Astrid's POV "Beh! gising!" Kahit inaantok pa ay minulat ko ang mga mata ko at napatingin kay shantal, bumangon naman ako at nag kusot ng mga mata. "Bakit ba?" "Ano ka ba gabi na! let's go na sa bar!" Nakabusangot niyang sabi, tiningnan ko naman ang labas at madilim na nga. Napahaba pala ang tulog ko, nang matapos kasi kaming maligo kanina at maglaro ng volleyball ball ay nagbanlaw na ako pagkatapos ay humiga at di ko na napansin na nakatulog na pala ako. "Sandali magbibihis muna ako, lumabas kana.." Sabi ko pa na agad niya namang ikinangiti, ng makalabas na si shantal ay naghalungkat na ako ng damit, dala ko rin yung ibang damit na binili ni carson para sa akin. Di ko tuloy mapigilang mapangiti dahil sa dami ng damit at sapatas na binilo niya para sa akin. Hindi ko talaga maintin

