CHAPTER 4
"Ma,magpapaalam sana ako sayo na kailangan kong magstay sa bahay ng employer ko. Mag-aalaga ako ng isang lalaking may deperensya.Yon kasi ang kabayaran sa perang ginamit natin sa operasyon ni papa"
"Ok, anak. Dapat lang naman na bayaran natin ang perang iyon. Buti nga at mabait yang kaibigan mong mayaman at tinulungan tayo...sya nga pala paano ang pag-aaral mo?"
"Tuloy parin po mama, huwag po kayong mag-alala. Hindi maaapektuhan ng trabaho ko ang pag-aaral ko. Pinayagan din po ako ng boss ko. Sadyang mabait lang po talaga s'ya mama."
"Mabuti naman kong ganoon, sayang naman kasi kong hihinto ka anak."
'Oo nga po mama, sige na po Ma, at kailangan ko na din bumalik dun ka-agad. Kinausap ko nga pala si Auntie Lorna para may humalili sa pagbabantay sayo kay papa." Kailangan niyang isipin ang bagay na eto dahil mawawala na siya. Kailangan ay may ka-tuwang ang Mama niya sa pagbabantay sa ama niya.
"Buti pumayag naman iyon anak." Ang sabi ng mama ni Gaile.
Hindi kasi eto pumapayag na magbantay sa papa nila Gaile kahit kapatid mismo eto ng kanilang papa. May dahilan naman kasi eto. Sayang ang araw na kinikita nito sa paglalako ng isda na ipinambubuhay din nya sa kanyang pamilya.
Pero ng kinausap eto ni Gaile at sinabing babayaran nya ang araw na ilalagi nya sa pagbabantay sa papa nya sa Hospital ay pumayag naman eto agad.... Hindi naman 24hours s'yang magbabantay doon dahil kapalitan naman niya ang kanyang Ina.
Umuwi na s'ya ng kanilang inuupahang bahay at naabutan niya ang kaniyang mga kapatid.
"Tamang-tama ate Gaile, Nakapag luto na ako ng pananghalian natin kaso ginisang sardinas na may repolyo lang eto. Ipinangutang ko pa eto sa tindahan kahit nagagalit na si Ate Tesa. Napakahaba na daw kasi ng listahan ng utang natin sa kaniya."
"Ganun ba.. Sige pupunta ako ngayon d'on at magbabayad ng utang natin. Dona, Halika sumama ka at bumili ka ng ulam sa carinderia ni Ate Tanya, na gusto n'yong kainin. Eto ang isanglibo bilhin mo yong masarap."
"Wow! Talaga ate? p'wedeng bilhin ko ang mga paborito naming ulam?" Ang naninigurong tanong ni Dona. Hindi naman masisi ang kapatid ni Gaile dahil alam naman niyang kapos sila ngayon sa pera.
"Oo nga. Isanglibo yan. Ibili n'yo ng masarap na pagkain sige na at baka nagugutom na yong kambal."
Tumungo sa tindahan ni Tesa si Gaile. Ang tanging tindahang nagpapautang sa kanilang pamilya.. Hindi naman masisisi si Tesa, kong nagagalit na eto sa kanila. Dahil nagtayo nga naman siya ng tindahan upang kumita kahit papano, tapos matutulog lang sa utang ang kan'yang puhunan.
"Ate Tesa good afternoon po. Magbabayad na po ako ng utang namin."
"Aye, salamat naman!. wala na din kasi akong puhunan medyo napagtaasan ko nga ng boses kanina ang kapatid mo. Gawa kasi na mainit din ang ulo ko. Wala na kasing laman ang tindahan ko. Alam mo naman dito lang din ako kumukuha ng panggastos namin ng anak ko."
"Wala pong problema Ate Tesa naiintindihan ko po.. Malaking pasasalamat nga namin kasi ikaw lang ang nagpapautang sa amin. Sa kabila na alam mong may kinakaharap kaming krisis ngayon. Hindi po katulad ng iba d'yan, hindi namin mautangan. Wala daw kaming pambayad, bukod tanging ikaw lang Ate Tesa. Hindi mo kami tiniis pinagkatiwalaan mo pa din po kami."
"Naku, wala yon. Ganun talaga dumadating sa buhay ang problema at hindi naman natin madadala sa hukay ang pera.
Napagdaanan ko din yan dati. Nong namatay ang asawa ko. Ni isa walang tumulong sa akin, kaya nakita ko ang sarili ko dati sa kalagayan n'yo... Yun nga lang tao lang nagkakamali. May sumpong din paminsan-minsan. Alam mo na may kan'ya-kan'ya tayong problema sa buhay."
"Oo nga po tama kayo... Ate Tesa magkano nga pala ang utang namin?"
"Heto. Lagpas na nga eto ng sampong libo, kasama na ang cash na hiniram ng nanay mo."
"Oo nga po pasensya na at salamat po.. Heto po ang fifteen thousands sa inyo na po eto.. At maraming salamat po Ate Tesa.
" Fifteen? Sure ka Gaile?" Ang hindi makapaniwalang tanong ni Tesa.
"Opo ate Tesa. Dahil gaya nga po ng sinabi ko kayo lamang ang bukod tanging naging mabait sa amin at tumulong."
"Naku, Gaile. Maraming salamat! tumama ka ba sa lotto at marami kang pera?"
"Naku! hindi po, utang din po yang pinangbayad ko sa inyo he!he!he!. Eto nga po at paalis na ako para mabayaran ang nahiram kong pera sa bago kong boss. Malaki-laki din po kasi ang nahiram ko. Alam n'yo na pampa-opera ni Tatay. Taon po bago ko seguro mabayaran ang utang namin. " Ang nakangiting wika ni Gaile sa kausap. Pilit ikinukubli ang totoong dahilan.
"Ganun ba. Buti na lang talaga at may hinulog ang langit na isang mabait na tao sa inyo, para matulungan kayo."
"Oo nga po Ate eh. Sige po uuwi na po ako..At s'ya nga po pala kong may kailangan ang mga kapatid ko ibigay nyo po.. Eto nga po pala ang number ko e-text nyo na lang po ako d'yan o tawagan. Ako po ang magbabayad ng mga kukunin ng mga kapatid ko at ni mama. Thru- Gcash po."
"Sige ikaw pa ba. Malakas ka sa akin. Maraming salamat nga Pala dito sa 5k, wala ng bawian ah. " Ang masayang sabi nito kay Gaile.
"Opo naman ate Tesa. Para sa inyo po iyan at sa anak ninyo."
Tuluyan ng umuwi si Gaile nakita nyang kumakain ang kanyang mga kapatid sa kanilang hapag kainan at sumalo siya sa mga eto.
Halos mapaiyak siya sa nakikita niya. Halos hindi magkamayaw at mabulunan na ang mga kapatid niya sa pagkain.
May lutong ulam na pork sisig, lechon paksiw, Kare - kare at fried chicken na nakahain sa mesa. At may dalawang family size na bote ng soft drinks.
Magdalawang buwan na din kasi silang panay de late at mumurahing gulay ang kanilang kinakain at porgang-porga na din sa mga instant noodles. Kinailangan kasi nilang mag tipid dahil kailangan ng papa nila ng diapers at mga gamot.
At hindi na din nakakagawa at nakakapagtinda ng kakanin ang kanyang Ina, gawa ng nagbabantay na eto sa kanyang ama na nasa Hospital.
S'ya sana ang gagawa ng mga bagay na hindi na magawa ng kaniyang Ina. Ang kaso hindi s'ya pinayagan ng kanyang Ina na huminto sa pagaaral. Isang taon na lang kasi matatapos na s'ya ng Nursing, at scholar pa s'ya.
Nakakapanghinayang nga naman Kaya inilalaban nila ang kaniyang pag-aaral.
Sumusubo siya ng kanin at kare-kare ng biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Ka-agad niya naman etong sinagot dahil nakita niyang rumehistro ang pangalan na KUMAG ipinalit nya sa pangalan ni Kios.
"Yes, Boss!" Ang sagot niya sa kabilang linya.
"Malapit na ako sa inyo sunduin na kita at mamaya ng 9:00pm ng gabi ang appointment natin sa kasal."
"Ha! Teka teka." Nagmamadaling tumayo si Gaile, sa kinauupuan at tumungo sa kaniyang maliit na kwarto at isinarado ang pinto.
"Anong sabi mo? malapit ka na dito sa amin ?"
"Oo nga. Susunduin nga kita diyan, dahil kailangan na tayong maghanda para sa ating kasal later."
"Okay, hintayin mo na lang ako sa tapat ng convenient store malapit sa amin ok .Papunta na ako diyan Bye!"
Nagmamadali ng nag-impake si Gaile, ng kaniyang mga damit at gamit na dadalhin niya sa bahay ni Kios. At nagmamadaling nagpaalam sa mga kapatid at lumabas ng bahay.
"Naku kumag ka, huwag na huwag kang pupunta dito. Maraming marites dito, huwag na huwag ka lang magkakamali naku talaga naman." Ang inaalala ni Gaile, habang nagmamadaling lumalabas ng bahay.
Pumara sya ng tricycle na dumadaan sa harap ng kanilang bahay at nagmamadaling sumakay dito.
Si Kios naman ay nasa parking lot sa harap ng convenient store na sinasabi ni Gaile, na tahimik na naghihintay sa loob ng kotse.
Nakita niya etong bumababa ng tricycle, at agad siyang kumaway kay Gaile.
Nakasuot na naman si Gaile, ng maikling denim short, at white v-neck t-shirt. Kitang-kita ang mga bilugan nyang hita at makinis na kutis.
Binuksan ni Gaile, ang pintuan ng kotse sa tabi ng driver seat at naupo eto.
"Bakit naman napakabilis mong magpakasal sa akin?. Nong isang gabi lang naman tayo nag-kakilala ano ba kasi ang meron."
Ang nagtatakang tanong ni Gaile kay Kios.
"Sasabihin ko sayo habang nagdri-drive ako. Ikabit mo mona ang seat belt mo."
"Okay, eto na po Boss, nakakabit na po."
" Huwag mo akong tatawagin ng ganiyan. Dahil masasanay ka at baka madulas ka sa harap ni Grandma."
"Ay, oo nga pala sorry. Hayaan mo hindi na mauulit.Tatawagin na lang kitang honey, ano okay na ba yan sayo?" Tumingin eto sa kaniya at sinabing bahala ka.
"Oh ano na. Mag-kuwento ka na. Ano ba kasi ang dahilan at kailangan mo ng fake wife ha?"
Ikinuwento naman ni Kios, ang lahat lahat kay Gaile.Tumango-tango naman eto tanda na naiintindihan ang dahilan ni Kios.
"Okay, salamat. Atleast may idea na ako."
"At bukas pupunta tayo kay Grandma ipapakilala kita."
"Ay! Wait. Anong oras ba bukas?"
"Alas 9:00 am ng umaga. Bakit may problema ba?"
"May pasok kasi ako niyan monday bukas 8:00 am to 5:00pm ng hapon nasa University ako."
"Bakit nag-aaral ka?"
"Wow! ha. Anong klaseng tanong 'yan? Aba, s' yempre naman ah. Bakit kayo lang ba na mayayaman ang may karapatan mag-aral sa university?"
"Hindi naman, nagulat lang ako. At ang katulad mo pala ay may pangarap din na makatapos. Kaya ka ba nagbebenta ng panandaliang aliw, dahil ginagamit mo sa iyong pag-aaral."
"Oo Na." Ang naiinis nang sagot ni Gaile, sa paulit ulit nitong pagdidiin sa kanya na nagbebenta s'ya ng katawan.
"Akala ko ba walang pakialamanan. Bakit ba interesado ka sa buhay ko. rules mo yan, pangatawanan mo no." Ang hindi na matiis ni Gaile na sabihin kay Kios.
"Oh, sorry. Oo nga pala, walang pakialamanan."
"Ibahin na lang natin ang usapan. Ano ang sasabihin ko sa Grandma mo kapag tinanong ako kong paano tayo nagkakilala?"
"Sabihin mo yong totoo."
"Ha? Ano? Sasabihin kong fake wife mo ako at kinontrata mo lang ako ganun ba?"
"Hindi iyon..sabihin mo kong paano tayo nag-kakilala ganito...Nagkakilala tayo sa isang Club, hindi night club ha. Yong desenteng Club. Sabihin nating, nakita mo akong lasing na lasing. Natumba, tinulungan mo ako at ginamot. At dahil na love at first sight ka sa akin kaya ng sinabi ko sa iyo na ipagdrive mo ako pauwi ng bahay ay sumang-ayon ka naman sa akin. At dahil nakainom tayo at matindi ang tama mo sa akin kaya may nangyari sa atin. Nakuha ko ang pagkabirhen mo at iyon na ang simula ng ating relasyong dalawa."
"Wow ha! talino mo naman. Love at first sight, ako?" okay, sige pagbibigyan kita dahil ikaw ang boss ko."
"Bago nga lang kamo tayo. Wala pang dalawang linggo tayong nagkakilala. Pero magkasundo naman tayo at naging responsable ako sayo dahil pinanagutan ko ang pagkuha ko sa pagka birhen mo ng alukin kitang pakasal sa akin. At mabilis ka naman pumayag kasi nga patay na patay ka sa akin. Ayaw mo na akong pakawalan."
Si Gaile na habang nakikinig sa nagsasalitang si Kios, ay kanina pa gigil na gigil. Nakatalikop ang kanyang mga kamay.. At nangangalit ang kanyang mga ngipin.
"Ako patay na patay sayo. Na love at first sight kamo, at ayaw na kitang pakawalan. Subrang kupal mo talagang kumag ka, napakalakas ng hangin mo sa ulo." Ang sabi niya sa kanyang sarili habang nagpipigil.
Kahit na alam naman nyang pagkukunyari lang ang lahat ay naaapektuhan parin si Gaile.
"Ano Gaile nakikinig ka ba? Kanina pa ako nagpapaliwanag dito. Baka pumalpak ka kapag kaharap na natin si Grandma bukas. Mukha kasing lumilipad yang utak mo."
"Oo nga e.Sa subrang lakas ng hangin, lumipad talaga ang utak ko eto nga at hinahabol ko oh." Ang pabulong na wika ni Gaile, sa hangin.
"Anong sabi mo? "
"Wala. Ang sabi ko nga napakaganda ng script mo. Inlove na inlove ako sayo.. Tama he!he!he!."
"Natural na ma-inlove ka sa akin ng subra, dahil bukod sa mapera ako ay ubod pa ako ng g'wapo. Nagsasabi lamang ako ng totoo."
"Kapal talaga ng kumag na eto. Akala mo naman siya lang ang nag-iisang napaka-gwapo sa balat ng lupa. Aba'y mahiya ka naman sa balat mo." Ang usal niya sa hangin.
"May sinasabi ka ba Gaile?"
"Wala. Ang sabi ko Mahal na mahal kita mahal ko."
"Mahal din kita mahal ko."
At nagkatitigan ang dalawa....
........................................................
THANK YOU GUYS FOR READING MY WORK!!!
PLEASE DO A VOTE AND LEAVE ANY COMMENTS
IT'S GIVE ME MORE ENCOURAGEMENTS TO CONTINUE?