Astrid's POV Nakatingin lamang ako sa panyo na nakalahad sa akin at bumaling sa lalaking nasa harap ko ngayon,matangkad siya kaya kailangan ko pang tumingala sa kanya. Parang mag kasing tangkad lang sila ni carson. O carson na naman Astrid! napapailing na lamang ako. Hindi ko kilala ang lalaking ito at ngayon ko lang siya nakita. Pero ano naman ang rason niya at bakit niya inilahad ang panyo niya? Concern? sa ibang tao? Pero sa hindi ko malaman na dahilan ay kinuha ko na lang din dahil ayaw ko naman na mapahiya siya, hindi ko alam pero parang pamilyar ang mukha niya. "T-thank you.." Sabi ko pa at pinunasan ang luha ko gamit ang panyo niya at sinunod ko naman ang ilong ko at doon ko nilabas lahat ng nagbara sa ilong ko, nakita ko naman na napangiwi siya pero hindi ko na lang pinansin

