“Good morning sir." Pormal na bati ko kay Justin ng makapasok ako sa opisina niya. “Good morning.” Ganting bati niya at bahagyang ngumiti sa akin. Hindi ako gumanti sa ngiti niya at pumunta na sa table ko. “Xi–” nag angat ako ng tingin sa kanya ng tawagin niya ako. “May kailangan po ba kayo?” Kunot ang noo na tanong. " Pwede ka bang makausap?” tanong niya sa akin. " Tungkol noong saan?” Hindi ko alam kung para saan pa at gusto niya akong makausap. " Tungkol sa nangyari noong nakaraang araw at tungkol kahapon.” Aniya habang matiim na nakatingin sa akin. "Tungkol sa nangyari kahapon at noong isang araw? Tungkol ba sa pagiging bastos ng girlfriend mo at ng anak mo? You know what sir, gusto kong paluin ang anak mo pero mas gusto ko kayong suntokin na mga magulang niya, dahil hindi niyo

