Third Person POV
Napaatras si Astrid dahil sa paglapit ni Carson sa kanya.
"Anong ginagawa mo?! wag kang lumapit sa akin!"
Sigaw niya rito, pero wala itong narinig sa kanya hanggang sa naramdaman niya ang malamig na railings na dumikit sa likod niya, na corner na siya ng binata.
"Yeah you're right, hindi na tayo mga bata pa, so ibig sabihin..."
Nagsi tayuan ang mga balahibo niya sa braso dahil sa ngiti nitong parang manyak, pero hindi siya nag pa tinag dito at tinitigan ito ng masama.
"Pwede na kitang tikman?"
Mapang akit nitong sabi sabay kagat pa nito sa pang ibabang labi.
Napanganga si Astrid sa sinabi nito at dahil sa inis niya ay mabilis na dumapo ang kamay niya sa makinis nitong mukha, dahilan para mabaling ang tingin nito sa gilid.
Narinig niya rin ang pag singhap ng mga tao sa paligid dahil sa nasaksihan pero walang paki alam si Astrid dahil galit ang nararamdaman niya ngayon sa binata, alam niya sa sarili na di niya kayang gawin ito pero dahil sa alak nag karoon siya ng lakas ng loob.
Kulang pa nga ang isang sampal para dito kumpara sa ilang beses siyang umiyak dahil sa pang iinsulto nito at pagpapahirap sa kanya.
Tinulak niya ito kaya napalayo ito ng bahagya sa kanya.
"Bastos! Wag mo akong itulad sa mga babae na dinadala mo sa mansyon!!"
Napatayo na rin si Zayne para awatin sana ang dalaga pero nakikita niya ang inis at galit dito kay Carson, napangiti siya ng bahagya, ito pa lang ang nakasampal kay carson, lahat ng babae ni carson ay hindi umaayaw sa kanya, hinahabol pa nga ang mga ito at nag mamakaawa na wag iwan.
Tiningnan ni Carson si Astrid ng masama.
"How dare you slap me?!"
Nag igting ang panga ni Carson at mas lalapit pa sana sa dalaga.
"Sige subukan mo! hindi lang sampal ang aabutin mo sa akin Carson Hendrix!"
Matapang nitong saad na aambahan pa sana siya ng suntok.
Agad namang umalis si Astrid sa harap nila at dali daling bumalik sa table nito.
Humagalpak ng tawa si Xavier kay Carson dahil sa nasaksihan, si Zayne naman ay natatawa rin pati si Sylus.
Ito ang unang beses na may nakalaban na babae ang isang Carson Hendrix.
Napatiimbaga si Carson at marahas na napa upo ulit, hindi siya makapaniwala na ganun ang dalaga at matapang itong sampalin siya at ambahan ng suntok, dahil narin siguro sa alak kaya malakas ang loob ng dalaga.
SA table nila Astrid ay padabog siyang umupo inis na inis siya sa binata, na akala nito kung sinong hari.
"Ok ka lang beh?"
Pag aalalang tanong ng kaibigan niya.
Tumango lang siya at sabay na ininum ang alak na nasa baso.
Napatingin siya sa mga kasama niya at masama ang tingin nito sa kanya, dahil narin sa pag sampal niya sa binata, kung alam lang talaga nila kung gaano ito ka arogante sa kanya.
Dinagdagan pa niya ang kanyang alak sa baso at deri deritso iyon ininum.
"Hoy! beh! hinay hinay lang!"
Awat nito sa kanya.
“Beh, kahit anong mangyari kahit malasing ako wag na wag mo akong ibibigay o isasama sa lalaking yun! Ok?”
Mabilis naman itong tumango.
Bumaba na ang iba nilang kasama at pumunta sa dance floor.
Tumayo siya at hinila si shantal.
"Tara sa dance floor beh!"
"Seryoso ka ba beh?"
Tumango siya rito, gusto niyang mawala ang inis na nararamdaman niya gusto niyang magpaka saya, bahala na bukas kung anong mangyayari sa kanya.
NAKITA ni Carson ang pagbaba ni Astrid at ang kasama nitong babae patungong dance floor, wala na siyang ibang binantayan kundi ang dalaga at ngayon ay nagsasayaw na ito sa dance floor.
"Fck! Damn it!!"
Malulutong ang mura na kumawala sa kanya, habang tinitingnan ang dalaga sa pagsasayaw, kumekembot ang matambok nitong pwet, habang ang mahubog nitong katawan ay gumigiling.
Napalunok si Carson sa nakikita, inisa niyang nilagok ang alak sa baso niya.
Naninibago siya sa dalaga, hindi naman ito ganyan, o dahil lumipas lang talaga ang ilang taon at tuluyan na nga itong naging hinog sa paningin niya.
Mas lalong nag igting ang panga niya na ang mga tingin ng mga lalaki ngayon ay sa dalaga lamang nakapukol.
Di siya mapakali sa inuupuan niya gusto niyang itong lapitan at kargahin at i alis na ang dalaga sa lugar na to, di niya maipaliwanag kung bakit ganito nalang ang asta niya ngayon, gayung wala naman siyang paki alam sa dalaga.
Mas naging wild pa ang pagsasayaw nito ngayon na wala ng paki alam na tumataas na pala ang dress nito na mas lalong lumalantad ang mapuputi at makikinis nitong hita.
"Oh sht!"
Tumayo na siya ng may lumapit dito na lalaki at sinayawan ito ng sobrang lapit humahawak pa ito sa bewang ng dalaga, ang ikinagalit niya ay wala ng paki alam ang dalaga kung sino man ang humahawak nito dito, nalasing na nga siguro ito dahil nawala na ito sa katinuan.
Malalaki ang yabag niya na lumapit sa mga ito, walang sabi sabi na hinila niya ang dalaga papalapit sa kanya.
Tiningnan niya ng masama ang lalaking humahawak dito kanina at agad naman na umalis ito.
"Ano ba! gusto kong mag sayaw!"
Pilit itong kumakawala sa kanya pero mas lalo niyang lang hinigpitan ang pagkakahapit sa bewang nito, sobrang lapit niya na sa mukha ng dalaga, naamoy niya rin ang matamis na pabango nito, na mas nagpapalasing sa kanya.
"Stop this Astrid! lahat ng lalaki nakatitig sayo!"
"Ano bang pakialam mo?! bitawan mo nga ako!"
Nagpupumiglas ito pero hindi siya natinag.
Nagbago ang ekspresyon ng dalaga at tinitigan siya nito ng may ngiti sa labi, dahilan para mapalunok siya. Mapang akit ang mga ngiti nito sa kanya, na nagpakabog sa dibdib niya.
"Gusto mo bang sayawan kita?"
Mapang akit nitong sabi sabay kagat nito sa ibabang labi.
Nagtaas baba ang kanyang adams apple, at uminit bigla ang katawan niya.
"Fck! stop it Astrid!"
Nahihirapan niyang anas.
Pero mas lalo itong lumapit sa kanya habang ang daliri nito ay humaplos sa kanyang dibdib pababa sa tiyan niya.
Bago pa ito mas bumaba ay agad niyang pinigilan ang kamay nito
“Sht! Let's go home!”
Hinawakan niya ang kamay nito para hilahin pero ayaw nitong magpahila.
“Teka ano ba! Gusto ko pang sumayaw eh.”
Nabitawan niya ang kamay nito at nag simula na naman na mag sayaw sa harap niya.
Napatitig siya ng maigi dito, mas lalo tuloy itong naging sexy sa paningin niya, malambot ang katawan nito habang sumasayaw ng malumanay, sumasabay ang pag indayog nito sa musika na parang mas nang aakit sa kanya ngayon, at yun nga ang nangyayari ngayon.
Na aakit na siya rito.
Ilang beses na siyang napapamura sa isip niya.
Agaw atensyon na naman ang dalaga sa mga mata ng mga kalalakihan ngayon ang iba ay malagkit ang mga pinupukol na tingin dito.
May gustong lumapit dito pero agad na tinitingnan niya ng nakakamatay na tingin kaya agad ding lumalayo.
“Woooh ansaya!”
Lumapit siya rito at hinawakan sa pulsohan.
“Enough Astrid! let's go home!”
Tiim baga niyang sabi.
“Ayaw ko nga!”
Napanguso ito sabay ngiti, nabigla siya ng hilahin siya nito at nagsayaw sa harap niya na sobrang dikit sa katawan niya nasasamid pa nito sa pwet ang ibabang parte niya na kanina pa tumitigas.
He groan in frustration.
“Fck sht!!”
Iba pala ito pagnalalasing, delikado sa kanya.
Wala na siyang ibang paraan na na isip kundi ang bitbitin ito na parang isang sakong patatas.
At yun nga ang ginawa niya, nagsisigaw ito kaya nasa kanila ang atensyon pero wala na siyang paki alam pa.
“Aaahh ano ba! Ibaba mo ako! Sino ka ba!”
Pagpupumigla nito, pero hinayaan niya lang itong hampasin ang likod niya.
“Saan mo siya dadalhin?”
Nakaharang ang kaibigan nito na si shantal.
“I'll take her home.”
“Hindi pwede, nangako ako sa kanya na hindi ko siya ibibigay sayo!”
Pagharang parin nito, hindi narin gumagalaw pa si Astrid siguro ay nakatulog na ito.
Tinaasan niya lang ito ng kilay at seryosong tiningnan.
Tinulak niya ng mahina ang babae sa gilid kaya wala itong nagawa pa at tuluyan na ngang nakalabas sila.
Agad niyang ipinasok ang dalaga sa front seat ng sasakyan niya na wala ng malay.