Pinitik-pitik ni Ymir ang dragon ngunit hindi pa rin ito gumagalaw kahit ilang beses niya pa iyon pitikin. Ang mga mata lang nito ang tanging kumikilos kaya nakikita pa rin ni Draxi ang mga nangyari o nangyayari. "Ano ba ang nangyari sa Ate Rian mo?" biglaang tanong ni Draxi kaya napahinto si Ymir sa pagpitik tsaka siya humarap sa dragon. "Hindi ko alam, parang naging iba na siya... Hindi siya yung nakilala kong Ate Rian noong unang pagkikita namin dito kanina..." Nagbadya na uli ang mga luha ni Ymir sa kanyang halo-halong emosyon. "Mukhang may ibang nakapasok sa elimination room niyo na hindi natin napansin. Maski ako ay hindi ko na maigalaw ang kahit anong parte sa aking katawan, hindi pa ito nangyayari sa akin kahit kailan," pahayag ni Draxi sa kanyang sariling karanasan na maaaring m

