CHAPTER 2

1537 Words
AGATHA'S POV "Ate, hinihintay ka na ni papa." Narinig kong sigaw ni Nathan. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at muling tiningnan ang sarili ko sa salamin. Resort naman ang pupuntahan ko kaya nagsimpleng dress lang ako at flat sandals. Naka-empake na rin sa bag ko ang mga gamit ko kaya mabilis ko itong kinuha at lumabas na ng kwarto ko. Medyo malayo ang resort ni Kean kaya ihahatid ako ni papa doon. Ayon kina Nancy, ang resort daw ni Kean ang isa sa mga sikat na resort dito sa isla. Mayroon kasi itong infinity pool at floating kubo na pwedeng kainan. Pino at kulay puti rin ang buhangin sa resort kaya patok na patok talaga ito sa mga turista at maski sa mga residente ng isla. "Handa ka na ba anak?" Tanong sa akin ni papa nang makasakay ako sa sasakyan. "Handa? Para saan naman po?" May pagtatakang tanong ko kay papa. "Sa muling pagkikita niyo ni Kean." Nakangiti nitong sagot sa akin. "Papa!" Isang malakas na tawa ang isinagot sa akin ni papa bago siya nag-umpisang magmaneho. Napailing na lang ako. Iniisip kasi ng pamilya ko na hindi pa rin ako nakakamove on kaya hindi raw ako nagboboyfriend. Si Kean pa lang kasi ang naging boyfriend ko at masyado pa kaming bata nang mga panahon na iyon. Halos isang oras din ang biyahe bago makarating sa resort. Pinaalalahan ako ni papa na kung wala raw akong masasabayan pauwi ay tawagan ko raw siya para masundo niya ako bukas ng umaga. Overnight kasi ang reunion namin at kung maeextend pa ay maaaring hapon na kami makauwi bukas. Nagpaalam na ako kay papa at bumaba ng sasakyan. Pinagmasdan ko ang gate ng resort ni Kean. May nakalagay na "Kean's Beach Resort" sa gate at may isang tao na nakaabang sa bawat guest na dumadating. Tiningnan ko ang orasan at late na ako ng kalahating oras. Nagdadalawang isip pa rin kasi ako kung pupunta ba ako o hindi. Kanina pa rin tumatawag sa akin ang mga kaibigan ko pero hindi ko sinasagot. Dahan-dahan akong lumapit sa entrance ng resort at agad naman akong binati ng tao doon. "Welcome to Kean's Beach Resort Ma'am." Nakangiting bati sa akin nito. "Hello. I'm Agatha Reyes." "Ms. Agatha, kayo po pala iyan. Kayo na lang po ang hinihintay nila. This way Ma'am." Inalalayan ako ni kuya papasok ng resort. Sa may entrance pa lang ay rinig ko na ang masayang tugtugin sa may sea side. Hanggang sa matanaw ako ni Micah, ang president namin. May hawak siyang mic kaya rinig ng lahat ang sinabi niya. "OMG guys! Nandito na si Agatha!" Masayang sambit niya sa mic. Sabay-sabay na lumingon sa akin ang mga dati kong kaklase kaya nakaramdam ako agad ng hiya. I'm an introvert person and I hate attentions. "Welcome back Agatha!" Sabay-sabay na bati sa akin ng mga dati kong kaklase. Inilibot ko ang paningin ko at tanging si Kean lang ang hindi ko nakita. Agad naman akong nilapitan ng tatlo kong kaibigan. "Pinakaba mo kami Agatha. Akala namin ay hindi ka na pupunta." Bungad agad sa akin ni Celine. Hinila ako nina Liza at Nancy palapit sa table na may mga pagkain. Inabot naman sa akin ni Celine ang isang pinggan. "Kumain ka muna. Nauna na kaming kumain kasi ang tagal mong dumating." Sabi ni Liza. "Kumain na kayong lahat?" Tanong ko sa kanila habang pinagmamasdan ko ang mga pagkain sa table. Halos seafood ang nakahain na siya namang namiss ko rito sa probinsya. Marami ring prutas at syempre, hindi mawawala ang alak. "Ikaw na nga lang ang hinihintay namin. Kaya kumain ka na diyan para makapagkwentuhan na tayo sa kanila." Isa sa ikinatutuwa ko sa mga kaibigan ko ay ang hindi nila ako iniiwan. Nasa tabi ko lang sila hanggang sa matapos akong kumain. Alam kasi nilang introvert ako kaya hindi nila ako hinahayaang mag-isa lalo na sa mga ganitong klaseng gathering. "Nasaan na ba si Kean?" Narinig kong sabi ng isa naming kaklase, si Allan. "Baka nagtatago dahil alam niyang nandito na si Agatha." Sabi naman ni Mike. Napailing na lang ako. Nag-uumpisa na silang mang-asar at pakiramdam ko ay namumula na ako. "Sinong nagtatago?" Natigilan ako nang may biglang magsalita sa gawing likuran ko. Kilala ko na ang boses na iyon kaya nag-umpisa na ring mamawis ang mga palad ko. "Ayan na pala ang hinahanap natin." Natutuwang sambit ni Allan. "Halika na pare at may ipapakilala kami sa 'yo." Nakangising sabi naman ni Mike habang nakatingin sa akin. "Kayo talaga. Itigil niyo na 'yan dahil baka maawkward si Agatha." Nahihiyang sabi ni Kean na nasa likod ko pa rin. "Kilala mo na pala ang ipapakilala namin sa 'yo." Parang nanghihinayang na sabi ni Allan. Sinisiko siko na ako ng mga kaibigan ko na parang sinasabi nilang may dapat akong sabihin. Pero anong sasabihin ko? Nabablangko ang utak ko dahil sa sobrang hiyang nararamdaman ko. "Ang gulo niyo. Tulungan niyo na lang akong buhatin ang mga beer. Maayos na ang bonfire kaya dalhin na natin ang mga beer doon." Mahabang sabi ni Kean. Kumindat pa sa akin si Allan bago sila umalis sa harapan ko. Alam na alam ko na ang mga galawan na iyon ni Allan. Paniguradong may binabalak siya na hindi ko magugustuhan. "Tara na sa may bonfire." Nasasabik na sambit ni Liza. Tapos na rin naman akong kumain kaya sabay sabay na kaming naglakad palapit sa may seaside. Nandoon na rin ang iba naming kaklase at nag-uumpisa na silang uminom ng beer. Inabutan ako ni Nancy ng beer. Mahina ang tolerance ko sa alak pero mabuti na lamang na light beer lang ang iinumin namin. Naupo kaming lahat paikot sa bonfire. Katabi ko sina Liza at Nancy, si Celine naman ay katabi ni Liza. Katapat ko naman ay si Allan na malawak ang ngiti sa akin. Sa mga ngiti pa lang niyang iyon ay kinakabahan na ako. "Wait guys! Bago ang lahat, may gusto lang akong sabihin." Sabi ni Mico, ang escort namin noon. Hininaan ni Micah ang sounds at pinalitan niya ng mellow song ang tugtog. Tumayo naman si Mico at pumunta sa bandang gitna, malapit sa may bonfire. "Gusto ko lang samantalahin ang pagkakataong ito. Gusto ko kasi na kayo ang saksi sa isa sa mga pinakamahalagang desisyong gagawin ko sa buhay ko. Simula highschool pa lang, kayo na ang saksi sa pagmamahalan namin ni Hazel." "O my god!" Narinig kong bulong ni Nancy. Lumapit si Mico kay Hazel at inalalayan itong tumayo. Tiningnan ko si Hazel na tila nalilito sa ginagawa ng kaniyang kasintahan. Simula highschool pa lang ay sila nang dalawa, at nakakatuwang malaman na hanggang ngayon ay sila pa rin. "Hazel, ang tagal kong hinintay ang araw na ito. Ang tagal kong pinag-isipan kung ito na ba talaga ang tamang panahon. But I think, I need to do this. Ayoko nang patagalin pa ang lahat." Lumuhod sa harapan ni Hazel si Mico at may inabot na maliit na box si Allan sa kaniya. "Please Hazel, marry me and be my wife." Buong pagmamahal na sambit ni Mico. Napuno ng tilian at sigawan ang buong resort. Si Hazel naman ay hindi na napigilan ang mapaiyak sa sobrang tuwa. Si Mico ay naluluha na rin habang hinihintay ang matamis na oo ng kaniyang kasintahan. "Of course Mico. I can be your wife." Masayang isinuot ni Mico ang singsing kay Hazel. Tumayo siya at niyakap si Hazel. Napangiti na lang ako. Isa sila sa mga "loveteam" ng aming section at nakakatuwa na hanggang ngayon ay sila pa rin at magpapakasal na. "Kung hindi kayo naghiwalay ni Kean, siguro nasa ganyang stage na rin kayo." Mahinang bulong sa akin ni Liza. Siniko ko na lang siya at hindi na nagsalita dahil paniguradong hahaba lang ang usapin namin tungkol sa ex ko. "Congratulations Mico and Hazel! We are happy for you." Sabi ni Micah habang iniaabot kay Mico ang isang bouquet ng bulaklak na siya namang ibinigay nito kay Hazel. "So mayroon pa po bang magpopropose diyan?" Tanong naman ni Cheska, ang aming bise presidente. "Si Kean." Sagot naman ni Allan. Agad naman siyang binatukan ni Kean na ikinatawa ng lahat. Si Allan ang bestfriend ni Kean kaya ganoon na lang sila kalapit sa isa't isa. Nagkatinginan kami saglit ni Kean dahil ako na ang nag-iwas ng tingin. Sa pagkakaalam ko ay may girlfriend siya ngayon at inaasahan kong kasama niya ito pero mukhang hindi niya isinama sa reunion ang girlfriend niya. "Huwag nating madaliin iyang si Kean. I'm sure may pinaplano na 'yan sa buhay niya." Nang-aasar na sabi naman ni Micah. Tumingin sa akin si Micah at kumindat. Hindi na lang ako nagreact at uminom na lang ako ng beer. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit tuwang tuwa ang lahat na asarin kaming dalawa ni Kean. Ang tagal na ng panahong lumipas pero hindi pa rin sila nakakamove on sa nakaraan namin. Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi isinama ni Kean ang girlfriend niya. Nakakahiya sa kaniya dahil sa mga dati naming kaklase na pilit inuungkat ang nakaraan na hindi naman na dapat. May kanya-kanya na kaming buhay at iyon ang dapat na maintindihan nila. Hindi ko na alam ang gagawin kung paano ko sila mapipigilan na ungkatin pa ang nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD