Astrid's POV Hindi ako nakakilos habang nakayakap siya sa akin, tulala ako dahil sa bilis nang pangyayari. Kaya nang mahimasmasan ako ay bahagya ko siyang tinulak at kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin, agad na umusbong sa akin ang kaba at pag aalala na baka makita kami ng parents niya. Mas lalo na talagang lumiit ang mundo naming dalawa lalo na dito sa loob ng mansyon. At sa isiping iyon ay mas lalo lamang kumikirot ang puso ko, kung noon ay malaya kaming nakakagalaw sa mansyon at ipakita kung anong meron kami ay iba na ngayon, ibang iba na ang sitwasyon. "A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pa sa kanya, nakatitig lang siya sa akin at nakita ko roon ang pag aalala sa mga mata niya. Mapait akong ngumiti. "Hindi ka pwede rito, baka makita tayo ng parents mo, i-iba na ang sitw

