CHAPTER 3

1694 Words
AGATHA'S POV "So kumusta kayo guys? Ay teka! Unahin natin ang ngayon lang umattend sa reunion natin, Ms. Agatha." Masayang panimula ni Micah. Naikwento na sa akin nina Liza na kada reunion ay may mga ganito raw talaga. Isa-isang tinatanong ng president namin ang mga kaklase namin at kinukumusta. "Kumusta ang buhay Manila?" Dugtong pa ni Allan. Sa amin kasing batch, ako lang ang naglakas loob na makipagsapalaran sa Manila. Halos lahat kasi sila ay may maaayos na buhay dito sa probinsya. "Heto, nakasurvive naman." Pabiro kong sagot sa kanila na ikinatawa nilang lahat. Maski si Kean ay tumawa rin. "Akala ko may kasama ka nang boyfriend." Sabi naman ni Vince. "Wala sa isip ko 'yan. As of now, focus muna ako sa resto namin." Lumagok ako ng beer at saktong nakatingin pala sa akin si Kean. Muntik pa akong masamid pero hindi ko na lang pinahalata. "Pero matanong ko lang, hindi ka na nagkaboyfriend after niyo magbreak ni.." Hindi na naituloy ni Micah ang sasabihin niya dahil nginitian ko siya. "Akala ko ba kumustahan ito. Bakit parang ako lang ang iniinterview niyo?" Pabiro kong tanong sa kanila. "Ikaw lang naman kasi ang laging absent kaya natural, ikaw ang tatadtarin namin ng tanong." Mahabang paliwanag naman ni Allan. "Okay sige. Pagkagraduate ko ng college, lumuwas agad ako ng Manila. Natanggap naman ako at tumagal ng anim na taon. Sa loob ng anim na taon na 'yon, nakapagpundar na kami ng pamilya ko ng resto. Hanggang sa makakilala ako ng editor at doon na ako nag-umpisang magsulat ng mga novels. Naging maayos naman ang pagsusulat ko kaya nagresign na ako, at heto nga, pinili ko nang dito sa probinsya natin. At least dito, mas makakapag-concentrate ako sa pagsusulat ko." "So nasaan doon ang lovelife mo?" Pangungulit pa ni Allan. "Wala. Wala na akong time para sa mga ganiyang bagay. I mean, makakapaghintay naman 'yan. Sa ngayon kasi, future ko muna at future ng pamilya ko ang priority ko. Ayoko rin kasing makakilala ng iba then sa huli, hindi rin magwowork. Gusto ko kapag nagmahal ulit ako, siya na talaga ang makakasama ko." Tumatalab na yata sa sistema ko ang alak dahil nagiging madaldal na ako. Kung ano-ano na ang sinasabi ko sa mga kaklase ko. "Wow! 'Yan ba ang epekto ng pagiging writer mo?" Tanong sa akin ni Nancy. Maski sila ay nagugulat sa mga sinasabi ko. Hindi kasi ako ganito kalalim magsalita noon. "Maybe. Ayoko kasing matulad sa mga characters ko. I want a simple life as much as possible." Lumagok ulit ako ng beer at naubos ko na ang isang bote. Agad naman akong inabutan ni Allan nang panibagong beer. "Now I'm curious. Saan ka kumukuha ng inspirasyon kung wala kang lovelife?" Tanong naman ni Hazel. "Sa mga taong nakakasalamuha ko, sa mga pangyayaring nasasaksihan at napapanood ko. Ultimo mga simpleng scenario sa kalsada, nagagawan ko ng kwento. Kaming mga writer, hindi namin kailangan ng lovelife para magkaroon ng story fabric." Nagpalakpakan ang mga kaklase ko na ikinagulat ko naman. Napailing na lang ako. "Iba na talaga si Agatha ngayon guys! Pero masaya kami sa mga achievements mo." Nakangiting sabi ni Vince. "Sa ngayon, isa na lang ang hiling namin. Ang magkaroon ka na ng boyfriend." Sabi naman ni Allan. "At dahil diyan, let's do the spin the bottle!" Masayang suhestiyon ni Celine. Agad namang nagsang-ayunan ang mga kaklase ko. Lumipat kami sa may infinity pool dahil maliwanag doon at may malawak na space. Paikot ulit kaming naupo at ganoon pa rin ang arrangement namin. Kumuha si Allan ng isang empty bottle at inilagay iyon sa gitna namin. "Okay. Ganito ang mechanics. Kung sinong matapatan ng nguso ng bote, siya ang gagawa ng dare at ang dare ay bubunutin dito sa fish bowl. Mayroong 50 na dares dito. At para na rin sa kaalaman niyo, may isang dare dito na good for one week. Ibig sabihin, gagawin ang dare sa loob ng isang linggo. Kaya good luck guys!" Inilagay ni Micah ang fish bowl sa gitna. Si Allan naman ay naglagay din ng dalawang bote ng tequilla, asin at lemon sa gitna. "At kapag hindi nagawa ang dare or hindi tinanggap ang dare, three shots of tequilla." Dugtong pa ni Cheska. "Ako na ang magstart ng pagspin." Hinawakan ni Micah ang bote at inispin ito. Sa bawat tapat ng bote sa akin ay nadadagdagan ang kaba sa dibdib ko. Ito ang isa sa pinaka ayaw ko na laro. Naglaro kasi kami nito dati at hindi ko nagustuhan ang dare na nabunot ko noon. Pero dahil sa takot ko noon na umuwing amoy alak, wala akong nagawa kundi ang sundin ang dare. At ang dare na 'yon ay sayawan ng sexy si Kean. Ayoko nang maalala ang mga panahong iyon kaya mabilis kong kinatok ang ulo ko. "Ang buena mano natin ay si Allan." Tumayo si Allan at lumapit sa gitna. Bumunot siya ng dare sa fish bowl at malakas na binasa iyon. "Holding hands with your enemy for one hour." Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Ang pinaka enemy niya kasi sa amin ay ang ex niyang si Nicole. "So dare or three shots?" Nanghahamon na tanong sa kaniya ni Micah. "Ayokong maging kj sa larong ito. So it's a dare." Lumapit si Allan kay Nicole. Inirapan naman ni Nicole si Allan dahil hindi siya makakatanggi. Kapag tumanggi siya ay limang shots ng tequilla ang kapalit. "And your time starts now!" Malakas na sabi ni Micah. May hawak siyang cellphone na sa tingin ko ay naka-timer. Agad hinawakan ni Allan ang kamay ni Nicole na siyang nakapagpasigaw sa mga kaklase namin. Ang iba ay sumisigaw pa ng salitang "comeback". Simula nang maghiwalay kasi silang dalawa ay daig pa nila ang aso't pusa. Friendly si Allan at palaasar kaya siguro laging nagagalit sankanya ni Nicole. Muling pinaikot ni Micah ang bote. Habang patuloy itong umiikot ay panay din ang lagok ko sa aking beer. Halos mauubos ko na ang pangalawang bote. "Mr. Kean, it's your turn." Tumayo si Kean at pumunta sa gitna. Bumunot siya ng papel sa fish bowl. "Remove your shirt until the game is done." Mahina niyang basa pero rinig naming lahat. Napailing na lang ako. Kung babae pala ang nakabunot ng dare na 'yon, kawawa siya. Agad hinubad ni Kean ang kanyang shirt. Tumambad sa amin ang matipuno niyang katawan at naghiyawan naman ang mga babae kong kaklase. Hindi ko napigilan ang mapatitig sa kanyang katawan. Hindi ako appreciative sa mga well-built na katawan pero hindi ko talaga maialis ang tingin kay Kean. Hanggang sa napagawi ang tingin niya sa akin kaya agad akong umiwas. Nilagok kong muli ang beer at napagtanto kong wala na pala itong halos laman. "O girl, mukhang kailangan mo ng maraming beer ngayon." Bulong sa akin ni Celine habang inaabot sa akin ang panibagong bote ng beer. Agad ko naman iyong tinanggap at ininom ulit. Halos mangalahati sa bote ang nainom ko na ikinatawa naman ng mga kaibigan ko. Muling pinaikot ang bote kasabay ng bahagyang pag-ikot din ng paningin ko. "Ms. Agatha!" Tuwang tuwa na tawag sa akin ni Micah. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tumayo. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na halos ito na lang ang naririnig ko. Pinilit ko ring maglakad ng maayos palapit sa fish bowl. Nahihilo na ako pero kailangan kong hindi ipahalata sa kanila na medyo nalalasing na ako. Pagkalapit ko sa fish bowl ay agad akong bumunot ng magiging dare ko. "A week with your ex." Kusang nabitawan ng mga kamay ko ang mumunting papel kasabay ng malakas na hiyawan ng mga kaklase ko. Para akong nabingi sa sarili kong boses at ayaw tanggapin ng sistema ko ang nabasa ko. "Ang mapalad na nakabunot ng pinakamatinding dare ay si Agatha." Pagkumpirma ni Nicole. "Wait. Pwede ko namang hindi tanggapin ang dare 'di ba? Give me three shots of tequilla." Malakas kong sabi sa kanila. "Ang unfair mo naman Agatha. Ako nga tinanggap ko ang dare ko kahit nadidiri na ako." Itinaas ni Allan ang kamay nila ni Nicole na magkaholding hands pa rin. Sinang-ayunan pa ito ng lahat. Tumingin ako kay Kean na blangkong nakatingin lang sa akin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit. "Masyadong kumplikado ang dare na ito. Alam niyo namang si Kean lang ang nag-iisang ex ko. And the mere fact na may girlfriend siya, it would be unfair for her. Right Kean?" Tumingin ako kay Kean na blangko pa ring nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya na nagpapahiwatig na tulungan niya ako sa sitwasyon kong ito. Unti-unti siyang ngumiti na ikinakaba ko. I know that smile. "Well, kung ako ang tatanungin, wala naman akong nakikitang problema sa dare." Plain niyang sabi sa akin. "Ayon naman pala e. Walang problema kay Kean." Masayang sambit ni Allan. "Pero may girlfriend ka Kean and ex mo ako. I'm sure hindi siya magiging komportable kapag nalaman niya 'yon." Hindi ko maintindihan si Kean. Sa dare na ito, siya ang alam kong numero unong tututol pero nagkamali ako. "I'm sure she will understand. It's just a dare anyway." Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa sinabing iyon ni Kean. He has a point. Dare nga lang naman ito so bakit kailangan kong magreklamo o magreact ng ganito. Tiningnan ko ang lahat ng kaklase ko na nakatingin sa akin. Huli kong tiningnan ay si Kean na hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Ngumiti ako at ininom ang beer na hawak ko. Dineretso ko ito ng inom at inubos. "A week with my ex. Dare." Matapang kong sabi na ikinatuwa ng lahat. Maski ang mga kaibigan ko ay nagtatalon pa sa tuwa. Muli kong tiningnan si Kean at nakangiti na siya sa akin ngayon. Umiling lang ako at inirapan ko siya. Ika nga, bahala na si batman. After naman ng reunion na ito, balik na ulit kami sa kani-kaniyang buhay kaya paniguradong malilimutan din nila ang dare na ito. "Nakakatuwa na tinanggap mo ang dare mo. Pero may mechanics ang dare mo. Kailangan niyong magsend ng mga pictures sa GC natin as a proof na isang linggo kayong magkasama. Okay?" Nakangising sabi ni Micah. Wait. What? OMG! I'm doomed!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD