Justin Monticello POV “Bakit parang hindi ka makapag salita? Napaka simple lang naman ng tanong ko hindi ba? Ano ang dahilan kung bakit ako naaksidente?” Muling tanong niya sa akin. Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na itatanong niya yun sa akin bakit pakiramdam ko ay may alam siya at may naaalala siya. “ Hindi ko rin alam kung ano ang dahilan ng aksidente mo. Pero ang sabi ng dati kong sekretarya na si Minerva ay pumunta ka sa opisina ko at naghatid ng pagkain, pagkatapos nun ay umalis ka ng hindi pa nakaka pasok sa opisina dahil tinawagan ka ng teacher ng anak natin dahil may importante siyang sasabihin sayo.” Napalunok ako habang sinasabi ko iyon sa kanya. Kumunot namam ang noo niya na tila hindi naniniwala sa aking sinabi. “ Hindi mo ba naisip na pwedeng umalis siya sa opisina mo

