“Are you okay?" Tanong sa akin ni Jonathan ng nasa bar na kami ni Vince na dalawa. Dito niya ako dinala pagkatapo niya kaming maabutan ni Justin sa opisina na nagtatalo. Agad kasi akong na nakiusap sa kanya na ilayo niya ako kay Justin dahil hindi ko na siyang kayang harapin pa. “Okay na ako, sorry kung pati ikaw na abala ko. Alam ko na may dinadala ka ding problema." Sagot ko sa kanya. “Uminom ka muna ng tubig Xi." Inabot sa akin ni Vince ang isang basong tubig at agad ko din naman iyong tinanggap. “Ano ba talaga ang nangyari?" Si Vince. “Niloko niya ako, niloko ako ng kaibigan mo Vince." Umiiyak na saad ko dito. " Baka may dahilan si Justin, Xi. Bakit hindi mo muna pakinggan ang paliwanag niya" ani pa sa akin ni Vince pero umiling ako. " Para ano pa? Kitang kita ng dalawang mata ko

