep na hindi naman kanila nakikipasada lamang eto. Pito silang bibig na kumakain, at limang pinapag-aral. Dumidiskarte naman ang kanyang Ina sa paggawa ng mga kakanin katulad ng kutsinta, biko, Maha at puto. Bukod sa itinitinda nya eto sa harapan ng kanilang bahay ay tumatanggap din eto ng mga special orders sa mga handaan. At silang buong pamilya ay nagtutulungan sa kanilang pamumuhay sa araw araw. Nangungupahan din sila ng bahay kaya todo kayod at pagbubudget ang kanilang ginagawa. Mapagmahal sa pamilya ang kanilang Ama kaya kahit may masakit na sa kanya ay hindi nya eto ipinapaalam sa kanila. Hanggang sa hindi na nito makayanan ang sakit na nararamdaman dahil naiinfection na ang kidney nito sa loob ng katawan. Nag mamaneho sya ng makaramdam ng subrang sakit buti na nga lamang at wala na syang mga pasahero ng nangyari iyon. Ngunit hindi nya naiwasan na madisgrasya ang minamanehong jeep tumama eto sa isang puno na ikinayupi ng unahan bahagi ng Jeep at nadamay ang makina nito. Kinakailangan pa nila etong bayaran sa may ari ng jeepney na pinapasada ng kanilang ama. Lumabas ang Doctor mula sa operating room at agad naman etong nagsabi sa kanilang pamilya na huwag ng mag-alala dahil successful ang naging kidney transplant ng kanyang ama. Napalitan na ang kidney ng kanilang ama mula sa pera na ipinambayad nila. Na galing kay Kios. "Salamat po ng marami Doc." Ang sabay na wika ng mag-ina sa Doctor. Masaya ang pakiramdam ni Gaile ng malaman ang magandang balita. Buti na nga lamang ay mabait sa kanya o sa kanila ang panginoon hindi nya sila pinabayaan. At hindi sya nito hinayaang makagawa ng hindi mabuti. Dahil sa totoo lang sa subrang baon nila sa utang at pinoproblema ang pambayad sa kidney Donor at hospital bills, mga gamot ng tatay nya naisipan na nyang ebenta ang kanyang kaluluwa sa demonyo. Naalala nya nong nasa harapan sya ng Night Club. Kong saan nagtratrabaho ang kanyang best friend bilang singer ng banda. Marami kasing GRO duon at marami din ang nagaganap na transactions kagaya ng pagbebenta ng katawan. Nang ibigay sa kanya ng best friend nya ang twenty thousands, napagtanto nya na matatagalan pa o baka hindi na sya makalikom ng mahigit sa five hundred thousands para sa ama nya. Baka patay na eto hindi pa sya nakakalikom ng sapat na pera. Nagpasya syang sino mang lalaki ang makita nya ngayon ay iaalok nya ang kanyang sarili. Seguro naman may handang magbayad ng malaki para sa kanya. Isa syang virgin at alam nyang maganda sya. Minsan na din kasing na e-kwento ng best friend nya na si Eve, ang mga kalakaran sa Club. May mga babae daw sa club na nababayaran ng malalaking halaga lalo na kapag eto ay birhen pa. At tyempong may nakita syang lalaki maganda ang kasuutan mula ulo hanggang paa. Mukhang yayamanin, sa itsura pa lang kitang kita na mukha nga lamang lasing na lasing. Bumubwelo pa lamang sya kong paano nya eto lalapitan ng makita nya etong natumba at nasubsob sa lupa. Buti na lang at naiharang nito ang kanyang braso sa kanyang mukha kong hindi nya nagawa iyon segurado may sugat at gas gas ang gwapo nitong mukha. Natawa pa nga sya, ng makita nya kong paano eto nasubsob. Para kasing nag dive-in sa swimming pool. Naawa naman sya kaya agad agad nya etong nilapitan at tinulungan. Hanggang sa dalhin nya eto sa kanyang kotse, at ginamot ang natamong sugat at gasgas sa kanyang mga braso. Bumubwelo na sya malapit na nyang ialok ang kanyang sarili ng.. Bigla etong magsabi ng ipagdrive daw sya at handa syang bayaran. Syempre tatanggi pa ba sya e pera na ang pinag-uusapan. Inihatid nya eto sa magarang bahay nito at hanggang sa umabot sa kwarto nito ang serbisyo nya. Nag-iisip na si Gaile na tamang tama nasa kwarto na sila at Mayaman nga eto. Ibubuka na nya ang kanyang bibig upang sabihin ang pakay nya ng bigla syang alukin nito ng CAN YOU BE MY WIFE.. Sya pa ba ang tatanggi ng isang magandang oportunidad na nasa harapan na nya. Kahit na nalaman nyang magiging FAKE WIFE lang sya atleast may six millions sya. .......................................................... THANK YOU FOR READING MY WORKS!!! PLEASE DO A VOTE AND ANY COMMENTS IT'S GIVE ME MORE ENCOURAGEMENTS TO CONTINUE?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD