Astrid's POV "Beh, kumain kana.." Tawag sa akin ni Shantal, pero hindi parin ako kumikilos andito parin ako nakatanaw sa bintana malalim parin ang iniisip ko at sa mga nagdaang araw din, para bang nawalan na ako ng gana pa. "Sige beh,susunod ako.." Sagot ko na lamang kay shantal, nasa mataas kami na floor kung saan ang unit ni shantal, may bahay naman sila pero dito niya ako dinala sa condo niya dahil alam niyang may pinag dadaanan ako, medyo nahihiya pa ako sa kanya, pero wala na akong ibang taong malapitan eh. Siya na lang ang kaibigan ko na pwede kong masandalan. "Hindi pwede ang ganyan beh, halika na at sabay na tayong kumain..ilang araw na din na hindi ka kumakain ng maayos, kaya hindi pwede sa akin yan.." Wala narin akong nagawa pa nang hilahin niya na ako patungo sa lamesa, a

