Astrid POV
Lumabas ako ng kwarto ng nakangiti ng malawak at napapakanta pa ako.
Excited lang ako kasi bukas ay sabado na at day off ko pa.
ito nga at ready na akong mag trabaho ngayon, kahit ano pa ang e uutos ng lalaking yun sa akin ay gagawin ko, kasi dalawang araw akong makakapag pahinga sa aroganteng lalaking yun.
Napatigil ako ng maalala ko ka gabi ang nangyari, napanguso ako at napa iling ng ilang beses.
"Tsss, pang ilan na babae na ba yun? di ko na ata mabilang eh! Ay ewan, bahala siya sa buhay niya.."
Nagpatuloy na ako sa pag lalakad at bumaba na nga, nakita ko din si pilar na naglilinis na kung saan siya naka toka.
Pumunta lang ako ng kusina at kumain na din.
Nagpalinga linga ako kasi di ko ata nakita ngayon ang lalaking yun, o baka maaga lang siyang umalis.
Nang matapos na nga akong kumain ay nag linis narin ako, pinunasan ko ang mga antique vase pagkatapos naman ay ang mga mamahaling painting, araw araw ginagawa ko ito kahit wala naman halos dumi, ayaw kasi ni Don Rigor madumihan ang mga ito, kasi napaka mamahal tapos sa ibang bansa pa galing yung iba naman ay auction pa.
Kapag nakabasag ako ng isa dito eh kulang pa sa sweldo ko ang bayad, kaya sobrang maingat ako sa mga to.
Pero dahil sanay narin, eh wala pa naman akong nabasag ni kahit isa.
NATAPOS na nga ako sa at iba ko pang mga gawain, pinunasan ko ang pawis sa noo ko gamit ang likod ng kamay ko.
"Hay salamat naman at natapos rin.."
pumunta ako ulit ng kusina kasi mag tatanghalian na, at andito nga si inday pilar kasama si lorna na may pinag uusapan.
kumuha ako ng tubig sa ref, pero rinig na rinig ko silang nag chichismisan.
"Grabe ang ga gwapo talaga ng mga tropa ni sir carson..lalo na si sir sylus crush ko yun,pati rin si sir Calix pero wala siya ngayon eh, crush ko din yun.."
"Oo nga eh, hays iba talaga kapag mga young billionaire's"
sagot naman ni inday pilar.
"Hoy!"
Nagulat naman silang dalawa at sabay napatingin sa akin.
"Totoo ba yan? andito yung mga tropa ni Sir Carson?"
Paninigurado ko pa, tumango naman silang dalawa na nag pangiti sa akin.
"So ibig sabihin andito din si Zayne?"
tumango ulit sila.
"Eeeeh!"
Nabigla naman sila sa pag tili ko at napa iling din.
"Ay oo tama, crush mo pala si Sir Zayne.."
sabi ni lorna.
"Ssshhh wag nga kayong maingay, cge mauna na ako sa inyu, k bye!"
Hindi pa sila nakapag salita at agad na akong kumarepas ng takbo.
Alam ko naman kung saan sila nag tatambay eh, doon sa garden na may bar palagi silang nandon kapag andito mga tropa niya.
Matagal tagal na din na di ko nakita si Zayne, kamusta na kaya siya.
Nakarating na nga ako rito sa garden, pero agad naman akong nag tago dahil baka makita nila ako, gusto ko lang naman silipin si Zayne kahit sandali.
Tumataas baba ang leeg ko kakatanaw kay Zayne at ayun nga nakita ko na siya, napa awang ang bibig ko, napaka gwapo niya, mas lalong naging matipuno ang pangangatawan nito.
Kinikilig tuloy ako ngayon, naka suot siya ng white long sleeve naka tuck in ito sa pares niyang black pants, at naka black leather shoes na makintab, siguro galing pa siya ng work niya.
"Ang gwapo ni Zayne.."
Di ko mapigilan maibulalas sabay ang konti kong tili.
"Tss, mas gwapo ako diyan."
"Hindi kaya, wala ng mas gagwapo kay zayne.."
Sagot ko dito, abala parin ako kakatanaw kay Zayne.
"Really? mas magaling ako sa kanya sa kama.."
"Talaga lang? di naman siguro.."
"You want me to try it with you?"
"Tss, subukan mo.."
Narinig ko ang pag tawa niya.
Napa tigil ako, i was froze, i blink my eyes many times.
Teka ano yung sinabi niya, at sinabi ko?
Namilog ang mata pagkatapos napapikit agad ng mariin.
Sana lamunin nalang ako ng lupa.
Unti unti akong lumingon sa kanya at nakita ko ang malaking ngisi na gumuhit sa mukha niya.
Nakapamulsa siya sa harapan ko at nakatitig ng maigi sa akin.
"Gusto mo bang subukan natin ngayon?"
Napa atras ako, dahil unti unti na siyang lumalapit sa akin.
"S-sir Carson, hindi ganun ang ibig kong sabihin.."
Ngumisi lang siya sa akin at patuloy parin sa pag lapit sa akin.
At naramdaman ko nalang na may nakaharang sa likod ko at agad kong naramdaman ang pagka tumba ko.
"Araay ko po.."
Hinimas ko ang pang upo ko, tiningnan ko ng masama si Carson na nakatingin lang sa akin, ni di man lang gumalaw para tulungan akong makatayo.
Napakasama talaga ng ugali ng lalaking to.
"Hey are you ok?"
Napatingin ako sa nagsalita, kumabog ang dibdib ko.
Oh my gosh! si Zayne.
Inalalayan niya akong tumayo pero nanatili akong nakatitig sa kanya.
"Ok ka lang?"
Narinig ko ulit na tanong niya.
Agad akong tumango at ngumiti sa kanya, narinig ko naman ang pagtikhim ni Carson, pero hindi ko yun pinansin.
"what did you do to her Carson?"
tanong ni Zayne dito naka kunot ang makinis niyang noo, grabe napaka gwapo niya sa malapitan.
"What? I didn't do anything to her, tss.."
tumingin ako ng masama kay Carson, pero agad din nawala kasi tiningnan niya rin ako ng masama, kung wala lang talaga sila Zayne sa harap ko ngayon.
Hay naku!
"Hanggang ngayon binubully mo parin siya?"
Seryosong tanong ni Zayne, tumaas naman ang kilay ni Carson dito.
"I'm just treating her as my lowly maid."
malalim niyang sabi rito at nakatingin sa akin ng masama.
"why are you still like that Carson, hindi na kayo gaya ng dati na mga bata pa para e bully mo na naman siya.."- ani Zayne
"Tss, at anong pakealam mo?"
nagkatitigan sila ng masama, ramdam ko ang tensyon nilang dalawa.
"Hey, hey, stop you two, nagsisimula na naman kayong dalawa.."
umawat si Xavier sa kanilang dalawa, at yung Sylus naman ay walang pakialam sa nangyayari dito at pansin ko rin na wala si Calix yung isang kaibigan nila na professor, madalang lang din yun sumama sa kanila, printe lang naka upo si Sylus habang umiinom ng alak, sanay na din siguro ito.
"Why you so much care about her? iisipin ko tuloy na may gusto ka sa kanya."
nagulat ako sa sinabi ni Carson at napatingin ako kay Zayne, pinanlisikan ng mata ni Zayne si Carson.
"She's just a human too, is it hard for you to treat her equally?"
Galit ang tono ni Zayne.
Napatawa naman ng pagak si Carson.
"Why should i treat her well? she's just a beggar.."
habang sinasabi niya iyon ay tinitigan niya ako sa mata, walang ka emo-emosyon, sumikip ang dibdib ko na parang hindi ako makahinga.
Hindi paba ako nasanay sa kanya? mula sa mga gawain niya na nakakasakit hanggang sa mga words na binitawan niyang masasakit na tagos hanggang buto, ilang beses na din akong umiyak dahil sa pang bubully niya sa akin.
Kailan niya ba ako tinrato ng maayos?
Si Don Rigor lang talaga ang nag trato sa akin ng maayos.
Naalala ko rin ang panahon na sinabihan niya ako na isang spy at nagpapanggap lang na kawawa para ampunin ako ng lolo niya, sinabihan niya rin ako na magnanakaw lang ako sa loob ng mansyon, dahil isa lang akong pulubi.
Alam ko naman yun, pero di ko kayang gawin yun, lalo na sa taong tinrato ako ng mabuti, utang ko kay Don Rigor ang buhay ko.
Napaduko ako, kumirot ang puso ko, siguro di pa talaga ako manhid sa mga pang bubully niya sa akin, nasasaktan parin ako hanggang ngayon, naapektuhan sa mga masasakit niyang salita.
Huminga ako ng malalim, nakakahiya sa harap ni Zayne kay Sylus at Xavier, ayaw kong umiyak.
"Pasensiya na sa nangyari, kasalanan ko dahil di ko nakita yung nakaharang."
Nakaduko parin ako kaya di ko kita ang mga mukha nila.
Nagpapasalamat ako kay Zayne kasi hanggang ngayon pinag tatanggol niya parin ako kay Carson, kahit noon paman kapag andito siya.
"Tss, you're just stupid.."
Kinagat ko ng maigi ang pang ibabang labi ko dahil sa inis na nararamdaman ko, gusto ko siyang sapakin, pero di ko pwedeng gawin.
"Excuse me.."
At agad na akong umalis, dali dali akong tumakbo at pumasok sa loob ng mansyon, narinig ko pa ang pag tawag ni pilar pero di ko na ito pinansin at agad na umakyat sa itaas, nakarating na ako sa aking kwarto at agad kong sinara ang pinto, sabay naman sa pag unahan ang luha ko.
Napakasama niya talaga sa akin, ilang beses ko ng tinatanong sa sarili ko kung anong nagawa ko sa kanya? o dahil lang siguro sa mababang uri lang ako na tao, sobrang baba na nasa ilalim ng lupa lang ako, ganun nga siguro.
Wala akong lugar sa mundo nila dahil napakataas nilang mga nilalang, hindi mo sila kayang abutin.