Bagaman nalaman na ni Luis ang posibilidad na si Sammuel ang siyang muling nagpaparamdam sa kanyang pagkatao ay pinabayaan na lang niya iyon. “Mukhang nakatutulong naman din kahit papaano ang kapatid mo, babae.” Gumaan na ang kanyang kalooban sa nakababatang kapatid ni Sammuel, kahit pa hindi pa naman niya ito lubusang nakikilala. “Hindi natin sigurado, tsaka napakatagal na ng kapangyarihan ko na sinasabi ni Kuya Sammuel,” sa pagbanggit ng pangalan na iyon mula sa mismong bibig ni Sam ay roon na napagtanto ni Luis na tama nga siya ng iniisip. “Pero susubukan ko pa rin, nangako na ako sa sarili kong hindi ako lalabas sa silid na ito hangga’t hindi kita natutulungan.” Muli na siyang nagsimula sa pagtakbo habang nakahawak pa rin kay Luis. Luminga-linga sa paligid ang dalawang tumatakas mula

