Chapter 85

1149 Words

Unti-unting naglaho ang kapaligiran ng mga estudyanteng nakapaloob sa Elimination Grounds. Ang kaninang napakalawak at napakagandang silid aklatan ay nawala na rin at bumalik na sa dating anyo ang Elimination Grounds na kung saan purong itim at ang kalupaan lamang ang naroroon. Hindi na nagtaka ang dalawang lalaki sa pagbabagong iyon dahil alam nila ang kani-kanilang pagkakamali, na pati ang isang inosenteng babae na dapat ay walang kinalaman sa kanilang paglalaban ay nadamay na. “Ikaw, Evan? Alam kong una pa lang ay duda na ako sa tunay mong intensyon pero binigay ko pa rin ang tiwala ko sa ‘yo dahil sa naniniwala ako kahit papaano, na gugustuhin mong maging matagumpay sa patas na pamamaraan,” naiinis na ani Draxo kay Evan ngunit wala namang emosyon ang lalaking iyon na para bang hindi m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD