KABANATA 6: Hot chick!

1327 Words
Third Person's POV Mula sa itaas at VIP room pero tanaw naman nila ang mga tao sa baba na nagsasayaw at yung iba naman ay busy sa mga kung anong ginagawa, naka tambay si Carson at ang mga kaibigan niya na sina Zayne, Sylus at Xavier habang si Sylus at Xavier ay may katabing mga babae na nakalingkis sa mga ito. Si Carson ay prenting naka upo at umiinom ng alak kanina pa siya na bobored, habang naka tingin sa paligid naghahanap ng babae na makalandian niya, sa kanilang apat si Zayne lang ang hindi babaero at tahimik rin naka upo sa upuan nito at umiinom ng alak,may lumalapit na mga babae rito pero ito mismo ang tumatanggi. "Wala ka pa bang nahahanap na chicks Bro?" si Xavier at ang kinakausap nito ay si Carson. Ang mga mata niya ay pumaikot sa paligid pero wala namang nakaka kuha ng atensyon niya. "Nah" walang gana niyang sagot rito sabay lagok ng alak nito. ILANG minuto pa ang lumipas ng may pumasok na grupo ng mga kababaehan at agad nakuha ang atensyon ni Xavier. "Woooh! that chicks look so hot.." Nabaling naman ang atensyon nilang tatlo sa pag lakas ng boses ni Xavier at ang kanilang tingin ay nakapako sa mga babaeng papa akyat na sa kung saan din sila naroon. Napatuwid ng upo si Carson dahil isa lang ang naka agaw ng atensyon niya ngayon ang babaeng naka suot ng silk dress na kulay champagne, di naman maitatanggi kasi halos lahat ng mga kalalakihan ay napapatingin dito partikular lang dito kahit may mga kasama itong apat na babae ay nangibabaw ang ganda nito. "Yeah, she's fcking hot.." Anas ni Carson at napakagat labi pa siya, ngayon niya lang nakita ang dalaga, ito ang palagi nilang pinupuntahan na bar magbarkada kapag wala silang trabaho na apat,pag mamay ari din ito ni Sylus. Halos lahat ng nandito ay naging familiar na sa kanila, kaya ngayon ay natutuwa siya sa bagong dating na babae. Nakita niya ang pagbago ng reaksyon ni Zayne na kaharap niya lang, nakatingin din ito sa babaeng tinitingnan niya. "What the heck! is that Astrid?" Hindi makapaniwalang bulalas nito, bakas din sa mukha ni Zayne ang pagka gulat, he's mouth slightly open. Bigla ang pag kunot ng noo ni Carson at agad na tinitigan ng mabuti ang dalaga, napalunok siya ng masiguro na si Astrid nga ito. Parang nanuyot ang lalamunan niya ng halos hindi niya ito makilala, or hindi nga niya ito nakilala dahil sa itsura nito ngayon. "I knew it! kaya pala familiar siya eh." bulalas ni Xavier. "She looks different, and your right bro she's hot.." Di makapinawalang bulalas ni Zayne, nag igting ang panga ni Carson sa nakikita ngayon. Umupo na ang mga ito sa bakanteng upuan na malapit lang din sa kanila at kitang kita niya ang dalaga dahil magkaharap lang silang dalawa,mas lumantad ang mapuputi at makinis na hita nito ngayon dahil sa pag upo, pero hindi pa siya napapansin nito. "What the fck is she doing here!" Halos mabasag na ang hawak niyang baso sa inis, ngayon niya lang nakita ang dalaga na mag suot ng ganito,hindi naman ito mahilig sa mga ganitong lugar, mas lalong nag ngitngit sa galit si Carson ng makita niya ang halos lahat na lalaki na nakapako lang ang tingin kay Astrid na walang pakialam na pinag pepyestahan na siya ng mga ito. SA table nila Astrid ay di siya mapakali, dahil hindi rin siya sanay sa ganitong lugar, napapansin niya ang mga titig ng mga lalaki sa kanila, at ayaw niya ng ganun ang gusto niya na lang ay umalis pero magiging kj naman siya kapag ginawa niya iyon. Inisip niya nalang na minsan lang din naman kaya pagbibigyan niya nalang din ang sarili niya kahit ngayon lang magpapakasaya muna siya, experience nalang din ika nga. "Ok girls let's enjoy this partyyy!!!!" Malakas na sigaw ni Agot ito ang may kaarawan ngayon. Sumigaw naman ang mga kasama nito pero si Astrid lang ang hindi makasabay at pilit ang ngiti. "Beh, ok ka lang?" tanong sa kanya ni shantal na kanyang bestfriend. "Oo na ewan.." "Ano ka ba mag enjoy nalang tayo ok? kalimutan mo muna ang arogante mong amo!" malakas na sigaw nito dahil halos hindi sila mag dinigan dahil sa malakas na music. Tumango nalang si Astrid. Nagsimula nga silang uminom, at unang inom ni Astrid sa tequila ay ngumiwi ang kanyang mukha dahil sa tapang ng alak, agad na humagod ito sa kanyang lalamunan. Habang nagkakasiyahan sila ay may lumapit sa kanilang mga lalaki at gustong makihalubilo sa kanilang lima, pumayag naman sila agot pati ang mga kasama nito, agad naman na tumabi ang isang lalaki kay Astrid na ikinagulat pa niya. "Hi! I'm carlo.." Pagpapakilala nito, kinuha naman ni Astrid ang kamay nito at nakipag kamay, nilagok niya ulit ang tequila at ngumiwi na naman ang reaksyon niya dahil sa tapang nito. "I'm As----" Hindi natapos ang sasabihin ni Astrid ng siniko siya ni Shantal na katabi niya rin sa bandang kaliwa, napatingin siya sa kanyang kaibigan at binulungan siya nito na ikinalaki ng mga mata niya. "My goodness beh, yung arogante mong amo andito, nakatingin sayo ng masama." Ngumuso si shantal kung saan ang tinutukoy nitong binata. Bigla ang pagkabog ng dibdib ni Astrid sabay ng panunuyot ng lalamunan niya. Unti unting binaling niya ang tingin sa harap niya at napasinghap siya ng masalubong ang mata nito na masama ang tingin sa kanya, nakapako lamang ang mata nito sa kanya na parang wala itong nakikitang ibang tao roon. Nakikita niya ang madilim na awra nito ngayon, sunod sunod ang paglagok nito ng alak at pabagsak na inilagay ang baso nito sa mesa , tumayo ito at malalaki ang yabag na lumapit sa kanila partikular sa harapan niya, napatingala si Astrid dito. Narinig niya rin ang tilian ng mga kasama niya ngayon. "OMG SI CARSON HENDRIX ANDITO!" Rinig niyang sigaw ni Agot. "MY GOODNESS ANDITO PALA ANG MGA YOUNG BILLIONAIRE'S KYAAAA!!!!" Dagdag pang sigaw ng isa nilang kasama. Napaismid si Astrid habang nagkatitigan sila ni Carson. "Get your fcking hands of her!!" Malakas ang boses nito na nagpatigil ng mga tilian ng mga kasama nila. Ngayon lang din napansin ni Astrid ang kamay na nakapulupot sa bewang niya, ang kamay ng lalaking katabi niya na si Carlo. Agad naman itong tinanggal ng lalaki bakas dito ang takot sa mukha dahil sa reaksyon ni Carson na any moment ay aambahan siya ng suntok. Nararamdaman na ni Astrid ang epekto ng alak, dalawang shots lang yun pero nahihilo na siya, di naman kasi siya sanay uminom. Bigla siyang tumayo at tiningnan ng masama ang kaharap niya mataas ito kaya medyo napatingala pa siya rito. "Ano bang kailangan mo?!!" Malakas na sabi ni Astrid dahil sa hindi sila magka dinigan ng binata, hindi ito sumagot instead ay marahas siyang hinila nito at dinala sa vip table nila. Napatingin si Astrid sa mga kasama nito naka ngayon ay nakatitig na sa kanilang dalawa ni Carson. May mga babaeng kasama ang mga ito expect lang kay Zayne mataman nakatitig sa kanya habang umiinom. Medyo nagulat pa siya kay Zayne, nakaramdam tuloy siya ng hiya dito, lalo na sa itsura niya ngayon, pero mas nangibabaw ang inis niya sa lalaking kaharap ngayon. "What the fck are you doing here?!" Galit na tanong nito. "Nagpaparty dahil day off ko!" Halos magkalapit ang mukha nila pero di nila alintala iyon. "Ano ba yang suot mo para kang pokpok!" Napa awang ang bibig ni Astrid sa sinabi nito at mas umusbong ang inis nito. "Hoy Carson! sumusobra kana talaga! kahit dito iniinsulto mo ako! Wala tayo sa loob ng mansyon para ganituhin mo ako! at hindi na ako bata para pag sabihan mo! Hindi ako yung batang dugyot dati na pinapahirapan mo!" Habang nagsasalita ang dalaga di maiwasan mapatitig ni Carson sa magandang mukha nito, partikular sa mga labi nito na masarap sigurong halikan. A smirk form into his lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD