Pumalakpak si Jazz sa mga salitang narinig niya mula kay Lian. Ikinatuwa niya ito dahil sa katotohanang bata pa lamang si Lian at ang kanyang mga kaibigan ay ganoon na sila mag-isip. "Maganda nga naman ang sagot mo ngunit... uulitin ko ang tanong ko. Handa ka na bang paslangin ang kaibigan mo?" wika ni Jazz sa babae na agad naman din tumango. "Very well," maikling komento niya tsaka niya itinapat ang kamay niya sa isang pader ng silid na iyon. Ang isang hilera nito ay naging kulay itim matapos itong sunugin ni Jazz hanggang sa tuluyan na ito maging abo. "Kung tunay ka na ngang desidido, lumabas ka na at dito ka dumaan. Hanapin mo kung nasaan si Ruby pero sasabihin ko lang ito bilang gabay mo... mahirap makita, makausap o mahawakan si Ruby," pagpapayo niya kay Lian habang tinutulak-tulak na

