KABANATA 5: Party!

1233 Words
Astrid's POV At dahil nga day off ko ngayong araw ay maglalakwatsa ako, magsasaya ako ngayon kahit ngayon lang para makalimutan ko man lang yung nangyari kahapon. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, naka suot lang ako ng highwaist maong short na tinernohan ko ng white long sleeve pero naka bukas ang ilang buttones nito at ang inner ko naman ay black spaghetti strap, may cute akong necklace na suot at terno din sa suot kong earring na maliit lang na diamond, bigay ito sa akin ni Don Rigor nung nag 18th birthday ako, simple lang ang birthday ko na yun kahit gusto ni Don Rigor na mag ganap ng party, pero ako na mismo ang tumanggi na hindi nalang dahil ayaw ko din naman sa mga ganoong bagay. inilugay ko lang din ang mahaba kong buhok na medyo tuyo na dahil dinryer ko pa, wala din akong masyadong nilagay sa mukha ko kasi di naman ako maghilig sa kolorete. Nang masiguro ko na na ok na ang itsura ko ay kinuha ko na agad ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto, pagharap ko sa daan ay siya namang paglabas ni Carson sa kwarto niya, mukhang may lakad din ito, natigilan siya ng makita niya ako, nakita ko pa ang pagka tulala niya na ewan ko kung bakit nalang ganyan siya maka tingin sa akin. Pero agad din nag bago ang reaksyon niya na naging walang emosyon. Tsss. Hindi ko nalang siya pinansin at agad na naglakad at nilampasan siya. Nakalabas na ako ng mansyon at hanggang sa gate lalakarin pa kasi ng konti para makarating doon sa may taxi eh Rinig ko ang paparating na sasakyan sa may likod ko at kilala ko kung sino yun. Hanggang sa dinaanan lang nga ako ng lalaking yun. "Tss, napakasama talaga!" Itinaas ko pa ang kamay ko na aambahan siya ng suntok pero malayo na siya sa paningin ko. Nang makarating na ako sa may highway agad naman akong nakapara ng taxi, sumakay na nga ako at papunta sa bestfriend kong si Shantal magkikita kami ngayon sa isang coffee shop. Pero bago ako pupunta roon dadaan muna ako ng banko dahil ngayong araw na to papasok ang pera na alawans ko na ibinibigay sa akin ni Don Rigor, kahit pa nawala na si Don Rigor ay di parin niya ako pinapabayaan nagulat nalang din ako ng sinabi ng attorney niya na every month may papasok na 50k a month sa bank account ko, grabe sobrang nagpapasalamat ako kay Don Rigor sa kabutihan niya para ko na din siyang tunay na ama. Nakarating na nga ako ng banko at chineck ko agad at pumasok nga ang 50k at dahil every month may pumapasok na pera sa account ko ay medyo malaki nadin ang ipon ko, hindi ko winawaldas ang pera nato, inipon ko dahil magpapatayo ako ng sarili kong restaurant pag dating ng panahon, yun ang pangarap ko noon pa man. Sabi pa sa akin ni Don Rigor na tutulungan niya akong makapag patayo ng sarili kong restaurant pero ako mismo ang umayaw sa kanya dahil sobra sobra na ang tulong niya sa akin, at gusto ko din na sariling sikap ko magagawa ang pinapahirapan kong restaurant. ____________ "Antagal mong babae ka! san ka pa nag pupunta ha?!" Bungad agad sa akin ni shantal. "Dumaan lang ako sa banko.." "Kanina pa ako nagugutom.." Napanguso niyang sabi habang himas ang tiyan niya. "Sige na mag order na tayo, ako na magbabayad.." tuwang tuwa naman siya at agad na nga kaming nag order. "Kamusta naman sa mansyon beh?" tanong pa ni shantal habang ngumunguya. "Ayon wala parin pagbabago, arogante parin yung amo ko, tss.." sabay subo ko sa kinakain ko, napa iling iling naman si shantal dahil sa dissapointment, alam niya din kasi lahat kung gaano ka arogante si carson alam niya sa simula palang ng pag tungtong ko ng mansyon kinuwento ko lahat sa kanya dahil siya lang naman ang naging totoo kong kaibigan nung nag highschool ako hanggang sa nag college kaming dalawa hanggang sa naka graduate kami kaya hanggang ngayon magkaibigan parin kami. "Baka talaga may gusto yun sayo beh.." nabulunan ako sa sinabi niya kaya na hampas ko ang dibdib ko ng ilang beses, agad niya naman akong binigyan ng tubig." The heck! na magkakagusto sa akin ang isang Carson Hendrix na walang ibang ginawa kundi ang insultuhin ako at pahirapan. "Yan ang hindi mangyayari, napaka imposible.." "Baka lang naman kasi dinada an niya lang sa pagiging arogante niya, ayaw niya lang umamin, dahil-----" Itinaas ko ang kamay ko para matigil na siya, kinikilabutan ako sa pinagsasabi niya eh. "Awat na! Day off ko ngayon at ayaw kong marining ang pangalan niya o pag usapan man lang siya, gusto ko lang mag saya ngayon sa day off ko.." Napa tango tango naman siya sa sinabi ko sabay pinaningkitan niya ako ng mata, pero agad din nag bago at ngumiti ng malawak. "Oh, gusto mong mag saya ngayon?" Malaki ang ngiti niya sa akin. tumango naman ako sa kanya, nagulat pa ako ng pumalakpak siya. "Tamang tama, yung friend ko na si Agot birthday niya ngayon at mag cecelebrate siya, kaya dun tayo pupunta." "At saan naman mag cecelebrate?.." "Sa bar, masaya dun." sabay mapangloko niyang ngiti at tumataas baba pa ang kilay niya. "Ayaw ko dun, masyadong maingay.." "Ang kj mo talaga! basta doon tayo, sa ayaw at sa gusto mo.." May magagawa pa ba ako? Tumayo na nga siya at hinila ako palabas. "But before that we need to buy clothes to wear, at kailangan nating mag paganda." May pa ganun pa talaga? ok naman tong suot ko. "Choks na tong suot ko uy!" Ngumiwi naman siya sa sinabi ko. "NO WAY!" At hinila niya na naman ako papasok ng kotse niya, at ilang minuto pa ay nakarating na kami ng mall, pumunta kami ng salon at nag paganda, nag pa make up pero sa akin ay light lang naman tapos yung mahaba kong buhok ay pinakulot ko, tapos si shantal naman ay nag pa kulot din ng buhok hanggang shoulder lang yung buhok niya, at make up naman niya ay light lang din pero ang pula ng labi, bumagay naman din sa kanya. At ito kami ngayon naka harap sa malaking salamin. "Woooohh ikaw ba yan Asrtid baby?" Natawa naman ako sa sinabi niya. Nakita ko ang kabuohan ko sa salamin, nakakapanibago kasi di naman ako nag susuot ng ganitong damit. Nakasuot ako ng champagne color silk dress na may straps na hanggang sa hita ko ang haba, humubog ito sa katawan ko at lantad ang makinis kong balat, kitang kita din ang neckline ko, naka sout din ako ng layer necklace, at high heels na hanggang 3 inches ang haba, ayaw ko pa sanang suotin kaso wala akong magawa dahil palagi akong kinukulit ni shantal, kesho ngayon lang daw. Tsss. "Grabe ang sexy at ang ganda mo pala kapag naayusan, hindi mo man lang sinabi sa akin na may tinatago ka palang alindog." Natawa naman ako sa sinabi niya. Siya naman ay naka suot ng maikling fitted black dress na humubog din sa maganda niyang katawan. "Are you ready na ba beh??!!" Umiling ako, dahil hindi naman talaga ako ready, kinakabahan ako na ewan, first time ko kasi to eh! "ALRIGHT LET'S GOOOO!!" Malakas na sigaw ni shantal, at wala nga akong nagawa ng hilahin niya na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD