Mula sa isang nakagigimbal na pangyayaring pinagdaraanan ng magkakaibigan ay muli nang nagkaroon ng malay ang isa sa dalawang kababaihan. “R-Rian…” bulong ni Ruby kasabay ng pagtapik niya sa likuran ng kanyang tinatawag. Hindi siya napapansin ni Rian kahit ilang beses niya pa itong tapikin at tawagin kaya’t pinilit niyang igiling ang kanyang katawan upang makaalis sa pagkakahawak sa kanya ni Rian subalit, kahit na ganoon din ang gawin niya ay wala pa rin iyon naging epekto. “Rian!” Masyadong nakatuon ang atensyon niya kay Sammuel dahil sa kanyang kahilingan doon na muli nang ibalik si Luis sa kanila, hindi naman siya pinapansin ng higante at nagpatuloy lang ito sa pagdadabog. Hinigpitan ni Rian ang kapit niya sa kapatid at sa kanyang kaibigan nang umaandar ang biyak patungo sa kanilang dir

