Astrid's POV Nakaupo kami ni Zayne sa kahoy kung saan kami naka pwesto ni carson nung nakaraang gabi, nakaharap kami sa dalampasigan at ganun parin ay maliwanag parin ang buwan at kalmado ang dagat. Nawala tuloy yung pagkahilo ko kanina. "Here.." Nabaling ang tingin ko kay Zayne habang inilagay niya ang kanyang jacket sa balikat ko, napangiti ako pero bakit wala na akong maramdaman na kilig? bakit wala ng spark? nagtataka ako kung bakit eh dati naman kinikilig ako kay zayne. "Thank you, zayne.." Umupo na ulit siya sa tabi ko. "Hindi kana ba nahihilo?" "Hindi na, nawala ang hilo ko habang tinitingnan ko ang maliwanag na buwan at ang payapang dagat." Nakangiti ako habang pinagmamasdan ko ang buwan at dagat, pansin ko rin ang pagtitig sa akin ni zayne kaya nabaling ang tingin ko sa k

