Astrid's POV Natuod ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa bumungad sa akin, lihim kong na ikuyom ang palad ko, at hindi ko rin natago ang sakit sa mga mata ko. Pero pinatatag ko ang sarili ko at nagsimulang maglakad habang bitbit ko ang bag at isang maleta ko. "Astrid.." Tawag sa akin ni Carson, pero hindi ko siya pinakinggan, nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko. Nakikita ko na pilit siyang kumakawala sa pagkakayakap kay Chelsea pero grabe itong makayakap sa kanya. Kaya dali dali na akong naglakad hanggang sa malampasan ko silang dalawa. Pero nang malapit na akong makarating sa hagdan ay agad akong nahawakan ni carson sa aking pulsuhan kaya napaharap ako sa kanya. "Hindi mo ako pwedeng iwan, Astrid!" Tiim bagang sabi niya sa akin, sinalubong ko ang galit niyang mga mata, agad ko na

