“Hi, honey!" Agad na bati ko sa anak kong si Kyrie. Nang makauwi ako galing sa bar ni Vince ay dito na agad ako dumeretso dahil gabi na rin nung maka alis kami doon. Tanghalian kami pumunta sa bar ni Vince pero ginabi na kami ng uwi, dahil naparami ang kwentuhan si Justin at ang mga kaibigan nito. Hindi ko rin makaila na na miss kong kasama ang mga kaibigan ko lalo na si Jonathan. Hindi ko maisip na may pinagdadaanan din ito. . “Mommy!” Sigaw nito ba tumakbo palapit sa akin. Agad naman akong yumakap dito at humalik sa kanyang ulo. “Kamusta naman ang prinsipe ni mommy?” tanong ko dito sabay gulo sa buhok niya. “Okay naman po mommy, nag laro po kami ni daddy.” Masayang sabi niya. " Nag behave ka ba ha?” Tumango ito sa tanong ko. " Yes po.” " Sige na bumalik ka na sa pinapanood mo.” sa

